Baron Geisler, pangarap gumanap bilang si Juan Luna

Naging tatak na ni Baron ang mga kontrabida roles sa iba’t ibang TV and movie projects kaya naman natanong s’ya ng entertainment press kung may ano pa ang dream role n’ya ngayong more than half of his life ay iginugol na n’ya sa pag-aartista.   Dito n’ya inamin na pangarap daw n’yang makapag-portray ng isang historical figure sa isang theater play o pelikula. At ang historical figure na napili niya ay ang pintor, political activist, at nakatatandang kapatid ni Heneral Antonio Luna (na ginampanan naman ni John Arcilla) na si Juan Luna.

PHOTOS: imdb.com & elizasroblesgmail.wordpress.com

Naging tatak na ni Baron ang mga kontrabida roles sa iba’t ibang TV and movie projects kaya naman natanong s’ya ng entertainment press kung may ano pa ang dream role n’ya ngayong more than half of his life ay iginugol na n’ya sa pag-aartista. Dito n’ya inamin na pangarap daw n’yang makapag-portray ng isang historical figure sa isang theater play o pelikula. At ang historical figure na napili niya ay ang pintor, political activist, at nakatatandang kapatid ni Heneral Antonio Luna (na ginampanan naman ni John Arcilla) na si Juan Luna.

Pangarap pala ng versatile actor na si Baron Geisler na gumanap bilang ang dakilang “Spoliarium” painter na si Juan Luna sa isang proyekto. 

Inilahad n’ya ito sa virtual media conference kamakailan para sa upcoming movie n’ya na Pusoy kung saan gumaganap s’yang kontrabida. 

Naging tatak na ni Baron ang mga kontrabida roles sa iba’t ibang TV and movie projects kaya naman natanong s’ya ng entertainment press kung may ano pa ang dream role n’ya ngayong more than half of his life ay iginugol na n’ya sa pag-aartista.  

Dito n’ya inamin na pangarap daw n’yang makapag-portray ng isang historical figure sa isang theater play o pelikula. At ang historical figure na napili niya ay ang pintor, political activist, at nakatatandang kapatid ni Heneral Antonio Luna (na ginampanan naman ni John Arcilla) na si Juan Luna. 

“I’ve been talking to some artists and I’ve already talked to Direk Chris Millado. I want to play Juan Luna. That’s my dream role,” pahayag ng aktor. 

Nakikipag-collaborate na raw s’ya sa mga tao na p’wedeng makatulong sa kanya para maisakatuparan ito. 

“Me and [visual artist] Mijan Jumalon, we’re going to meet next month and collaborate,” pagbabahagi n’ya.

Katunayan, nagkaroon na raw s’ya ng initial study sa naging buhay noon ni Luna during the 19th century at napukaw umano ng bayani ang kanyang interest. 

Kasi napag-aralan ko na po ’yong story. I watched videos, I watched documentaries, and read of him, and I’m very interested sa pagkatao n’ya. He’s such a complex person,” kuwento ni Baron. 

“Plus, he was the first artist…painter na nilagay tayo sa mapa. Nanalo s’ya sa Spain and actually natalo pa n’ya ’yong mentor n’ya.”

Ang tinutukoy n’ya ay ang obra ni Luna na “Spoliarium” na kasalukuyang naka-display sa National Museum of the Philippines sa Maynila. 

Buo ang kumpiyansa ni Baron na kaya n’yang mabigyan ng justice ang pagganap kay Luna lalo’t may alam s’ya kahit papano sa pagsasalita in Spanish. Maraming taon kasi ang iginugol ni Luna sa Spain and France noong nabubuhay pa ito. 

Isa ’yon sa mga pangarap kong gawin kasi kahit paano I could speak a little bit of Spanish if I want to and then ’yong French p’wede naman aralin,” aniya. 

Hirit pa n’ya, open daw s’yang makipag-collabrate sa Viva sakaling gusto nitong gawin ang biopic ni Luna. 

“So, sabi ko this would work if it’s done well. Pero kung gusto i-produce ng Viva… Kasi from playwright, si Dr. Nicanor Tiongson, will do the play. And after that, there’s transition to [film version] sana,” pagtatapos ni Baron.

Habang nasa pag-uusap pa ang dream project na ito ni Baron, mapapanood muna s’ya kasama sina Vince Rillon, Angeli Khang, Janelle Tee, and more, sa sexy-action film na Pusoy simula May 27 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Barakong sina Baron Geisler, Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval, at Joel Torre, may kanya-kanyang dilemma sa pagganap ng beki roles sa Barumbadings

Baron Geisler, tinamaan ng depression sa lock-in shoot ng Di Na Muli; Lander Vera-Perez, umalalay

Sa muling pagganap ng mga gay roles, Baron Geisler, gandang-Sheryl Cruz daw ang aura

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.