Natatawang nilinaw ng versatile actor na si Baron Geisler na biro lang naging pahayag n’ya na plano n’yang magtayo ng simbahan at papalitan n’ya ang controversial religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ang kanyang paglilinaw ay naganap sa virtual media conference ng upcoming movie n’yang Pusoy kamakailan.
At dahil tungkol sa sugal ang nasabing pelikula, natanong si Baron ng entertainment press kung ano ba ang mga bagay sa buhay n’ya na tinayaan n’ya at napagtagumpayan.
Marami daw sinugalan sa kanyang buhay ang aktor gaya ng pagkakaroon ng pamilya.
Pero kung meron daw bagay where he took a big gamble on recently, ito umano ay ang pagbalik niya sa pag-aaral. In fact, kaga-graduate niya lang nitong nakalipas na buwan sa kursong AB Theology sa All Nations College sa Antipolo City.
“Taking that chance to study again back in 2019, nag-aral, and after three and a half years…close to four, ay nakatuntong po ako [sa entablado], nakapag-martsa, at naka-graduate po ako nu’ng April 25. I’m very, very grateful na may degree na po ako! Yahoo! Hahaha! Pangarap ito,” sagot ni Baron.
Dito na s’ya natanong pa ng press tungkol sa balak umano n’yang magtayo ng sarili n’yang simbahan at palitan ang founder and church leader ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy.
Napahagalpak muna ng tawa si Baron bago s’ya tuluyang nakasagot.
Aniya, nagbiro lang daw s’ya sa mga kaibigan n’yang press sa event ng Vivamax nang sabihin n’ya ang pagpapatayo n’ya ng sariling simbahan.
“We were at the summer event at La Réve and grabe ’yong positive energy during the celebration of Vivamax,” kuwento n’ya.
“You know, chummy-chums [friends] ko kasi ’yong mga press natin doon, mga kaibigan ko lahat. I was jokingly saying, ‘Oh, theology graduate na ako. E di, p’wede na ako magpatayo ng church. Ako na ang papalit kay Quiboloy para yumaman ako. Ayon lang, parang ganu’n,” lahad ng aktor.
Baka may nakarinig daw at sineryoso ang kanyang tinuran pero hindi n’ya daw gagawin ’yon.
“I think somebody took it seriously. Hahaha! Of course, I will not do that,” natatawang pagdidiin n’ya.
Anyway, mapapanood si Baron, kasama sina Vince Rillon, Angeli Khang, Janelle Tee, and more, sa sexy-action film na Pusoy simula May 27 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
YOU MAY ALSO LIKE:
Baron Geisler, tinamaan ng depression sa lock-in shoot ng Di Na Muli; Lander Vera-Perez, umalalay
Sa muling pagganap ng mga gay roles, Baron Geisler, gandang-Sheryl Cruz daw ang aura
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber