Ava Mendez, naiirita at nasusungitan noon kay Jay Manalo; nai-intimidate naman kay Direk Yam Laranas

Inamin ng sexy-drama actress na si Ava Mendez na hindi maganda ang first impression n’ya sa seasoned actor na si Jay Manalo at highly-acclaimed Direk Yam Laranas.

PHOTOS: Vivamax

Inamin ng sexy-drama actress na si Ava Mendez na hindi maganda ang first impression n’ya sa seasoned actor na si Jay Manalo at highly-acclaimed Direk Yam Laranas.

Nagpaka-totoo ang Vivamax actress na si Ava Mendez at inaming hindi maganda ang first impression n’ya sa aktor na si Jay Manalo at direktor na si Yam Laranas.

Inilahad n’ya ito sa naging virtual media conference nila kahapon, November 24, para sa upcoming sexy-drama-suspense movie nila na Laruan. 

Natanong kasi namin kung ano ba ang biggest take away n’ya ngayong nakatrabaho na n’ya ang seasoned actor and the highly-acclaimed director.

Ayon kay Ava, nasusungitan umano s’ya sa co-star n’yang si Jay Manalo nu’ng umpisa. However, inamin n’yang mali pala ang pagkakakilala n’ya dito. Inakala daw kasi n’ya noon na may pagka-suplado ito.

“Working with Jay Manalo… nu’ng una parang medyo naiirita ako sa kanya na parang ang sungit. Tapos nu’ng first shoot namin, s’ya na ’yong unang nag-approach. Akala ko parang mataray talaga s’ya, mahirap kasusapin,” pag-amin ni Ava sa entertainment press. 

Bukod pa sa pagiging approachable daw pala ni Jay ay nagsilbi din umano n’ya itong acting coach sa set.

Ang nakakatuwa sa kanya, pag nahihirapan ako sa lines ko tinutulungan n’ya ako kung paano ko s’ya ide-deliver o kung anong atake,” lahad pa ng sexy-drama actress.

Intimidating naman daw ang dating sa kanya ni Direk Yam Laranas nang ma-meet n’ya ito habang ginagawa nila noon ang pelikulang The Escort Wife kung saan nakasama n’ya sina Janelle Tee and Raymond Bagatsing. 

Nu’ng first time kong nakilala si Direk was ’yong doon sa movie din na The Escort Wife. Akala ko hindi ko s’ya makakasundo kasi mukhang strict. And then na-intimidate din ako kasi parang, ano s’ya, e, perfectionist,” pagpapaka-totoo ng aktres. 

Pero mali din daw pala ang first impression n’ya sa multi-awarded director dahil mabilis daw silang nag-jive nang magkatrabaho na sila for the movie Laruan

“So nu’ng nakakausap ko na s’ya tapos nakukuha ko na ’yong loob n’ya, sabi ko, ‘Ah, cool pala ’to si Direk Yam.’ Tapos nu’ng nakapag-work na kami dito sa Laruan, doon na nabuo ’yong friendship namin ni Direk Yam,” saad n’ya.

Maayos din daw kung paano mag-instruct si Direk Yam sa ginawa nilang pelikula kaya naman game na game umano s’yang gawin ang mga gusto nitong makunan sa kanilang mga eksena.

“[Sabi n’ya], ‘I want you to be like this…like this…like that.’ Sabi ko, ‘Sige, Direk. Go ako d’yan.’ Tapos sabi n’ya sa akin ‘You have a potential with ganito, ganyan. Kailangan lang talagang pitikin,’” pagre-recall pa ni Ava.

“Sobrang thankful ako kay Direk Yam kasi nailalabas n’ya kung ano pa ’yong mga hidden gems sa akin na hindi ko pa nadi-discover.

S’ya lang ’yong taong parang… nasa comfort zone ako na maldita ako, malaki ’yong movement ko. S’ya ’yong nagpalabas sa akin na [dapat] maliliit lang ’yong galaw ko, tapos kailangan calm lang ako,” pagdedetalye pa n’ya.

Nahirapan ako pero nakaalis ako sa ganu’ng comfort zone ko, na kaya ko pala. May kailangan lang talagang pitikin which is ’yon ang nagawa sa akin ni Direk Yam. Kaya sobrang thankful ako kay Direk Yam,” pagtatapos ni Ava.

Gaganap si Ava sa pelikula bilang si Thea, ang high-spirited art major na magiging new love interest ng reserve painter na si Rene, ang character ni Jay Manalo. Dahil dito ay magkakaproblema s’ya dahil sa sakim at cheater wife ni Rene na si Camille, na gagampanan naman ni Franki Russel.

Magiging kaabang-abang ang salpukan ng mga characters ng tatlo, isali pa role ni Kiko Estarada na si Geoff, ang colleague and lover ni Camille, na s’yang naging dahilan kung bakit nagkakilala sina Thea at Rene.

Mapapanood ang Laruan, na kinatatampukan nina Ava Mendez, Frankie Russel, Jay Manalo, and Kiko Estarada, simula December 16 on Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.