Beauty Gonzalez, muntik nang bulagin si Sen. Bong Revilla

Kung kinabahan si Sen. Bong Revilla na baka mabulag siya dahil sa aksidenteng pagkakasundot ni Beauty Gonzalez sa kanyang mata, doble naman ang naging takot ni Beauty. "Takot na takot ako kasi ang tagal niya sa ospital! Kung anu-ano na ang naiisip ko. Kaya no'ng bumalik siya, medyo nakahinga na ako. Pero guilty talaga ako, 'Day!"

Photos: @beauty_gonzalez, @walangmatigasnapulisgma

Kung kinabahan si Sen. Bong Revilla na baka mabulag siya dahil sa aksidenteng pagkakasundot ni Beauty Gonzalez sa kanyang mata, doble naman ang naging takot ni Beauty. "Takot na takot ako kasi ang tagal niya sa ospital! Kung anu-ano na ang naiisip ko. Kaya no'ng bumalik siya, medyo nakahinga na ako. Pero guilty talaga ako, 'Day!"

Pangkaraniwan na sa mga shootings or tapings ng mga pelikula o teleserye ang mga aksidente lalo na sa mga action projects.

Sa case ng second season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, iisipin mong sa mga barilan o fight scenes maaring magkaroon ng aksidente. Pero ang nakakaloka, daliri lang pala ni Beauty Gonzalez, ang gumaganap na misis ni Bong Revilla sa show, ang magiging cause para matigil pansamantala ang taping.

Nasundot kasi ni Beauty ang chinitong mata ng actor-senator na dati na ring naoperahan.

Aminado si Senator Bong na kinabahan siya.

“Sa mata, mata siya," kuwento niya sa amin after ng press conference proper ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 kamakailan.

"E,  matakot ka na s'yempre na mabalian ka, pero 'yung mata, mabulag?  Especially I got operated na sa mata. So, talagang sinabi ng doctor noon, basta ‘wag lang tatamaan ‘yan.  E, natamaan. Haha!”

Halos matunaw naman si Beauty habang nagkukuwento ang kanyang mister sa show.

"Takot na takot ako kasi ang tagal niya sa ospital! Kung anu-ano na ang naiisip ko. Kaya no'ng bumalik siya, medyo nakahinga na ako. Pero guilty talaga ako, 'Day," lahad naman ng Cebuana actress.

For his part, nagpapasalamat daw si Sen. sa Diyos na gano’n lang ang nangyari.

“I’m so happy, God is so good. He saved my life.  Talagang—pop! Gano’n talaga, e. Ang nakatama 'yung daliri niya.  Buti na lang, wala siyang kuko.  Pero kung may kuko si Beauty, bulag ako.

“'Yun ang sinabi ng doctor. ‘May kuko ba?’  Buti na lang wala.”

"Buti nalang talaga hindi ako mahilig sa long nails," dagdag ni Beauty sabay pakita ng mga daliri niyang maiikli ang kuko. "I just do it pag kailangan."

Nasaktan man, balewala na ito ngayon kay Sen. Bong dahil sulit naman daw ang dugo't pawis na inubos nila sa paggawa ng kanilang weekly comedy-action series. Sa trailer palang kasi ay kita na ang effort na pagandahin ang show lalo na ang mga expected na action scenes.

“Nag-level-up ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis," pagmamalaki niya. "S'yempre, kailangang i-improve natin. Mas pagandahin natin at sa tingin ko, naa-accomplish natin 'yon.

“Kaya 'yung pangako na 'yon...at kita n'yo naman si Beauty, naka-police uniform na. Abangan n'yo kung paano mangyayari 'yon,” pambibitin niya.

Aminado si Senator Bong na malaking challenge raw talaga sa kanya na mas maging malaki at mas magustuhan ng mga manonood ang Season 2 para na rin patunayan na deserve nilang magka-Season 2.

“’Yun ang biggest challenge, e, pero sa tingin ko naman, as I’ve said, makikita niyo naman sa trailer ‘yan. Makikita n'yo sa mga kasama natin and sa totoo lang, I’m very, very happy sa naging turn-out nitong Season 2.  

“Talagang mas masaya, mas malaki at mas magagaling ang eksena. Hindi kami mapapahiya sa inyo. Pelikula ang ginawa, e, hindi siya pang-TV.  So, makikita n'yo ang mga action scenes, nag-level-up talaga. As in literally, mas pinalaki ang action," pangako niya. 

When asked kung bakit hindi nalang ito gawing daily instead na weekly, napa-iling ang senador.

“Naku, mahirap gawin ‘yan,” saad niya.

“Nakakapagod talaga. It’s not easy. Sabi ko nga, a daily serye, hindi na ‘ko bata para gawin ‘yon.  At saka, may trabaho rin ako bilang senador. Pero dito, hindi ko pinakita 'yung age ko," agad na bawi niya. “Kung ano ang kaya ng bata, kaya pa rin ni Bong Revilla 'yan.”

May 14 episodes na raw silang natapos para sa Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na magsisimula nang mapanood ngayong Linggo, February 4, 7:15 p.m. sa GMA-7.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Beauty Gonzalez, inabutan ng pagputok ng bulkan habang dyumi-jingle nang mag-hiking siya sa Guatemala; “Inangat ko ang panty ko tapos tinawag ko mga kasama ko.”

Beauty Gonzalez, ibibigay sa awtoridad ang "orifice covers" na isinuot niyang kuwintas kung sakaling kunin ang mga ito sa kanya

Pika's Pick: Beauty Gonzalez promises eternal love to birthday celebrant husband, Norman Crisologo

Beauty Gonzalez, niyayaya si Ellen Adarna na "manggulo" sa promo ng movie nila ni Derek Ramsay

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.