Ayon kay Annabelle Rama, mas mabait si Lorin kesa sa nanay nitong si Ruffa Gutierrez

Happy naman daw si Annabelle Rama sa naging pagpapalaki ni Ruffa sa mga apo niyang sina Lorin at Venice. Pero kasali pa rin daw siya sa credit.

PHOTOS: Anna Pingol

Happy naman daw si Annabelle Rama sa naging pagpapalaki ni Ruffa sa mga apo niyang sina Lorin at Venice. Pero kasali pa rin daw siya sa credit.

Kahit si Ruffa Gutierrez ang may pa-party para sa 16th birthday ng panganay na si Lorin Gutierrez ay halatang mas aligaga pa sa mag-ina ang lola ni Lorin na si Annabelle Rama habang nagaganap ang party ng dalagita sa Whitespace Manila nitong nakaraang Sabado, August 31. 

Pero kahit papaano ay na-korner pa rin ng ilang imbitadong press people ang Gutierrez matriarch para sandaling kapanayamin.

At sa tsikahan na yon ay hindi maiwasang makumpara ni Annabelle ang mag-inang Ruffa at Lorin. Ayon sa feisty lola, mas mabait daw ang apo niyang si Lorin kumpara kay Ruffa noong nasa parehong edad pa si Ruffa.

“Ngayon si Lorin malayong-malayo kay Ruffa... noong age 16 si Ruffa, ang dami kong problema. Hahaha!” very honest na say ni Annabelle. “Si Lorin mahilig mag-aral...finish your school hanggang sa mag-graduate ka, Lorin. I love you and happy birthday.”

Dagdag niya: “Masyadong pasaway si Ruffa. Si Lorin puro aral, puro aral.”

In fact, kagagaling lang daw ng apo niya mula sa Los Angeles at nag-precollege one-month Economics course ito sa UCLA (University of California, Los Angeles).

When asked kung ano mas gusto nito para sa apo, ang maging actress or beauty queen? 

“Bahala siya kung ano ang gusto niya,” say ng proud Lola. “I will be here to support her. Support lang ako. Aral daw muna siya sabi niya...Ambisyosa, e.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ruffa Gutierrez, sinabihan ang anak na si Lorin na p’wede lang siyang magpa-ligaw at 18

Kai Gutierrez’s Bonggang 1st Birthday and Dedication party

Raymond and Richard Gutierrez celebrate historic moon landing at NASA

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.