Masayang nagkuwento ng kanyang motherhood journey ang seasoned actress na si Iza Calzado.
Naganap ito nang maka-tsikahan namin s’ya recently right after ng cast reveal and media conference proper para sa upcoming horror movie nila na Shake, Rattle, and Roll: Extreme.
Doon nga ay kinumusta ng entertainment press si Iza kung ano ang pakiramdam na mommy na s’ya ngayon.
“Nakakabaliw s’ya in a good way. And sometimes, in an overwhelming way. Yes, oo,” sagot ng aktres sa amin.
Natanong pa s’ya tungkol sa baby girl n’yang si Deia Amihan na walong buwang gulang na pala.
Tsika ni Iza, happy daw s’ya dahil sa tingin n’ya ay mabait ang kanyang anak. Hindi raw kasi ito iyakin gaya ng maraming babies.
“Kasi nga wala akong basehan. Wala naman akong pinalaki sa bahay na kasama talaga. So, wala ako masyadong alam sa baby in general. So, safe to say mabait ’yong [anak ko],” lahad n’ya.
Komento naman ng kasamahan namin sa press, masuwerte s’ya kung ganu’n lalo pa’t hindi biro ang maging nanay at magpalaki ng anak.
“Sobra, Panginoon. Ay, D’yos ko. Isa s’yang blessing,” thankful na tugon ng celebrity mom habang nagsa-sign of the cross.
Umiiyak naman daw paminsan-minsan ang baby n’ya at nire-remind umano nya ang kanyang sarili na normal lang ’yon.
“Pag-umiiyak s’ya, sinasabi ko sa sarili ko na, ‘It’s part of it. She’s just expressing herself.’ Parang, ‘Iza, it’s part of it,’” she shared.
Pagmamalaki pa ng first-time mom, ibang level na raw ang lakas ng anak n’ya ngayon.
“Ngayon s’yempre, nagagalit na. ’Yong pag pinapalitan mo ng diaper ayaw n’ya. Action star…action star ’yong anak ko, e,” natatawang kuwento n’ya.
“Nakita n’yo ba s’yang mag-planking? Tapos nag-crawl bago mag-seven months. As in, ang lakas n’ya,” pagpapatuloy ng aktres.
“Saka ’yong crawl n’ya hindi ’yong dumaan sa dibdib [ang ginagamit]. Biglang nakaganu’n na [nakatukod ang mga braso] tapos bog, bog, bog.”
Mabilis daw natutong gumapang si Baby Deia gamit ang mga braso nito.
“When she got it, ang bilis n’ya. Konti lang [’yong times] na nadadapa [s’ya]. In a few days, she was on all fours na talaga. Parang, ‘Ano itong batang ito?’” namamaghang tanong n’ya sa kanyang sarili.
Komento tuloy ng press people, “Ipangalan mo ba naman sa ‘Sang’gre,’ ano?”
(Sang’gre ang tawag sa warrior princess o warrior queen na fictional characters nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, at Diana Zubiri sa GMA fantasy series na Encantadia noong 2005. Gumanap na Amihan si Iza sa nasabing serye. Ito rin ang isa sa inspiration behind her baby daughter’s name.]
“’Yon nga, ’di ba?” pag-sang-ayon n’ya.
Natanong naman namin kung anong ugali nila ng mister n’yang si Ben Wintle ang namana ni Deia Amihan.
“Ito, very Ben. Pag walang camera, ay, the most animated. Nahuhuli namin minsan. Pero kasalanan ko din. ’Di ba, ’yong paglaki n’ya. She’s so aware of the phone,” pagbabahagi ni Iza.
“So now, I have to buy a camera. She won’t be as conscious, I feel. But with the phone, when she sees it, she’s like that [becomes serious] right away,” she went on.
“Pag feeling n’yang may nakatutok [na camera], she becomes serious, which is very Ben. Ben is actually very animated and funny, makulit pag walang camera.
“’Yong pagkamakulit, feeling ko ako. Pero malayo pa. We’ll see,’” pagtatapos n’ya.
Panoorin ang kabuuan ng pakikipagtsikahan namin with Iza Calzado here:
YOU MAY ALSO LIKE:
Iza Calzado sa transition into a first-time mom: "Hindi siya madali."
Iza Calzado, humihiling ng dasal para sa nalalapit niyang panganganak
Iza Calzado subtly reveals she and Ben Wintle are expecting a “A little Mary Ann, a little Iza.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber