Barbie, binlock na si JM sa telepono niya and more revelations!

PHOTOS: Anna Pingol & @msbarbieimperial on Instagram

PHOTOS: Anna Pingol & @msbarbieimperial on Instagram

Three days after nang pinag-usapang guesting ni Barbie Imperial sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) noong May 6, kung saan at kailan naging very raw and honest si Barbie tungkol sa mga masasakit na nararamdaman niya kay JM de Guzman, ang screen partner niya sa successful ABS-CBN show na “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi” na kamuntik na niyang maging boyfriend, ay impromptu siyang naka-usap ng pikapika.ph at ilan pang members of the entertainment press sa 40th birthday party ni Ara Mina, ang gumanap na nanay niya sa Araw Gabi na nananatiling malapit sa kanya.

 

 

Once a liar, always a liar.”

 

Prior to Barbie’s guesting in TWBA, nauna munang sumalang sa hot seat ng TV host na si Boy Abunda si JM at umamin ang binata na sinubukan niyang i-pursue romantically si Barbie but it didn’t work out.

 

Pero tila hindi nagustuhan ni Barbie ang sinabi ni JM na may isang buwan din silang nagkamabutihan ni Barbie. That’s when she took to Twitter kinabukasan, April 11, with this post: “Once a liar, always a liar.”

 

 

When it was Barbie’s turn para mag-guest kay Boy Abunda noon namang May 6—or 26 days after JM’s interview—hindi itinanggi ng dalaga sa TV host na si JM nga ang pinatutungkulan niya ng nasabing tweet.

Para kasi kay Barbie, hindi lang sa isang buwan maiko-confine ang mga namagitan sa kanila ni JM kundi mas mahaba pa roon. Tila na-menos ang pakiramdam ng dalaga.

 

READ: JM on Barbie: "I tried to pursue her."

 

To the unfamiliar at hindi nakasubaybay sa tambalang JM at Barbie, umusbong ang special friendship ng dalawa nang ipares sila ng ABS-CBN sa Araw Gabi, ang launching show ni Barbie at siya namang naging come-back vehicle ni JM after nitong ma-rehab for the second time noong  2015. Anim na buwang namayagpag sa ere ang show—from April 30 to October 12, 2018—na nagbigay daan sa loveteam na JuanBie (Juan Miguel or JM at Barbie). Bukod sa malakas na onscreen chemistry na nakabuo ng matatag na fanbase, naging obvious din naman sa mga naging kilos nila off-screen at sa mga respective posts nila noon sa social media na may espesyal na unlabeled something sa pagitan nila.

 

Pero imbes na mas magka-mabutihan ay nauwi pa kalaunan sa hidwaan ang espesyal na sanang friendship ng dalawa.

 

Sa TWBA guesting ni Barbie, matalinhaga niyang dinescribe ang nangyari sa kanila ni JM as: “…kaming dalawa po, dalawang tao na wasak. Tina-try namin parehong ayusin ’yong isa’t isa…buoin ’yong isa’t isa…Pero hindi po pala p’wede ‘yon. Dapat parang meron at least isang tao na buo kasi ang hirap kung wasak ka na nga, tapos wasak din ’yong aayusin mo. Paano mo aayusin ’yong sarili mo?”


Fast forward to May 9, sa party ni Ara Mina, isa sa unang nausisa kay Barbie ay kung kinausap o nag-message ba sa kanya si JM tungkol sa kontrobersyal “liar” tweet niya noong April 11.

 

“Naka-block. Hahaha!” natatawang pag-amin ng prankang si Barbie.

 

Ito daw ang best way para hindi na sila magka-sagutan pa ni JM.

 

Matagal naman na po pero sa akin kasi parang kung ite-text ako nang gano’n, alam ko naman wala akong kasalanan. Ayaw kong magsalita nang masama, e. So, para sa akin block na lang kita para kahit ano’ng sabihin mo sa akin, hindi mo na ako…hindi na ako makasagot sa’yo. Kasi ang tao, di po ba pag galit nakakapagsalita nang masama? So, ako ayaw ko talaga nagsasalita nang masama. So, block na lang.”

