Baron Geisler matapos muling maimbita sa ABS-CBN Ball after more than a decade: “This means so much to me… I won't mess it up.”

Ngayong naimbitahan na s’yang muli para dumalo sa ABS-CBN Ball after 14 years, hindi na umano makapaghintay si Baron Geisler na pasalamatan ang mga bosses ng Kapamilya network.

PHOTOS: @baron.geisler on Instagram

Ngayong naimbitahan na s’yang muli para dumalo sa ABS-CBN Ball after 14 years, hindi na umano makapaghintay si Baron Geisler na pasalamatan ang mga bosses ng Kapamilya network.

Lubos ang kagalakan ng versatile actor na si Baron Geisler ngayong naimbitahan s’yang muli para dumalo sa upcoming ABS-CBN Ball. 

Ramdam ang saya at pagiging grateful n’ya sa kanyang Instagram post nitong weekend ngayong bukas nang muli ang nasabing Kapamilya showbiz gathering para sa kanya.

Na-ban daw kasi s’ya sa loob ng mahigit isang dekada kaya naman masaya ang aktor na sa wakas ay welcome na uli s’yang makakadalo doon.

“It has been more than a decade since I was invited to the #ABSCBNBALL due to my bad behaviour during the previous ones. Now, I am humbled and grateful that they welcome me back with open arms,” pahayag ni Baron sa kanyang post.

Dahil dito, hindi na umano s’ya makapaghintay na makisaya sa kanyang mga kasamahan sa ABS-CBN at makapagpasalamat nang personal sa mga bosses ng network. 

“Can't wait to thank the bosses personally and to have a wonderful time with my colleagues celebrating each ones achievements.  #grateful #bestfootforward Thank you, Sir @deo_endrinal and Tita Cory Vidanes,” saad pa n’ya. 

Sa kanyang post sa X (formerly Twitter), nagpasalamat si Baron sa D’yos at sinabing magiging in control s’ya sa gathering of the stars na magaganap sa September 30. 

“Sobrang salamat! For His glory. Sober party for me so I may relish the moment at hindi ko talaga ito malilimutan. 14 years ban. Now okay na po. Thank you Lord!!!!” sabi n’ya. 

Sa kasunod n’yang post, sinabi ng aktor na hindi n’ya sasayangin ang tiwala at pagkakataon na ibinigay sa kanya ng management.

“This means so much to me. This invitation. I won't mess it up,” he concluded.

Matatandaan na nitong nakalipas na January nang ipagmalaki ni Baron na naka-recover na siya sa pagiging alcoholic at substance addict. 


 

YOU MAY ALSO LIKE:

As a recovering alcoholic, Baron Geisler, committed daw to fight the stigma

Baron Geisler, itinuturing na “breakthrough” at “second wind” niya ang Doll House

Baron Geisler, pangarap gumanap bilang si Juan Luna

Baron Geisler sa tsikang magtatayo siya ng sariling simbahan at kakalabanin si Pastor Quiboloy: “Of course, I will not do that.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.