Ayon kay Vice Ganda, “fake news” ang tsikang binitiwan na niya ang alagang si Awra Briguela

Kung may payo man daw na itinuro si Vice Ganda kay Awra Briguela dahil sa kinasangkutan nitong isyu, iyon ay ang kunin ang mga lessons mula sa pangyayari at maging wais sa mga susunod niyang desisyon sa buhay.   "May mga nangyayari sa buhay na pag nangyari na, ang tanging magagawa mo na lang ay kunin ang mga p'wede mong matutunan sa mga nangyari at mas maging matalino sa mga susunod mo pang gagawin sa buhay mo," he shared.

PHOTOS: ABS-CBN News on YouTube & @awrabriguela

Kung may payo man daw na itinuro si Vice Ganda kay Awra Briguela dahil sa kinasangkutan nitong isyu, iyon ay ang kunin ang mga lessons mula sa pangyayari at maging wais sa mga susunod niyang desisyon sa buhay. "May mga nangyayari sa buhay na pag nangyari na, ang tanging magagawa mo na lang ay kunin ang mga p'wede mong matutunan sa mga nangyari at mas maging matalino sa mga susunod mo pang gagawin sa buhay mo," he shared.

Fake news daw ang bali-balitang kumalas na si Vice Ganda bilang talent manager ng young comedian na si Awra Briguela.

Sa interview ng It's Showtime host with ABS-CBN reporter MJ Felipe kahapon, August 22, nilinaw niyang s'ya pa rin ang nagma-manage sa kontrobersyal ngayon na TV/movie personality. 

"Yeah, she is still my talent," pahayag ni Vice sa interview.

Wala pa rin daw siyang idea kung saan nanggaling ang tsikang iniwan na n'ya si Awra dahil sa kinasangkutan nitong street rumble na naging rason kaya ito naaresto noong June 29.

Wala naman daw kasing nagtatanong sa kanya tungkol dito tapos bigla na lang may lalabas na balitang kumalas na umano s'ya sa kanyang alaga.

"Alam mo, nagtataka ako kung saan nila nakukuha. One, no one asked me, ikaw lang ang nagtanong sa 'kin," lahad ni Vice kay MJ. 

"I was not interviewed by anyone, so, nagtataka ako kung saan nila nakukuha 'yong tsikang iniwan ko si Awra," dagdag pa niya.

Sa pagkakaalam rin daw niya, walang nag-i-interview kay Awra kung kaya't paanong may lumalabas na ganu'ng tsika. 

"Na-interview ba nila si Awra? Kasi si Awra cannot be interviewed. Bawal kasi siya magbigay ng mga interview," aniya.

"Kaya sabi ko, grabe talaga 'yong clout-chasing, 'yong para magamit 'yong issue, magamit ang pangalan ko, magamit 'yong pangalan ni Awra kasi maingay 'yong pangalan ni Awra. 'Yong click bate...grabe," pagpapatuloy niya.

"So there's no truth du'n sa isyung iniwan ko si Awra. Aalalayan ko si Awra dito sa journey niyang ito," pagtitiyak pa ni Vice kay MJ.

Natanong din ang "Unkabogable Star" kung paano niya hinandle ang isyu ng pagkakasangkot ni Awra sa bugbugan sa Makati City at sa pagkaka-aresto dito. 

"Pinagpahinga ko muna s'ya ng ilang araw para mahimasmasan. Ayoko 'yong mataas ako tapos s'ya din kasi, s'yempre, galing din s'ya sa trauma," sagot ni Vice.

"We should also consider the fact na galing din sa trauma 'yong tao. So binigyan ko siya ng ilang araw. Tapos ako din papahupain ko [ang sarili ko] kasi s'yempre galit din ako, 'di ba? Mainit din ang ulo ko," he continued. 

"Hindi ko p'wedeng dadaanin sa galit. Nu'ng kinausap ko siya, pinag-usapan namin na everything is coming from concern, love, and support. Kinausap ko s'ya kaharap ang tatay n'ya."

Hindi rin daw niya magagawang iwanan ang kanyang talent lalo na sa sitwasyon nito ngayon. 

"Klaruhin ko lang, hindi kami naghiwalay ni Awra. Hindi ko sya iiwanan lalung lalo na sa posisyong ito ng buhay niya. She needs guidance and I will be there for her," diin ni Vice.

Kung may aral man daw siyang itinuro kay Awra, iyon ay ang kunin ang mga lessons mula sa pangyayari at maging wais sa mga susunod niyang desisyon sa buhay. 

"May mga nangyayari sa buhay na pag nangyari na, ang tanging magagawa mo na lang ay kunin ang mga p'wede mong matutunan sa mga nangyari at mas maging matalino sa mga susunod mo pang gagawin sa buhay mo," he shared. 

"Wala tayong magagawa, nangyari na 'yon. Magsisisihan pa ba tayo? Magmumurahan pa ba tayo?" balik-tanong pa niya. 

At nang kumustahin naman si Awra, sinabi ni Vice na maayos naman ang lagay ng alaga niya. 

"She's okay. She's okay. She's trying to be better everyday," aniya.

Natanong din ang comedian-TV host kung ano ang pakiusap niya ngayon sa mga taong nagpapakalat ng fake news.
 
"Wala naman ako mapapakiusap sa kanila kasi 'yon ang trip nila. Ever since nakikiusap na tayo, 'di ba, sa mga fake news peddlers. Ever since nakikiusap tayo hindi naman sila [nakikinig]," pahayag niya. 

"Bahala kayo sa mga buhay n'yo. Pero again, at the end of the day, the truth will prevail," pagtatapos ni Vice.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Awra Briguela, binitiwan na nga ba ni Vice Ganda?

Tweet ni Vice Ganda, patama nga ba kay Rendon Labador?

 

Awra Briguela, “sinabon at binanlawan” ni Vice Ganda?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.