 

Bukod sa kanilang “brokenness,” ay hindi na nag-detalye pa si Barbie kay Boy Abunda kung ano pa ang naging dahilan kung bakit aborted hindi pa man ang dating maganda nilang samahan ni JM.

 

Pero ayon kay Barbie sa aming May 9 panayam, may “masama” diumanong nagawa si JM.

 

Mahirap kasi, e. Basta masama. Hahaha!,” nagpapaka-kaswal na lahad ni Barbie. “Ako naman aminado naman ako na hindi ako naging perfect na ano sa kanya, may mga nagawa din naman ako na…”

 

Hindi naging perfect na ano? Giit namin.

 

“Na… Wala nga, e! Kasi hindi naman naging kami. Hahaha! Hindi po talaga, swear.”

 

Hindi raw siya na-betray ni JM, hindi rin daw siya physically abused dahil hindi raw ganoong tao si JM. Hindi rin daw verbal abuse at lalong hindi selos dahil hindi naman daw siya selosang tao.

 

Sa aming dalawa, e. Parang usapan naming dalawa…”

 

Maganda na raw sana ang takbo ng friendship nila until mangyari nga ang bagay na hindi pa tuwirang masabi ni Barbie kung ano.

 

“Siguro nanghihinayang ako sa friendship na meron kami bago kami nagkaroon ng thing kasi sinabi ko nga sa kanya click talaga kami as friend…as in pikunan, asaran…

 

“Naging friends kami actually po as in dumating kami sa point na tropa talaga after. Pero may nangyari lang talaga, may nangyari lang na…okey na nga, e, friends na… ’yon lang, may nangyari lang.”

 

Sinubukan daw nila pareho noon na i-level up ang friendship nila, pero tila hindi nga raw ukol.

 

Sinubukan po pero s’yempre hindi naman po ako p’wedeng um-oo dahil lang in love kami,” esplika ni Barbie.

 

“Kailangan parang swak kami sa isa’t-isa kasi…lalo sa akin parang gusto ko lang na mag-boyfriend talaga na matagal naman. Hindi ’yong parang alam ko na malabo, gusto ko lang magka-label. Hindi ako gano’n.

 

“And ako din naman kahit dating lang po…iba pa rin sa akin ’yong dating, e. Parang usually madaming dine-date ganya- ganyan, papalit-palit. Para sa akin iba pa rin siya.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

 

Naging aware daw siya na hindi pa ready si JM at hindi naman daw siya ang klase ng babaeng ipipilit ang sarili.

 

“Kahit naman sabihin niya na ready siya, ako naman hindi naman ako parang iisipin ko lang sarili ko na…s’yempre bilang babae gusto natin ng label diba? Pero ako naman po hindi ako ’yong klase ng tao na parang…alam ko e, na hindi siya ready, e. So, hindi ko naman ipipilit dahil lang, ‘o babae ako gusto ko ng label.

 

“Alam ko din naman po ’yong pinag-daanan no’ng tao, e. And alam ko siya kung pano siya ma-in love noon. Sobrang in love kung in love. Ibibigay niya talaga sa’yo ’yong mundo. Kaso hindi po p’wede ’yong gano’n, e. Kahit ako po mismo sinasabi ko sa kanya, ‘Wag, wag mong ibigay sa akin ’yong mundo…bigay mo sa sarili mo ’yong mundo.’”

 

Without batting an eyelash ay inamin ni Barbie sa harapang iyon na na-in love siya kay JM. Pero humupa na raw ito ngayon.

 

“Totoong in love naman…Kaso wala, e nagpe-fade siya, e, pag may mga nangyayari. Totoo po pala talaga…Before kasi hindi talaga po ako naniniwala na bigla-bigla na lang nag-fade ’yong love until nangyari s’ya akin na parang, ‘Whoa!’ Pag napuno po talaga ang tao bigla na lang, wala na.”

 

“Hindi naman siya pina-asa or something na gano’n na sinaktan, e…hindi siya nasaktan dahil nawala, hindi siya nasaktan dahil natapos, ibang sakit, e.”

