Baron Geisler, ginalingan mag-artista matapos mabato ng script sa mukha ng isang direktor noong araw

SCREENSHOT: Viva Artist Agency

SCREENSHOT: Viva Artist Agency

Nakaranas pala ang versatile actor na si Baron Geisler na masampal ng script noon bago pa s’ya naging isa sa mga mahuhusay na aktor ngayon. 

Ito ang inamin ng ng aktor during the special solo press conference that his new management, the Viva Artists Agency, hosted for him kamakailan.

Natanong kasi ang itinuturing na Johnny Depp ng Philippine showbiz ng kanyang mga pinagdaanan noon na nagbigay-daan para ma-motivate o ma-inspire niya ang sarili na maging isang mahusay na artista.

At bigla ngang napa-throwback ang former teenstar sa kanyang naging journey at isa umano sa hindi niya makalimutang karanasan ay ‘yong nasampal siya ng ng script sa mukha ng isang direktor dahil sa kalutangan. 

Nu’ng Tabing Ilog kasi...[with] Direk Andoy [Ranay]… Alas dos ng umaga, blocking na. Kami doon kasi hindi na kami bina-blocking. Parang sinasabi nila, ‘Block yourselves. Matatanda na kayo,’” pagbabalik-tanaw ni Baron. 

Pagdating na du’n sa take, hindi ko na alam linya ko. E, wala pa ako sa wisyo. So, binato n’ya ‘yong script sa mukha ko.

Dahil sa nangyari, nangako daw noon ang 38-year-old actor-entrepreneur na huhusayan na niya dahil ayaw na n’yang maulit ‘yon ever. 

‘Pang! Basahin mo ‘yan!’” pagpapatuloy n’ya. “So nag-walk out s’ya and I felt so guilty and I said, ‘I don’t want that to happen to me ever again.’ So, magmula nu’n, naging ready na ako sa bawat eksena.

Maliban pa sa kanyang naging karanasan with Direk Andoy, nag-mention pa si Baron ng ilan sa mga direktor na naging mentor n’ya na tumulong sa kanya na maging mahusay na artista.  

“And then secondly, in-approach ako ni late Mr. Johnny Delgado and nakita n’ya na may potensyal ako. So, binigyan n’ya ako ng mga libro and ginayd n’ya ako,” lahad pa n’ya.

Marami pang iba. Sina Sir Erik Matti. Isa ‘yan sa mga nagturo sa amin umarte nu’ng mga bata pa kami. Mentor-mentor. Sobrang dami. And I believe kailangan ‘yan.” 

Dagdag pa n’ya, willing daw s’yang magbigay ng acting workshop para sa mga new talents ng Viva. Ito ay para maipasa ang mga natutunan niya through the years.  And at the same time, it’s a way para masulit niya ang stay n’ya sa Maynila kung may project o taping s’ya dito. Sa Cebu na kasi naka-base si Baron at ang kanyang pamilya.

Hindi ko nga pala nasabi kay Boss Vic [del Rosario] na baka p’wede ako tumulong mag-facilitate ng acting workshop sa mga aspiring actors dito sa Viva,” pahayag ng award-winning actor. “Para sulit din ang stay ko sa Manila.”

Abangan si Baron sa Viva-produced show sa TV5 na Kagat ng Dilim at sa nalalapit nang ipalabas na starring role niyang Tililing. Bukod diyan, magkakaroon din daw siya ng teleserye soon. 

Mukhang maganda ang pasok ng taon kay Baron. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Baron Geisler credits Piolo Pascual for opening his eyes about God

Baron Geisler and wife Jamie Evangelista welcome their first born, Talitha Cumi!

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna, Baron Geisler, and Vina Morales remind everyone about quarantine protocols in Cebuano!

Pika's Pick: Baron Geisler and Jamie Evangelista celebrate first wedding anniversary

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.