Awra Briguela, happy na proud si Coco Martin sa kanya, gusto ng isa pang project with Vice Ganda

Awra Briguela hopes for another project with Vice Ganda and Coco Martin.

PHOTOS: @mr.cocomartin (L) on IG, Jewel Pacia (Center) & @praybeytbenjamin (R) on IG

Awra Briguela hopes for another project with Vice Ganda and Coco Martin.

Masayang ibinahagi ng young comedian na si McNeal “Awra” Briguela na proud sa kanya ang  actor-director na si Coco Martin sa panibago niyang project, and daring na digital series, Mga Batang Poz

Matatandaang nakasama ng tween star ng halos tatlong taon, at itinuturing niyang isa sa kanyang mentors, si Coco sa longest-running teleserye na Ang Probinsyano, kung saan umani siya ng dalawang Best Child Performer awards mula sa Star Awards for TV (2016) at 3rd Aral Parangal Awards (2017).

Sa presscon ng nasabing digital series na ginanap kahapon sa AbS-CBN, tinanong ng press kung suportado ba siya ni Coco sa kanyang panibagong project. 

Opo! kahapon lang po sa trade launch…” nakangiting sagot ni Awra. “Sinabi niya sa akin na napanood niya and nag-congrats siya sakin ang ganda daw ng Mga Batang Poz tapos niyakap niya ako ng mahigpit tapos sabi niya namimiss niya na daw ako.”

Dagdag pa ng batang aktor, “Syempre ako n’on naiiyak ako kasi this is the first time na napahiwalay ako kay kuya Coco kaya emotional ako n’ong nakita ko siya. Hindi ko naman kailangan umiyak doon pero sobrang happy ako na nakita ko si kuya Coco kahapon. And he says naman po na proud siya sa akin.”

Binanggit din ni Awra na gusto niya ulit magkaroon sila ng panibagong project together along with comedian Vice Ganda. 

Wala pa po akong balita kung mayroon, pero sana po pag nagkaroon...kami ulit nila ate Vice at kuya Coco kasi grabe din ’yong iniwan ng Super Parental Guardians.”

Kahit na wala pang masyadong natatanggap na projects ngayon, sinabi din ni Awra na game siya sa kahit anong trabaho ibigay sa kanya.   

Wala pa po, pero lalaban po ako, kung sino po ang gusto kumuha sakin go lang po ako, go with the flow.” sabi ni Awra. 

Mga Batang Poz ay kwento ng buhay ng apat na HIV positive teenagers. At sa six-part series na ito, bibigyang buhay ni Awra ang character ni Chuchay.  

The series will be available for free streaming starting tomorrow, July 26, on iWant.

YOU MAY ALSO LIKE:

Teen star Awra Briguela helps dad finish college

GOOD VIBES: Coco at Alden's friendly rivalry

Coco Martin shares photos of his urban farm in Quezon City

Vice Ganda answers random questions from Pikapika!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.