Bea Alonzo sa pag-amin sa relasyon nila ni Dominic Roque: “Happiness is best when shared. I want to share my happiness.”

May paliwanag si Bea Alonzo kung bakit tila delayed ang pag-kumpirma niya sa estado ng relasyon nila ni Dominic Roque: “It’s not like I was trying to hide it or ano. I think I was trying to be careful. Kasi given my past experience s’yempre gusto kong masiguro muna kung saan s’ya [relationship] pupunta. Alam mo ’yon? Bago s’ya gawing official.”

PHOTOS: @beaalonzo on Instagram

May paliwanag si Bea Alonzo kung bakit tila delayed ang pag-kumpirma niya sa estado ng relasyon nila ni Dominic Roque: “It’s not like I was trying to hide it or ano. I think I was trying to be careful. Kasi given my past experience s’yempre gusto kong masiguro muna kung saan s’ya [relationship] pupunta. Alam mo ’yon? Bago s’ya gawing official.”

May paliwanag si Bea Alonzo sa tila delayed na pag-amin nila ni Dominic Roque sa kanilang relasyon kahit matagal na itong usap-usapan ng netizens base sa mga ipino-post nilang photos sa Instagram. 

Pero nito lang August 5 ay nag-post ang aktor ng photo nila at nilagyan ito ng caption na “Lover.” Kasama rin sa series of photos na kalakip doon ay isang larawan nila na akmang magki-kiss (o kaya naman ay tapos nang mag-kiss). Ipinagbunyi ito ng kanilang mga followers at lalo na ng mga kaibigan nila sa showbiz. 

Ito na kasi ang nagsilbing confirmation ng kanilang pagiging magkasintahan. 

At sa virtual interview ng Kapamilya-turned-Kapuso actress with GMA reporter Nelson Canlas kahapon, August 9, na inilabas sa 24 Oras at GMA Public Affairs Facebook page, sinabi ni Bea na hindi daw nila minadali ni Dominic ang lahat. 

“To be honest it’s not as if like masyado ko s’yang plinano o masyado akong nag-hold back o masyado akong nag-act upon to what I was feeling. It just came out naturally,” paliwanag ni Bea na kakabalik lang ng bansa mula sa mahabang bakasyon sa California at naka-quarantine ngayon sa isang hotel. 

Aware daw s’ya na usap-usapan na ng netizens ang tungkol sa kanila pero gusto daw n’yang maging maingat this time. 

Alam ko prior to the posting [na] marami ng haka-haka ’yong mga tao,” aniya. “Actually, marami na ring nagtatanong. Alam ko in the past months or weeks marami ng haka-haka about us. 

“It’s not like I was trying to hide it or ano. I think I was trying to be careful,” lahad pa ni Bea. “Kasi given my past experience s’yempre gusto kong masiguro muna kung saan s’ya [relationship] pupunta. Alam mo ’yon? Bago s’ya gawing official.”

At kaya kinukumpirma na niya ngayon ay dahil gusto rin umano n’yang i-share sa lahat ang nararamdaman n’yang kaligayahan sa ngayon. 

Naisip ko rin we only live once and, you know, happiness is best when shared,” pagpapatuloy n’ya sa interview. “I want to share my happiness and I know that a lot of people have been part of my journey and parang everyone in this country knows my story and I appreciate that they’re happy for me. 

Kasi nga naiintindihan nila kung saan ako nanggagaling at kung saan ako ngayon at kung saan ko gusto pumunta.

Masaya din daw s’ya na masaya ang kanilang mga fans para sa kanila ni Dominic.  

“I’m very appreciative doon sa reaction [ng fans] through, s’yempre, mas nagma-matter kung ano ’yong nararamdaman mo at ’yong totoong nangyayari sa buhay mo,” sey pa ng aktres. 

“But I am happy na parang everything is so light. Parang everything is being celebrated. 

Ako, I want to say in this moment, I don’t want to let this just pass me by. Gusto ko s’yang i-celebrate, everything about my life… new beginnings and now this current thing… Nahiya pa akong sabihin, ’di ba? My lovelife.”

Singit naman ni Nelson, deserve ni Bea na maging masaya. 

“You’re entitled to that, B! You’re a kind person, you’re entitled to that. Don’t be afraid to say it,” sabi ni Nelson.

“Thank you,” tugon ni Bea. “As long as wala kayong sinasaktang tao… And you’re both happy and you’re both, you know, decent… You just want the best for each other. I think, ’yon yata ang pinaka-importante.” 

Pahabol n’ya, “And most importantly, as long as you respect each other. ’Yon ’yong natutunan ko. Dapat nirerespeto [ang isa’t isa].

Ngayong tapos na US vacation ng aktres, feeling daw n’ya ay talagang nakapagpahinga s’ya nang husto at ready na uling sumabak sa trabaho. 

Parang feeling ko ’yong trip ko sa US really re-energized me kasi ngayon parang I’m really ready to work, I’m ready to put myself out there and share my talent,” ani Bea. 

Katunayan, pinaplano na daw ang pag-iikot n’ya sa mga Kapuso shows.  

Nagmi-meeting [kami] sa pag-ikot ko sa GMA kapag pupuwede na,” pagbabahagi ni Bea. “Alam ko magi-guest ako sa Mars Pa More, sa Sarap, Di ba?, sa Taste Buddies, and s’yempre sa All-Out Sundays

“And hopefully, makapag-guest din ako sa Eat Bulaga! and sa Bubble Gang. I’m really hoping na matuloy ’yon.

Nakatakda din daw s’yang maging guest virtually sa iba’t ibang regional shows ng GMA habang naka-quarantine.  

“Next week meron na akong schedule sa Kapuso Regional Fans Day so I will be spending like three hours yata sa iba-ibang shows na regional. So, I’m really excited,” nakangiting sey n’ya. 

Ang medyo naantala ay ang schedule nila para sa shooting ng movie nila ni Alden Richards na ipu-produce ng GMA Pictures, APT Entertainment, at Viva Films. 

’Yong movie namin ni Alden medyo na-push back nang konti uli because of the current situation,” paliwanag ng aktres. 

Kasi, ’di ba, nag-lockdown tayo? So, na-push back ’yong mga schedule. But, I think magla-lock-in [shoot] na kami ng September 24. 

S’yempre, before the lock-in magkakaroon pa ng mga look test, quarantine again, so, marami pang mangyayari which I am very excited about,” pagtatapos ni Bea. 

Maliban pa sa mga nabanggit ay may pinaplano din daw sila ng kanyang team para sa kanyang mga Facebook and YouTube subscribers.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Future tita Bea Alonzo throws her sister-in-law Thalia a marine-themed baby shower. Thalia (daughter of comic Bayani Agbayani) and Bea’s brother James are having a baby boy!

Billy Crawford, Alex Gonzaga, KC Montero, Bayani Agbayani, K Brosas and Wacky Kiray headline TV-5’s newest noontime show, Lunch Out Loud

Bea Alonzo spills more details on break-up with Gerald Anderson, admits casually dating Dominic Roque

Hirit ni Bea Alonzo kay Ethel Booba: "P’wede ba kitang kuhaning surrogate mother?"

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.