Beauty Gonzalez, “kabaliwan issue” ang tawag sa muntik paglipat sa GMA-7

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

“Kabaliwan issue” ang tawag ni Beauty Gonzalez sa naging attempt niya last year na mag-ober-da-bakod sa bakuran ng GMA-7.

Nabuksan ang topic—na siya rin naman ang nag-open up—sa thanksgiving press conference ng namamayagpag na Dreamscape drama na Kadenang Ginto na ginanap sa ABS-CBN kanina.

Tinanong kasi si Beauty how she landed the role of Romina Mondragon sa nasabing highly-rated ABS-CBN afternoon drama.

Bukod kasi sa talagang pinag-uusapan ang mga tarayang eksena nila ni Dimples Romana sa show, ay kasalukuyang nagba-viral pa rin ang mga memes nila ni Dimples na hango sa mga eksena nila sa show.

READ MORE: Dimples' hubby Boyet joins #OhDani bandwagon!

Sa una ay tila hindi pa maalala ni Beauty ang mga detalye kung paano inalok sa kanya ang role. Pero habang nire-recall niya ay nagbalik sa kanya ang mga pangyayari last year.

“Naku, may amnesia na ako,” panimula ni Beauty. “But I talk to…to make it ano sigurado…I remember, if I’m not mistaken, Sir Deo offered me this show. Sabi niya na ano, ‘Wag ka nang baliw baliw ha…’ Hahaha! Ito na, gawin mo na ’to…kasi I had this baliwan last year na issue…Hahaha!”

(Sir Deo is Deo Endrinal, head of Dreamscape Entertainment na siyang nagpo-produce ng Kadenang Ginto for ABS-CBN.)

Beauty goes on: “So, parang sabi niya, ‘O, ito gawin mo na ito. Kaya mo ’to.’ Sabi ko, ‘Kaya ko ba talaga?’ ‘Kaya mo.’

“’O. sige, sige,’ sabi kong gano’n. So, I’m so happy kasi you know after that kabaliwan issue ko, I’m back and I’m happy to where I am and I am home.” 

Para mas malinawan, nag-volunteer ang Dreamscape boss na si Deo Endrinal, na present din sa press conference kanina, na magbigay pa ng additional information.

Ayon kay Deo: “You know, in fairness, it was Lauren who was talking to Beauty and sabi ni Lauren [sa akin], ‘Kunin mo na si Beauty for Kadena…’  Tapos, sabi ko sige tapos mi-nit namin siya [Beuaty] and then we were trying to pursue her na not to move to another network.” 

(Lauren is Direk Lauren Dyogi, ABS-CBN head for TV Production and siya ring direktang namamahala sa Pinoy Big Brother show.)

Natatawang sumingit si Beauty: “I was just a friendly neighbor…”

Addressing Deo, direktang nagpasalamat si Beauty. He says: “God is so good, yes. Thank you, thank you so much, thank you my fairy godmother. You’ve taught the dragons so well kaya the show is doing well. Thank you, ABS-CBN ’coz I’m happy to be here. I don’t wanna leave anymore. So, thank you so much.

“I was just being a friendly neighbor. Nakikain lang ako ng lechon, tapos bumalik ulit ako.”

May last year nang unang kumalat ang bulung-bulungan na lilipat na diumano ang PBB (Pinoy Big Brother) graduate sa GMA-7. A month after ay lumabas nga si Beauty sa June 16 episode ng now- defunct Kapuso game show na Celebrity Bluff hosted by Eugene Domingo.

But then, by August ay nagbalik ang beauty ni Beauty sa bakuran ng ABS-CBN via a huge lead role in a MKK (Maalaala Mo Kaya) episode.

October 2018 naman nag-pilot ang Kadenang Ginto, na sampung buwan ang tumatakbo at nasa Book 3 phase na sa kasalukuyan. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Battle of the Memes: Strutting Daniela vs. Lounging Romina

Beauty Gonzales meets up with BFF Ellen Adarna; posts photo of Baby Elias

Are Andrea Brillantes and Francine Diaz the next Kathryn and Julia?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.