Bela Padilla, napasaringan ng netizen; napagkamalang siya si Bea Alonzo

Base sa comment ng netizen, inakala nitong si Bela Padilla ay ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, at nalalabuan umano ito sa anniversary greeting dahil kakahiwalay lang daw ni Bea kay Dominic Roque. Tila ba iniisip nitong may nobyong iba si Bea bukod sa nakahiwalayang si Dominic at pinagsabay ng aktres ang dalawa.

PHOTOS: @bela on Instagram & @TheBeaAlonzo on Facebook

Base sa comment ng netizen, inakala nitong si Bela Padilla ay ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, at nalalabuan umano ito sa anniversary greeting dahil kakahiwalay lang daw ni Bea kay Dominic Roque. Tila ba iniisip nitong may nobyong iba si Bea bukod sa nakahiwalayang si Dominic at pinagsabay ng aktres ang dalawa.

Naloka at natawa ang mga fans ni Bela Padilla sa isang naligaw na netizen na nag-akalang s’ya si Bea Alonzo.

Naganap ito sa Instagram ng actress-director kagabi, February 22, after n’yang mag-share ng advanced appreciation post para sa Swiss-Italian boyfriend n’yang si Norman Ben Bay. Fourth anniversary kasi nila bilang couple ngayong araw, February 23.

“To the person who supports my mission to finish Hogwarts Legacy on the PlayStation and will happily take over the stages that are too scary for me, happy anniversary [Red heart emoji] and I miss you!” mensahe ni Bela sa kanyang post.

Kalakip nito ang series of photos nga mga memorable ganap nilang magkasintahan.

Dinagsa naman ng greetings mula sa kanilang fans, followers, and supporter ang comment section. 

However, may isang namumukod-tangi at agaw-pansing komento ng isang netizen. Kinukuwestiyon kasi nito ang pagshi-share ng aktres ng anniversary post.

Base sa kanyang comment,  inakala nitong si Bela ay ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, at nalalabuan umano ito sa anniversary greeting dahil kakahiwalay lang daw ni Bea kay Dominic Roque.

Tila ba iniisip nitong may ibang nobyo si Bea bukod sa nakahiwalayang si Dominic at pinagsabay ng aktres ang dalawa.

“Bakit anniversary? Ano yung kay Dominic? Kaloka nakakawalang respeto sa self [Crying face emoji],” komento ng pangahas na netizen.

Maging si Bela mismo ay naguluhan dito kung kaya’t napa-comment s’ya rito ng: “???”

SCREENSHOT: @bela on Instagram

Natawa at naloka naman ang ibang fans. Itinama ng ilan sa kanila ang nalilitong netizen at sinabihan ito na ang nag-post ng anniversary greeting ay si Bela at hindi si Bea.

Sa ngayon ay meron ng mahigit 140K reaction hearts ang post ng aktres.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bela Padilla, inalala ang una at huling pagkakataon na nakita niyang umiyak ang kanyang ama

Bela Padilla, minsan nang nagselos sa project na ginawa ni JC Santos na hindi siya ang leading lady

Bea Alonzo at Dominic Roque, kumpirmadong hiwalay na ayon kay Boy Abunda

Kampo ni Dominic Roque, itinangging meron siyang mga benefactors; Cristy Fermin, pinuruhan

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.