Baron Geisler, itinuturing na “breakthrough” at “second wind” niya ang Doll House

“I don’t know if you could call it a comeback but I’d say this is a breakthrough, a second wind for me, in my career. I’m very grateful and hopefully I get to keep moving forward and doing better projects like this and maintain it, maintain my sobriety.”—Baron on the success of Doll House

Photos: @baron.geisler

“I don’t know if you could call it a comeback but I’d say this is a breakthrough, a second wind for me, in my career. I’m very grateful and hopefully I get to keep moving forward and doing better projects like this and maintain it, maintain my sobriety.”—Baron on the success of Doll House

Kaliwa’t kanan ang papuri kay Baron Geisler ngayon nga mga netizens dahil sa mahusay niyang pagganap sa karakter na Rustin/Clyde sa pelikulang Doll House na kasalukuyang number one movie sa Netflix Philippines at Qatar matapos mag-premiere noong October 7.

Ang mga online papuri at pagbating ito ng mga netizens ang laman ng IG Stories ngayon ng grateful na aktor at noong Huwebes naman, Oktubre 13, nagpasalamat siya, sa IG Stories din, sa mga nagpaparating sa kanya ng pagbati at sa pagna-Number one ng pelikula niya sa Netflix.

Samantala, nasa Top 10 naman ang pelikula sa mga bansang Bahrain, Kuwait, Malta, at UAE.

Say ng mataba ang puso ngayon na si Baron: “We did it Yumi!! Di ka man pumasa sa audition, pumasa naman tayo sa puso ng mga kababayan natin worldwide.”

(Si Yumi ay ang karakter ng mahusay na child actress na si Althea Ruedas, na gumanap bilang anak niya sa pelikula na hindi aware na siya pala ang ama niya.)

“Maraming salamat po sa inyong lahat at dahil po sainyo ay nag #1 po kami sa Netflix at nag trending pa ang  #DOLLHOUSE To God be the glory, honor and praise!!

“We love you at #1 po kayo sa puso namin. from Tito Clyde and Yumi.”

Ani pa ni Baron, tila second wind niya ito sa kanyang career at sana raw ay magpatuloy ang mga ganitong proyekto niya kasabay ng pag-maintain niya ng kanyang sobriety.

“I don’t know if you could call it a comeback but I’d say this is a breakthrough, a second wind for me, in my career. I’m very grateful and hopefully I get to keep moving forward and doing better projects like this and maintain it, maintain my sobriety.”

Isa rin sa ibinahagi ni Baron sa social media ay ang pagbati sa kanya ng tinaguriang Pinoy Netflix King na si Paolo Contis dahil nakailang pelikula siya na ipinalabas sa nasabing online platform tulad ng Faraway Land, Through Night and Day, at Ang Pangarap Kong Holdup.

Ani Paolo Contis sa Facebook:

“Pun¥€t@ ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong mga emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo!

“Congrats brother! Proud of you! #DollHouse Netflix #IyakReveal,” ang mensahe pa niya patungkol sa napanood na pelikula ng kaibigan.

Sagot naman ni Baron sa kaibigan: “Love you Paolo Enrico Contis!! Next goal is to have a Mavx Productions, Inc. Movie with you Bestfriend!! Di ko kinaya Yung t-shirt. Alien ka alien!!! Yakap men!!! Ikaw isa sa inspiration ko habang ginagawa ko to. Secret lang natin ha.. hihihi Also salamat sa mga career advice.”

Ang iba ay mula sa netizens na binabati ang kontrabidang aktor na ngayon ay bida sa Doll House.

Nagpasalamat naman ang MAVX Production sa lahat ng tumangkilik ng Doll House sa pamamagitan ng kanilang Facebook account.

“Pinahirapan tayo ni Halle Berry pero the FILIPINO AUDIENCE has spoken again and again and again!”

Ilang araw din kasing nasa Top 10 ang pelikulang Kidnap ni Halle Berry at ito ang mayinding naka-bangga ng Doll House kaya ito nabanggit ng producer.

“[T]aos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nanood ng aming pelikula, the FILIPINO AUDIENCE is worth risking and you fuel our passion! You are the best audience in the world! Maraming salamat po!”

Mula naman sa mga netizens:

“Great job guys!!! Ito ang sinasabi kong tunay na film makers na maangas gumawa! Maganda from the start to finish!!!”saad mng sa. “And grabe si Baron Geisler napakabangis umacting! Sana magkaroon kayo ng pelikulang magkapatid na drama! Paolo Contis and Baron Geisler, sigurado ubos na naman tissue kakaiyak! Galing n’yo po!!!!”

Say naman ng isa pa: “Ang galing ni Baron! Sana mabigyan pa siya ng mga proyektong ganito, na talagang masho-showcase ang talento niya.”

Dagdag naman ng isa pa:

“Baron is such a great actor. After all he’s done, this movie portrayal hits close to home. An alcoholic, drug-addict, yet he changed. Thank you for giving him another chance.”

Kasama rin sa dramatic movie na ito, na kinuhanan pa sa Rotterdam sa bansang Netherlands, sina Phil Palmos at Mary Joy Apostol.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: The Baron Geisler starrer Doll House is the No.1 movie now on NetflixPH; actor trends and receives rave reviews and accolades for his dramatic performance

Baron Geisler, pangarap gumanap bilang si Juan Luna

Baron Geisler sa tsikang magtatayo siya ng sariling simbahan at kakalabanin si Pastor Quiboloy: “Of course, I will not do that.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.