Bea Alonzo, tatapusin muna ang mga natanguang commitments bago asikasuhin ang wedding nila ni Dominic Roque

Ayon kay Manay Cristy Fermin, base sa usapan umano nila ng nanay ni Bea Alonzo, uunahin daw ng aktres na tapusin ang showbiz commitments nito bago magpakasal kay Dominic Roque. Naiintindihan naman daw iyon ni Dom. “Nauunawaan po ni Dominic Roque ang buhay ni Bea bilang isang napakaabalang aktres. Natural, ’yong kompromiso, ’di ba, tatapusin muna, ’di ba?” saad ng veteran showbiz news/host and insider.

PHOTO: @TheBeaAlonzo on Facebook

Ayon kay Manay Cristy Fermin, base sa usapan umano nila ng nanay ni Bea Alonzo, uunahin daw ng aktres na tapusin ang showbiz commitments nito bago magpakasal kay Dominic Roque. Naiintindihan naman daw iyon ni Dom. “Nauunawaan po ni Dominic Roque ang buhay ni Bea bilang isang napakaabalang aktres. Natural, ’yong kompromiso, ’di ba, tatapusin muna, ’di ba?” saad ng veteran showbiz news/host and insider.

Sa mga nagtatanong o naiinip kung kailan mangyayari ang kasalang Bea Alonzo at Dominic Roque, baka raw sa susunod na taon pa ito maganap.

Iyan ang sinabi ng veteran showbiz writer/host and insider na si Manay Cristy Fermin sa kanyang radio and online show na Cristy Ferminute ngayong araw, September 4.

Nakausap raw kasi n’ya ang nanay ni Bea na si Mommy Mary Anne at doon ay napag-alaman umano n’ya na tatapusin muna ng aktres ang kanyang mga nakalinyang proyekto bago magpakasal sa kanyang fiance.

Sabi ko, ‘Mommy, kailan na tayo makahihigop ng mainit na sabaw?’ Ganyan sa probinsya, ’di ba?” tanong raw ni Manay Cristy sa nanay ni Bea na nangangahulugang kailan magaganap ang kasalan. 

Sagot daw nito sa kanya, malamang ay sa susunod na taon pa. 

‘Naku, Tita, mukhang next year pa. Kasi nga marami pang kompromiso si Bea,’” response daw sa kanya ni Mommy Mary Anne. 

At totoo naman po ’yon. Tulad ng sinabi ni Tita Shirley Kuan, ang kanyang manager, ang hindi alam ng iba, bago gawin ang isang proyekto months ago pa ’yan napag-usapan, ipinalantilya, at inayos pati ’yong schedule,” saad pa ni Manay Cristy. 

Kung iisipin nga naman, hurado ngayon si Bea sa talent competition na Battle of the Judges, at bibida pa s’ya sa upcoming teleserye nila ni Dennis Trillo na Love Before Sunrise

Mabuti naman daw at naiintindihan ’yon ng kanyang soon-to-be husband. 

At nauunawaan po ni Dominic Roque ang buhay ni Bea bilang isang napaka-abalang aktres. Natural, ’yong kompromiso, ’di ba, tatapusin muna, ’di ba?” ani Manay Cristy. 

Payo pa n’ya sa mga fans, huwag nang mainip pa dahil ilang buwan na lang din naman ay 2024 na. 

Kaya ’yon pong kasalan…wag po tayong mainip. Ano na ba ngayon? September na… Malay natin, baka naman January pa lang ay pakakasal na sila. O, next year ’yon. Kahit January 1, next year na ’yon, ’di ba?” paliwanag pa n’ya.

Sang-ayon naman s’ya kay Bea sa pasya nito na unahin muna ang mga naoohang proyekto bago asikasuhin ang mga preparasyon para sa kasal.

Tama ’yon, tama ’yon. Unahin muna ang mga kompromismo nang walang masabi ang kahit na sino,” pagtatapos ni Manay Cristy. 

Nauna nang sinabi ni Bea sa kanyang previous interview na wala pa silang eksektong petsa kung kelan sila magpapakasal ni Dominic. 

Pero ang siguro raw s’ya ay invited doon ang dati n’yang ka-love team na si John Lloyd Cruz.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bea Alonzo, itinangging engaged na sila ni Dominic Roque

Bea Alonzo, under treatment for polycystic ovary syndrome at hypothyroidism

Bea Alonzo, gusto ng maraming maging anak pero "malamang hindi na mangyayari 'yon."

Bea Alonzo sa pakikipag-kaibigang muli sa ex-bf niyang si Gerald Anderson: “Siguro hindi.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.