Beauty Gonzalez, aminado sa mga pagsusungit sa set ng 'Kadenang Ginto;' lalo na daw pag kulang sa tulog

PHOTOS: @beauty_gonzalez on Instagram (L), Melo Balingit (R)

PHOTOS: @beauty_gonzalez on Instagram (L), Melo Balingit (R)

Inamin ng Kapamilya star na si Beauty Gonzalez na nag-struggle s'ya bilang isang aktor sa loob ng 16 months habang ume-ere ang pinagbibidahang teleseryeng Kadenang Ginto.

Ngayong magwawakas na ang isa sa mga successful afternoon soap operas ng ABS-CBN, inilahad ni Beauty ang kanyang mga pinagdaan sa likod ng kamera.

Sa media conference ng show kahapon, January 29, makailang ulit na inilarawan ng 28-year-old actress ang sarili bilang "difficult child." Kaya naman natanong s'ya ng press kung ano ang pinanggagalingan nito.

"Na-test talaga," pag-amin ni Beauty. "Tao lang din naman ako. Hindi naman ako perpektong tao na kaya kong magpakabait everyday.

"Na-test din 'yong pagka...you know when you're so pressured and so tired in doing a job sometimes it's not easy to always be happy."

Nai-share din ni Beauty na minsan nasusungitan n'ya ang mga staff lalo na kung kulang s'ya sa tulog, na isa rin sa dahilan kung bakit n'ya nasabing s'ya'y isang "difficult child."

"Hindi kasi ako plastic eh," paliwanag ng Kadenang Ginto star. "Prangka ako eh. When I feel the moment na I need to say it out loud, I say it out loud. And alam ng mga staff 'yon.

"Kaya minsan sasabihin ko, 'Uy, pasensya na ha. Huwag n'yo lang kasi ako patulugin ng gabi. Kasi kapag natulog na ako ng gabi tapos gigisingin n'yo ako magiging monster na talaga ako. Alam mo naman hanggang alas-dos pa tayo.'

"I'm just being honest to myself. Just take it or whatever. ‘Take me for who I am. Siguro naman love n'yo naman ako kahit ganito ako,'di ba?

Gayunpaman, grateful ang aktres sa kanyang mga katrabaho, both co-actors and staff, sa pang-uunawa sa kanya.

Pag-amin pa ni Beauty: "Ngayon lang ako nakita ng mga [artista] ng Kadenang Ginto na real as me right now. And I just want to show it to everyone, sa mga press, na this is who I am. This is Beauty Gonzalez."

Ikinuwento din ng Spanish-Filipina actress ang pressure na naranasan lalo na sa pagbitaw ng kanyang linya sa wikang Tagalog. Bisaya kasi ang kanyang mother tongue.

"Pagdating sa set mukha akong tanga. Ang sungit-sungit [ko] kasi, sa totoo lang, hirap na hirap ako sa Tagalog ko. Kaya dapat concentrate ako kasi syempre kapag sampalan na uulitin mo 'yong sampal eh. Masakit din eh, 'di ba?"

Natawa ang entertainment press at co-stars nya sa sinabing ito ng ABS-CBN star na tubong Dumaguete City.

"Kailangan tuwid-tuwid 'yong Tagalog mo. So sobrang seryoso ako."

Inamin rin ang Pinoy Big Brother alumna na hindi rin n'ya madalas makausap kahit ang co-lead star nyang si Dimples Romana.

"Sa totoo lang, I lock [my room]. At alam ng lahat 'yan at hindi ko naman itatago. Nilalayo ko ang sarili ko sa lahat.

"Kaya nga wish ko pagkatapos ng show na ito na sana makapag-bonding din ako kasama sila. Kaya nga sinasabi ko na this is not the ending but a beginning of a beautiful friendship."

Magtatapos ang Kadenang Ginto sa susunod na linggo, February 7, at papalitan ng Love Thy Woman na pagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angel Locsin planned a sweet surprise birthday party for BFF Dimples Romana and the Kadenang Ginto star can’t get over it

Battle of the Memes: Strutting Daniela vs. Lounging Romina

Dimples' hubby Boyet joins #OhDani bandwagon!

Andrea, impressed sa acting ni Seth

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.