Na-realize daw ni Barbie na hindi pala siya mabilis maka-move on. Kaya hindi pa raw siya ready’ng mapatawad si JM. Lalo pa at hindi naman daw ito hinihingi ni JM—bagay na naiintindihan daw niya.

 

“Pero naiintindihan ko ’yon. Kilala din niya kasi ako bilang tao. Alam niya na ayoko nang binibigla ako, e. Kasi mainit pa, e. So, siguro alam niya din na mai-palamig muna.”

 

Ayaw daw niyang madaliin ang proseso ng healing.

 

“Dati hindi pero na-realize ko na pag nakikita ko sila, hindi pa pala  ako healed. So, sinimulan ko po na parang…na kapag hindi pa naman talaga time maging okey, wag na lang muna kasi parang iba ’yong feeling. Parang sinabi mo lang okey na para masabing okey na.

 

Hindi p’wedeng bigla-biglaan. Ayoko din nang hindi tayo okey, tapos biglang magiging okey dahil lang sa ganito. At saka mahirap na talaga, e kasi…basta, hindi po talaga. As in wala talaga…hindi talaga. Hindi ko ma-explain pero wala talaga. Hindi mag-click.”

 

Marami na raw nag-attempt na pag-ayusin sila—lalo na nga mga nakasama nila sa Araw Gabi na naging kaibigan na nila off-cam. Pero nabigo raw ang mga ito. Tila nangangahulugan na big deal talaga ang naging alitan nilang dalawa. Darating naman daw ang tamang oras para sa pag-aayos. Kailangan daw na may matutunan si JM sa mga nangyari.

 

“Ayoko nang pinipilit. Kasi gusto ko na kaya ko siyang kausapin. Kaya ko siyang tingnan sa mata na okey talaga kami at saka para alam niya rin na everytime na iniisip niyang gumawa nang masama, hindi gano’n kadali makipag-ayos.”

 

Hindi pa raw sila nagkikita ni JM after mangyari ang “thing” na ’yon na hindi mapangalanan ni Barbie. At ipinagpapasalamat niya na hindi pa nagku-krus muli ang landas nila.

 

“Hindi ko pa siya nakikita pero hindi ko talaga kaya. Hindi talaga, e.”

 

 

On JuanBie loveteam reunion: “Wag muna.”

 

At this point, Barbie firmly says hindi raw niya pinanghihinayangan ang pagkawala ni JM sa buhay niya.

 

Parang I believe po na minsan kaya nilalayo ni God ang isang tao or opportunity kasi sine-save Niya tayo. Ibig sabihin hindi para sa atin ’yong bagay or tao na ’yon. So, ako lahat nangyari sa life ko, ang dami ko na pong pinag-daanan…Diyos ko hindi lang po ’yon ’yong pinakamasakit kundi ’yong sa tatay ko diba? Kumbaga para sa akin wala pa, wala pa ’yon… Okey ako. Super. Happy po.”

 

[Barbie grew up without her dad by her side and it’s only recently that she tried reconnecting and patching things up with him.]

 

At dahil nga sa mga nangyari, hindi raw siya ready pa’ng maka-trabahong muli ang binatang pumukaw ng atensyon ng publiko sa hit indie movie na That Thing Called Tadhana.

 

“Ummm, honestly opo ayaw ko naman mag-lie about do’n pero ayokong plastikin, e, na parang work…work lang naman, e. Hindi, e, kasi kailangan ng chemistry doon, e. Kailangan okey. Makaka-istorbo kami ng mga tao kung magtatrabaho kami nang hindi kami ready. E, galit kami sa isa’t-isa…may mga linyahan diyan na mapipikon talaga kayo na parang totoohanin n’yo. So, ako ayoko nang maka-istorbo ng ibang tao.

 

“Sasabihin ko naman pag ready na ako at alam ko naman na magiging ready ako. Hindi lang po talaga ngayon.”

 

Meron daw sila dapat pagsasamahang project pero hindi na idinetalye ni Barbie kung bakit hindi na muna ito matutuloy.

