Bea Alonzo on her current heart status: "Nag-e-entertain s'ya... Open s'ya maging masaya."

PHOTO: @beaalonzo on Instagram

PHOTO: @beaalonzo on Instagram

Game na sinagot ni Kapamilya actress Bea Alonzo ang mga questions na mula mismo sa kanyang mga fans sa kanyang latest vlog na in-upload sa kanyang YouTube channel last October 10.

Ilan sa mga tanong sa aktres ay may kinalaman sa work, gaya na lang kung payag ba s'yang makasama uli ang ka-love team n'ya noon na si John Lloyd Cruz sa isang project. 

"Definitely [yes], in any platform," sagot ni Bea. "He's such a great actor."

Nasa wishlist din daw n'ya na makasama si Kapuso star Alden Richards—na nakatrabaho n'ya sa isang shampoo commercial kamakailan—sa isang movie.

"Sana... Wish ko rin," sey ng actress-vlogger. "He's such a nice person. I've worked with him. Sobrang bait. At hindi lang s'ya, pati 'yong team n'ya, so I had a best time with him. I think he's a very, very good actor. Napanood ko 'yong Hello, Love, Goodbye. Sobrang galing nila ni Kathryn [Bernando] doon."

Aside from John Lloyd and Alden, looking forward din daw si Bea na muling makasama si Ian Veneracion sa isang project. 

"He's one of my leading men na pag tiningnan ko lang, alam ko na 'yong ibibigay n'ya," paliwanag ng 32-year-old ABS-CBN star. "'Yon 'yong tinatawag na chemistry, e. For some reasons, swak kayo. May connection talaga kayo. And I was very lucky he was like that because it makes my work a lot easier. 

"Ang gwapo ni Papa Ian, ano? Sobra," pahabol n'yang komento.  

May fan naman na nagtanong ng tips kung paano mag-move on sa isang heartbreak.

"Just do," sey ng aktres. "It won't come instantly. It won't be easy. But you just have to take it one day at a time. 

"Just acknowledge your feelings," she continued. "If you're still not okay, if you still have not forgiven the person who hurt you, it's okay because that day [of forgiveness] will come. 

"Just trust the process. Kasi sometimes, we caught up in a situation parang feeling mo it's so painful and parang hindi mo kaya so you go back to stage one. 

"Personally, 'yong nangyari, parang I didn't trust myself that I could do it. And na-realize ko na kung in-acknowledge ko 'yong feeling na vulnerable ako, that I need help from friends and family, baka mas nalagpasan ko s'ya earlier. Baka na-discount ko 'yong masasakit na yugto ng buhay ko. But of course, I had to learn the hard way. But kung maiiwasan naman, maiiwasan mo."

Matatandaang naging malaking issue ang break up nila ni A Soldier's Heart lead actor Gerald Anderson kung saan nasangkot pa ang aktres na si Julia Barretto.

Kung may na-realize man daw si Bea about herself dahil sa break up na 'yon, 'yon ay ang pagiging matapang at resilient.  

"I am stronger than I think. That I am resilient. That I can survive anything in life. And that I am worthy," pahayag ng aktres. 

Dagdag pa n'ya: "That you cannot change a person. And that you are unique. You should never compare yourself to anybody else."

Nagbago na din ang ng perspective n'ya pagdating sa isang relasyon.

"Dati sinasabi ko lagi, 'Mahal ko.' Kasi s'yempre, 'yon talaga magdadala ng totoong kaligayahan sa'yo kapag mahal mo. 

"Pero alam mo, parang naniniwala na ako sa sinabi ng nanay ko na mas magiging tunay na masaya ka lang at magtatagal ang isang relasyon kung pipili ka ng isang tao na mahal ka kesa mahal mo. So nandu'n ako sa 'mas mahal ako.'"

Take note, hindi naman daw s'ya choosy pagdating sa physical appearance kung hunk ba o dad bod ang kanyang magiging boyfriend. Basta ang importante daw ay mahal s'ya nito.

"Wala akong pakialam sa katawan," natatawang paliwanag ng aktres. "Gusto ko mahal ako. Mahalin mo lang ako okay na 'ko." 

Isang fan din ang nagtanong kung kumusta na ba ngayon ang lagay ng puso ni Bea. 

"Okay naman s'ya," tugon ng aktres in a pabebe way. "Nag-e-entertain s'ya [ng manliligaw]. Nagdi-date s'ya. Open s'ya maging masaya. Thank you for asking." 

Nahingian din ng advice ang award-winning actress para sa young ladies sa walang confidence sa kanilang sarili.

"Actually, I was just like you when I was a teenager. Wala talaga akong confidence at all," pahayag ni Bea sa vlog.

Marami naman daw kasing magaganda at magagaling sa showbiz kaya naman hindi talaga maiwasan ang hindi ma-insecure minsan kaya mas nag-focus daw si Bea sa bagay na alam n'yang magaling s'ya which is ang pag-arte. 

"At that time, imagine, 'yong mga kasabayan mo sina Anne Curtis, sina Angel Locsin, sina Angelica Panganiban na sobrang ha-hot nila. They're really good actors. 

"Parang ako, nag-focus ako doon sa bagay that made me feel most alive and un-insecure. That was acting for me. I felt empowered when I was acting because I knew I was good at it," pagpapatuloy n'ya.  

"But you know what, young ladies, I think you just have to love yourself for who you are, flaws and all. After a while, 'yon ang natutunan ko, e, na nobody will love you as much as you love yourself," payo ng aktres.

Dagdag pa n'ya: "If people see you that you love yourself and that you take care of you because you love you, people will start to actually respect you."

PANOORIN ang kabuuan ng Ask Bea (Answering your Questions) vlog ni Bea Alonzo dito:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bea Alonzo likens learning new things about herself during quarantine to “character planning” for a new role

Pika's Pick: Bea Alonzo meets with Pasig Mayor Vico Sotto to turn over relief goods and disinfectants for frontliners

Pika's Pick: Bea Alonzo’s celebrity friends gush over her bread-making skills

The Bea Alonzo-John Lloyd Cruz IG live that had as all giddy turned out to be a film project; fans voice out mixed reactions

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.