Bayani, inamin na gastos ng gubyerno ang pagsama sa kanya sa Japan, pero wala daw siyang TF.

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Ipinaliwanag ni Bayani Agbayani sa presscon ng Feelennial (Feeling Millennial), ang first teamup nila ng kaibigan niyang si Ai-Ai delas Alas, na wala siyang natanggap na bayad sa pagsama nila kay Pangulong Duterte sa recent trip nito sa Japan.

 

Pero idinagdag niya na libre sila sa accommodation at pamasahe. Inimbita raw kasi sila ni Presidente Duterte at dahil suportado niya ang Pangulo ay tinanggap niya ang alok na sumama sa Japan.

 

Hindi raw niya alam ang deal ng ibang artistang nakasama sa Japan. He is just speaking for himself.

 

Naging kontrobersiyal kasi ang naging pahayag ng isang celebrity couple nang sabihin nila na they spent their own money sa pagpunta sa Japan.

 

“Actually, hindi ako p’wedeng magsalita para sa ibang artista, p’wede akong magsalita para sa akin… kasi alam n’yo naman po ang mga artista pagka lumalabas sa ibang bansa, kanya-kanya sila ng deal e…ang deal ko, is magpasaya ng mga kababayan natin na nasa Filipino community sa ibang bansa at ito po, e, dapat talaga gastusan naman ng kung sino ang magdadala sa amin doon…and hindi naman p’wedeng kami pa rin. Pero ang mahalaga po nito, nasa economy kami, ako ang nagbayad sa asawa ko, dahil sinama ko.”

 

Dagdag eksplanasyon pa ni Bayani: “Pero hindi n’yo po kasi alam kung magkano po ang ibinabayad sa amin pag nag-a-abroad kamieto po, libre..libre, walang bayad kahit sino. Alangan naman pong ako pa ang magbayad? Hindi ko po inaalam ang deal ng ibang artista, ang pinapakialaman ko lang po ’yong sa akin.”

 

Ayon pa kay Bayani, matagal na raw namang kalakaran ang pagdadala ng government officials ng mga artista kapag may official functions ang mga ito sa ibang bansa.

 

“Hindi naman po abnormal na magdala ng artista sa ibang bansa,…panahon pa po ni Mr. Marcos… President [Ferdinand] Marcos, [Fidel] Ramos, GMA [Gloria Macapagal-Arroyo]…lahat po ng mga artista doon, hindi ko po alam kug papaano ang deal nila, pero para po sa amin, libre po kami…mamatay na po ang mga lahat ng pamilya namin—libre.

 

Ako po kasi inamin ko ’yong para sa sarili ko, kasi po baka may deal sila,” pagtatapos ni Bayani na hindi binabangit kung sino ang mga ibang artista na ito.

 

Ayon naman kay Ai-Ai, na nakisabat sa kwentuhan, baka raw kasi dala nang pagiging bagito ng ibang artista kaya hindi pa nila alam kung paano sumagot sa mga ganoong tanong.

 

Kasi siguro…alam mo kasi minsan, hindi kasi nila alam…mga bagitong artista, paano sila sasagot na hindi maano ’yong government, tapos hindi rin sila maa-ano…doon sila sa safe side na minsan akala nila iyon ’yong safe [na sagot].”

 

Dagdag pa ni Bayani, ang mga kontrobersiyang gaya nito na napapalaki sa social media ang dahilan kung bakit wala siyang Facebook account. Kung meron man daw siyang Instagram account, ang administrator naman daw nito ay kanyang misis na si Lenlen.

 

Samantala, happy si Bayani na sa wakas ay nagka-project na sila ng maka-Duterte din na si Ai-Ai delas Alas. Sa tagal daw kasi nilang magkaibigan ni Ai-Ai, ay ngayon lang sila nagkasama sa movie.

 

“Decades old na ang friendship namin ni Ai-Ai pero first time lang namin gumawa ng movie. Siguro kasi ito ang tamang panahon for this,” pahayag pa ni Bayani na nag-promise sa press na maganda ang pelikula nila.

 

May dagdag request si Bayani sa mga moviegoers na sana naman daw ay manood din sila ng mga local movies para bumalik ang sigla ng industriya.

 

“Tangkilikin natin ang sariling atin. Panoorin natin ang mga shows, concerts at movies na gawa ng kapwa natin Pilipino. “Inaamin ko na nanood din ako ng foreign movies at concerts pero lagi rin akong nanonood ng local movies at concerts dahil gusto ko suportahan ang mga kapwa ko entertainers,” wika pa ni Bayani.

 

Ang pahayag ni bayani ay bungsod ng sunod-sunod na pagpa-flop sa takilya ng mga local films.

 

Dagdag pa ni Bayani, “Alam nyo ba sa Japan, hindi nag-number one ang Avengers... ang nag-number one doon no’ng pinalabas don ang Avengers, ’yong local film nila na kasabay, ’yong gawa doon. Sana gano’n din dito.”

 

Tungkol naman sa pagtratrabaho nila ni Ai-Ai, very comfortable raw sila sa isa’t-isa kahit na first time lang nila gumawa ng pelikula.

 

“Magaling kabatuhan ng joke si Ai-Ai. Lalabas lang kasi na effective ang eksena kung pareho kayong mahusay ng kasama mo in throwing punch lines.”

 

Feelennial is showing in cinemas June 19.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

WATCH: Bayani at Vhong, na-on-the-spot mag-comment sa “new look” ni John Lloyd Cruz; Bayani, napa-sign of the cross daw


Watch: Frontal nudity sa pelikula, dyinastify ni Bayani

Panganay ni Bayani, GF ng kapatid ni Bea Alonzo

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.