 

“Actually meron dapat, e, kaso… hindi naman po ako umayaw dahil ayoko naman sabihin na bida-bida naman ako. Ayoko lang ano, ayoko lang nang…wag muna po talaga… ’yon nga po sinabi ko nga po ayoko maka-istorbo ng ibang tao, na mag-aaway kami niyan. Hindi pa po kami nag-uusap after noon, e.”

 

Pero wala naman daw siyang regret na nakasama niya si JM sa isang bahagi ng buhay niya dahil naging kasangkapan naman daw talaga si JM para finally ay mag-bida na siya sa telebisyon. Iyon daw ang nilalagay niya sa isip niya para hindi siya magalit nang husto sa binata.

 

“Of course, ’yon naman po ’yong sinasabi palagi sa sarili ko like everytime na gusto ko na talaga magalit, e—gustong-gusto ko nang magalit pero si mama lagi niyang sinasabi …si mama ko kasi bestfriend ko ’yon…so, ‘Mama, p’wede na ba ako magalit?’ Lagi niyang sinasabi na wag talaga kasi sabi niya wag ko naman daw kalimutan na si M ’yong dahilan…

 

“And marami rin pong naitulong sa akin si JM in terms of acting, as a person, lahat-lahat…sad lang honestly kasi hindi talaga nag-tugma.” 

 

Kung pinagsisisihan man ni Barbie at this point, ’yon ay ang realization na even sa part niya, ay nagmadali siyang magmahal muli gayong hindi pa rin daw pala siya “buo” maski may nagpupuno ng mga kulang noon, at si JM ’yon.

 

“Siguro ’yong wi-nish ko siguro… ’yon ’yong sana hindi namin minadali…’Yong thing namin. Kaka-break ko lang din noon…well, hindi naman kami nagka-thing agad, e, kasi ang tagal ko rin naka-move on kay Paul. Matagal din, e. Pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ako buo noon.
 

“Siguro ang kasalanan ko lang…na nagmadali din ako. ’Yon lang. Wala akong kasalanan talaga. Wala akong ginawa, e, para masaktan siya.”

 

[Paul is her former boyfriend Paul Salas, who moved to GMA-7 from ABS-CBN in May last year. They had a controversial breakup sometime in July last year after Barbie posted—and later deleted—a message on social media that hinted on her being a victim of physical abuse. Her fans pointed their fingers at Paul. The issue, though it has died down now, has yet been clarified.]

 

Despite her recent heartbreaks—both from Paul and JM—Barbie says she’s not closing her doors on love. Pero as cliché as it sounds, gusto raw muna niyang mag-pokus sa career niya at sa pamilya niya.

 

 “Magmahal? Siguro, malapit na…” Barbie smiles. “Unlike dati na hindi talaga. Siguro malapit na pero hindi ko pa siya priority ngayon kasi nakita ko ’yong sarili ko dati kung paano ako ma-in love…kailangan kong mag-focus sa ano, e…habang maiinit-init pa sabi nila…Kailangan kong mag-focus doon sa career ko kasi habang bata pa ako, habang nandiyan pa.

 

“Hindi ko dapat sayangin ’yong binibigay sa akin kasi may pamilya ako, e. May pangarap ako para sa pamilya ko. ’Yong nanay ko patanda nang patanda, diba? Hindi naman natin alam kung ano ’yong mangyayari and as much as possible gusto ko ’yong pokus ko kay mama, e…di ba kasi…”

 

As an aside, dito niya ibinahagi na nagka-ayos na sila ng kanyang estranged father. At lalo raw niyang hinangaan ang mama niya dahil sa mga natuklasan niya.

 

“Nakausap ko ’yong dad ko—so, naging okey kami, e—and may mga realization lang para sa mama ko na…ang mama ko kasi never niya siniraan ang dad ko…no’ng nag-decide ako na kausapin ’yong dad ko, parang sa kanya ko pa mismo nalaman na siya ’yong may nagawa…para hindi sabihin ni mama ’yon, na-realize ko na sobrang bait ni mama. Kailangan mas mag-spend ako ng time kasama siya.”

 

“Siguro para naman sa akin, part na siya no’n…pero para sa akin sinend lang siya ni God para maging instrument para ma-launch din ako.”—Barbie on JM being not the sole reason behind her popularity.

 

Nagpapasalamat si Barbie na karamihan ng mga fans nila ni JM ay hindi naman naging mapanghusga sa kanilang dalawa, lalo na sa kanya.

 

“Actually wala namang nagba-bash sa akin about do’n, e …lalo ’yong mga fans namin? Kilala kasi nila ako na pag nagsalita ako, ibig sabihin, puno na talaga…kasi witness din naman sila, e, ng ibang nangyari…”

 

Kailanman ay hindi naman daw nila pina-asa ang fans sa kung anuman. Naging  transparent naman daw sila. Hindi lang talaga nag-align, so to speak, ang mga bituin.

 

“Ako hindi talaga kasi kahit no’ng kami ni Paul [Salas] noon, sinasabi ko talaga, ‘Boyfriend ko yan, akin yan,’ gano’n…Kahit bina-bash na nila ako noon, hindi ko tinatago kasi mahal ko ’yong tao, e…kaya din po ayokong mag-boyfriend, e, kasi pag nag-boyfriend ako, ayokong tinatago…kasi dumaan kami ni Paul sa hindi na kami nakaka-labas kasi naba-bash lang siya…so, ayoko nang gano’n. Gusto ko ’yong alam ng mga tao.”

 

At this point, kahit hindi pa niya kayang maka-face-to-face si JM, ay kaya na raw niyang tignan muli ang mga pictures at videos nito. Senyales daw na nagsisimula na talaga siyang maka move-on.

 

Before, ano naiinis ako, naiirita ako before as in ayokong tumingin ng mga naka-tag sa akin [sa social media]. Hahaha!  Pero di ba sabi nga , pag kaya mo nang tingnan, ibig sabihin nahi-heal ka na…kaya ko na, e.”

 

Yun nga lang, nananatili raw naka-block si JM sa telepono niya.

Pero hindi raw siya ang klase ng taong nagsosoli ng mga regalo. Thus, JM’s gifts—kahit hindi naman daw ito ma-regalong tao kumpara sa ma-effort na ex-bf niyang si Pail Salas—would remain with her.

 

“Maano akong tao po, e…pag may bibibigay sa akin, ayokong mag…tinatapon o binabalik…ano siya, e, importante siya sa akin kasi naging parte ng buhay ko ’yong tao, e, so walang saulian…kung makikita ko sila at maalala ko siya, okey lang. Kung masakit, di iiyak ako…”

 

 

Reconciliation with Paul

 

And speaking of Paul, nai-reveal ni Barbie na aksidente na pala silang nagkita at nagkausap ni Paul.

 

Matagal na ’yon…sa party yan, e, nagka-salubong lang kami tapos matagal naman na ’yong issue so, wala na kaming choice kundi…” nag-muwestra ng pagtango si Barbie as description ng pagkikita nila.

 

 “Nakapag-usap naman kami, yeah, naka-move on na ako…”

 

May possible balikan kayang maganap?

“Hindi ano, kaloka! Hindi na p’wede…. Maraming factors, e…nagulo buong Pilipinas tapos….ano lang do’n po…sa family importante sa akin, e…gusto ko ’yong okey sa family…okay naman na, pero lang once nagkaro’n na kayo ng issue, mahirap na…babalikan at babalikan namin…”

 

Pero aminado si Barbie na nakakahinayang din ang naging ending ng relasyo nila ni Paul.

 

“Sayang din. Mabait naman din ’yong tao…mabait na tao din naman ni Paul, e.”

 

But she says she’s happy that Paul is doing well sa Kapuso network dahil major role na rin ang tina-trabaho nito.

 

“Eto naman ang gusto ko talaga para sa kanya eversince…na maging successful siya…magawa niya ’yong lahat ng gusto niya…I’m really happy for him.”

 

But as for JM, kaya niyang patawarin ito kung sakali?

 

“Oo naman.”

 

For the raw interview, please view video here:

 

 

You may also like:

Barbie Imperial’s hike to Mt. Batolusong lead to self-discovery

Barbie, naudlot ang pagbili ng bahay dahil sa lindol

JM on Barbie: "I tried to pursue her."

Barbie and JM play Pikapika’s BFF Challenge!

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.