Bela, wala sa 2019 calendar ang lovelife (Plus: video highlights of her Tanduay calendar 2019 launch)

PHOTOS: Melo Balingit

PHOTOS: Melo Balingit

Type na type ni Bela ang tagline ng Tanduay Select ngayon na “Piliin mong maging ikaw.”

 

Feeling daw niya kasi, napili siya ng Tanduay para maging Calendar Girl for 2019—joining the roster of Carla Abellana (2012), KC Concepcion (2013), Heart Evangelista (2014), Jennylyn Mercado (2015), Jessy Mendiola (2016), Ellen Adarna (2017), and Erich Gonzales (2018)—hindi dahil sexy siya kundi dahil sa siya ay siya.

 

“And they say what I do resonates to the millennials so I’m very careful with what I do ’cause I want them to see that I’m taking care of my life.”

 

Panuntunan daw talaga kasi niya sa buhay ang wag masyadong mag-worry.

 

“Right now kasi ano ako, e, very relaxed,” dagdag pa ni Bela. “I’m very happy with what I have. With what I’m doing…Actually, kung iisipin ko, pagod, e. Ang dami kong ginagawa. Everyday nagta-trabaho. But I feel like everything I’m doing is perfect fit with who I am right now.”

 

 

Ilan sa mga pinag-kakaalabahan ni Bela ngayon for 2019 ang teleseryeng Mea Culpa ng ABS-CBN, isang movie with Irene Villamor, at nakatapos na rin siya ng isa pang script na ready for production.

 

(Remember she wrote the script of the Toni Gonzaga-Piolo Pascual starrer na Last Night na prinodyus ng Star Cinema.)

      

Bukod doon, nakatapos na rin daw siya ng isang digital series at baka sa 2019 at masubukan na niyang mag-direk.

 

Sa dami nang aabangan kay Bela, tila na naiisantabi na niya ang lovelife. At bagamat nali-link siya sa gaya nina Zanjoe Marudo at JM de Guzman, nagbiro si Bela na siya man daw ay nag-aabang sa pagdating ng lovelife sa darating na taon.

 

Anyway, here’s a video that documented the highlights of Bela’s ala-Marilyn Monroe Tanduay Calendar 2019 launch, held November 23 at the Movie Stars Café in Eton Centris, Quezon City.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.