Azi Acosta, sa pelikula lang “sugar baby” dahil “I don’t need a man” ang peg niya sa totoong buhay

Hangga’t pinagkakatiwalaan daw ng Viva si Azi sa mga sexy roles and sexy films ay patuloy daw s’yang magpapa-sexy sa pelikula. Ipinauubaya raw n’ya sa Viva ang takbo ng kanyang showbiz career. Kung mag-decide man daw ang management na gawin s’yang wholesome actress ay go rin umano s’ya.

PHOTO: @AZIIIIIII.acosta on Facebook

Hangga’t pinagkakatiwalaan daw ng Viva si Azi sa mga sexy roles and sexy films ay patuloy daw s’yang magpapa-sexy sa pelikula. Ipinauubaya raw n’ya sa Viva ang takbo ng kanyang showbiz career. Kung mag-decide man daw ang management na gawin s’yang wholesome actress ay go rin umano s’ya.

Hanggang sa pelikula lang daw ang pagpapakita ni Azi Acosta na dependent s’ya sa isang lalaki dahil sa totoong buhay ay strong, independent woman s’ya.

Sinabi n’ya ito sa naging media conference nila kamakailan para sa bagong Vivamax movie nila ni Robb Guinto na Sugar Baby

Dahil nakikipagrelasyon sa older men kapalit ng gifts or financial support ang role n’ya sa pelikula ay natanong s’ya ng entertainment press, hypothetically, kung sino ba sa mga male celebrities ang type n’yang maging sugar daddy.

Sagot ni Azi, hindi n’ya umano kailangan nito dahil kaya naman daw n’yang suportahan ang kanyang sarili. 

Ako, actually wala po. Hahaha!” natatawang tugon n’ya sa press people.

Wala po talaga kasi I don’t need a man. I can provide for myself po, and I have a mom na kayang-kaya niya ang lahat. ’Yon po,” pagpapatuloy n’ya.

Totoo naman dahil magmula nang mapunta s’ya sa Viva ay tuloy-tuloy ang mga projects na ibinibigay sa kanya. 

Katunayan, ang Sugar Baby na ang pang sampung movie n’ya bukod pa sa ilang digital series na pawang mga sexy-drama-thriller ang tema.

Dahil dito ay natanong ang Vivamax actress kung hanggang kailan ba n’ya nakikita ang sarili na magpapa-sexy sa pelikula.

Ayon kay Azi, sinasamantala raw n’ya ngayon ang mga projects na ibinibigay sa kanya. Meaning, hangga’t may offers daw sa kanya na mga sexy roles ay tatanggapin n’ya ito.

Pinauubaya rin umano n’ya sa Viva ang pagdedesisyon sa takbo ng kanyang career.

Naniniwala po kasi ako sa ‘Strike while the iron is hot.’ I think, iko-continue ko pa din itong Vivamax hanggang sa Viva na mismo ’yong mag-decide kung ano na ba talaga,” pahayag ni Azi.

Kung s’ya naman daw kasi ang natatanungin ay kaya naman umano  n’yang mag-adjust mula sa pagiging sexy star to a wholesome actress. 

Kasi sa sarili ko, I think anytime kaya ko tumawid [sa ibang genre]. Ayon, sa Viva na lang po [ang desisyon],” saad n’ya.

“Viva, baka naman. Hahaha!” pabirong pahiwatig pa n’ya.

Hangga’t hindi pa nangyayari iyon, patuloy na mapapanood sa Vivamax si Azi kagaya na lang nitong newest film n’ya na Sugar Baby kung saan kasama n’ya sina Robb Guinto, Jeffrey Hidalgo, Josef Elizalde, Mon Mendoza, at Zsara Laxamana.

Available na ngayon for special advance screening ang Sugar Baby sa VivamaxPlus. Mapapanood naman ito for regular streaming simula November 24 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Azi Acosta, ipinagpalit ng boyfriend noon sa Mobile Legends: “Feeling ko sa una lang lahat magaling.”

Akting ni Azi Acosta, pasado kay Jaclyn Jose

Azi Acosta, walang male star na pangarap maka-love scene; "Kasi dapat ako ang pangarapin nila. Haha!"

Azi Acosta, mas nagpaka-daring sa pelikula niyang Suki; “Mas matindi ang mga ginawa ko rito considering my role as a pokpok.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.