Bagong leading lady ni Carlo Aquino na si Eisel Serrano, nag-control daw ng feelings para hindi ma-fall sa “kilabot” na aktor

“As we all know, Carlo is a very sweet person. So, hindi po talaga mahirap mahalin ang isang Carlo Aquino. But of course, I treasure the friendship that we have. S’yempre, pag napasukan na ’yan ng ibang pagmamahal p’wede po ’yong masira at mawala ang pagsasama n’yo."—Eisel Serrano on Carlo Aquino

PHOTOS: @eiselserrano & @carloaquino11

“As we all know, Carlo is a very sweet person. So, hindi po talaga mahirap mahalin ang isang Carlo Aquino. But of course, I treasure the friendship that we have. S’yempre, pag napasukan na ’yan ng ibang pagmamahal p’wede po ’yong masira at mawala ang pagsasama n’yo."—Eisel Serrano on Carlo Aquino

Hindi napigilang matawa at mapakunot-noo ng aktor na si Carlo Aquino matapos s’yang mabansagan ng entertainment press bilang “kilabot” sa kanyang mga nakakapareha onscreen.

Naganap ang nakakatawang tagpo na ito sa media conference nila noong March 28 for his upcoming romantic movie Love You Long Time na official entry sa Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).

Katambal n’ya rito, for the first time, ang aktres na si Eisel Serrano na aminadong nag-control daw ng feelings para hindi ma-fall sa kanya. 

Natanong kasi ng press people ang aktres kung ano ang p’wedeng dahilan para hindi s’ya ma-fall in love kay Carlo.

Ayon kay Eisel, hindi nga raw umano mahirap mahulog ang loob niya sa aktor kahit na ito ang unang beses na nagkatrabaho sila sa isang movie project.

“As we all know, Carlo is a very sweet person. So, hindi po talaga mahirap mahalin ang isang Carlo Aquino,” sagot ng aktres. 

Pero mas matimbang umano sa kanya ang nabuong pagkakaibigan nila nang gawin nila ang pelikula. 

“But of course, I treasure the friendship that we have. S’yempre, pag napasukan na ’yan ng ibang pagmamahal p’wede po ’yong masira at mawala ang pagsasama n’yo [bilang magkaibigan at magkatrabaho],” paliwanag n’ya.

“Sometimes we need to control our feelings for the sake of the person you love,” dagdag pa n’ya.

Dahil dito ay mas na-hot seat pa s’ya ng press kung nagkaroon nga ba talaga ng chance na na-fall s’ya sa aktor. 

“Of course, as Ikay [name ng character niya], kailangan kong ma-fall in love with Uly [name ng character ni Carlo],” natatawang palusot ni Eisel sa kakulitan ng press. 

Kasunod nito ay si Carlo naman ang binalingan ng press kung aminado ba s’yang “kilabot” s’ya ng kanyang mga nakakapareha sa pelikula.

Tila nag-ugat ang tanong na ito sa pagkaka-link nila ni Charlie Dizon, na una n’ya ring nakasama sa shooting ng romance movie’ng Love on a Budget noong December 2022. 

Kasunod kasi noon ay namantaan silang dalawa na magkasama sa La Union. 

Napakunot-noo at natawa na lang ang aktor sa naibansag sa kanya. 

Dito na umeksena ang host ng mediacon na si DJ JaiHo at sinabing lovable naman daw kasi talaga si Carlo.

“Sino namang hindi mai-in love? Kasi, ’di ba, mabait, guwapo, talagang ang sarap kasama sa work. Kung kami nga ang magla-love team baka na-in love na din ako, e. ’Di ba, Caloy?” pagbibiro nito.

Alam na alam mong kapatid ko talaga ’to. Kasi mga batang hamog pa lang kami [magkakakilala na kami],” tugon naman ng aktor joke ni JaiHo.

Pero hindi pa rin s’ya nakaligtas sa pang-uusisa ng press at natanong pa kung nagkaroon din ba ng time na nag-control s’ya ng feelings gaya ng ginawa ni Eisel.

Paliwanag dito ni Carlo, natutunan na daw n’yang maging professional sa mga ganitong bagay sa tagal ng panahon na inilagi n’ya sa showbiz.

Siguro po… parang 30 years na ako industriyang ito…almost 30. P’wede naman po ako maging professional and genuine at the same time,” aniya. 

“As much as possible, I try na alagaan [ang co-star] para s’yempre, ’di ba, para ma-feel n’ya na totoo ako. Pero hindi naman para umabot sa [mahuhulog ang loob ko],” dagdag pa n’ya.

At base pa sa title ng kanilang pelikula na Love You Long Time ay natanong din ang former child star kung s’ya ba ang tipo ng lalaki na kayang magmahal ng isang babae for a long time. 

Ano naman, [pang]-long term relationship talaga ako, e. Matagal talaga ako makipagrelasyon,” lahad ni Carlo.

Siguro at some point kasi pakiramdam ko ’yong pagmamahal nawawala. So, ’yong hahawakan mo ’yong kaya mo ba s’yang mahalin bilang kaibigan, mahalin bilang partner,” pagpapatuloy n’ya.

Nakikita mo s’ya hindi lang sa saya, kaya mo ba s’yang kasama kahit mahirap na, kahit said na kayo, kahit nasasaktan kayo pareho...’Yon po siguro ’yong nakikita ko kung paano tatagal [ang relasyon],” malalim na pagtatapos n’ya.

Mapapatotohanan naman ng aktor ang sinabi n’yang ito dahil apat na taon din silang tumagal ng dati n’yang partner na si Trina Candaza na ina ng anak n’yang si Enola Mithi. April 2022 nang kumpirmahin nila ang kanilang breakup after being together since 2019. 

Samantala, mapapanood ang movie nina Carlo at Eisel na Love You Long Time simula ngayong April 8 sa mga sinehan nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kumusta si Carlo Aquino bilang ama? “Masarap na makita ’yung semilya mo. Hahaha!”

Trina Candaza, open sa posibilidad na magbalikan sila ni Carlo Aquino; “S’yempre hindi ko iko-close ’yung door kasi mayroon kaming anak.”

Bahagi ng New Year reflection post ni Trina Candaza ukol sa taong “very excited to remove us from his life,” patama kay Carlo Aquino?

Trina Candaza, pumalag sa paratang ni Carlo Aquino na hindi niya ipinahihiram ang anak

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.