Ava Mendez, ibinuking na “nagiging touchy” si Jak Roberto kapag nalalasing

Ayon kay Ava Mendez, hindi s’ya ng tipo ng babaeng papatol sa lalaking may karelasyon, lalo na sa naiisyu sa kanya ngayong si Jak Roberto. “Hindi. Hindi ko rin gusto, e. At hindi ko rin gusto si Jak. ’Yon lang ’yon. Hindi ko s’ya gusto, e,” diretsahang sabi n’ya.

PHOTOS: @avamendezofficial & @jakroberto on Instagram

Ayon kay Ava Mendez, hindi s’ya ng tipo ng babaeng papatol sa lalaking may karelasyon, lalo na sa naiisyu sa kanya ngayong si Jak Roberto. “Hindi. Hindi ko rin gusto, e. At hindi ko rin gusto si Jak. ’Yon lang ’yon. Hindi ko s’ya gusto, e,” diretsahang sabi n’ya.

Nagsalita na ang dating Vivamax actress na si Ava Mendez para tuldukan na ang kumakalat na usap-usapan online tungkol sa kanila ng Kapuso leading man na si Jak Roberto.

Laman kasi ng mga tsika sa social media ang dalawa matapos umano silang makitang lasing at magkasama sa isang hotel.

At para hindi na lumala pa ang isyu, minabuti na ang sexy-drama actress na linawin ito, na ginawa n’ya sa recent TikTok video ng content creator na si Madam Lamon Queen o Madam LQ.

Si Jak? Ito kasi ’yong story… Tutal, nandito na rin lang tayo. Mga curious kayo, ’di ba? Ito, ito ’yon na nangyari,” panimulang paliwanag ni Ava sa video.

Nangyari daw ang insidente sa pinuntahan nilang birthday party kamakailan. 

May common friend kami ni Jak. ’Yong common friend namin na ’yon is birthday n’ya. Inimbitahan kami, lahat ng family and friends nandu’n,” lahad ng aktres.

“So, kami lang dalawa ni Jak na kaibigan n’yang artista nu’n during that time. So kami ’yong naimbitahan. So, kasama ko ang mga kapatid ko, secretary ko, driver ko. Pati ’yong ibang friends namin kasama namin. So, kompleto kami lahat doon,” pagpapatuloy n’ya.

“So gathering…nasa five-star hotel kami. Doon kami kumain, uminom, kasama ’yong malalapit na kaibigan nu’ng may birthday.”

Pagde-detalye pa ni Ava, maayos naman daw makitungo si Jak sa mga tao roon kahit nakainom na. 

“So, nag-iinuman, nagkakatuwaan na, and si Jak medyo nakainom na rin. Nu’ng una, may mga lumalapit sa kanya, ’yong mga usherettes na mga babae. S’ya naman hindi naman s’ya isnabero. Hindi naman s’ya mahirap [i-approach],” kuwento ng aktres.

Nakikipag-usap s’ya, nakikipag-interact s’ya. Although wala naman akong nakikitang mali doon. Nagpapakitang tao…’yon ang pinakakita n’ya, ’di ba?” she added.

Nagkaroon din umano ng time na naglibot sila ni Jak sa mga tables para makipag-socialize sa iba pang mga bisita.

Iyon na daw ’yong nakunan sila ng photo na magkasama na s’ya umanong nilagyan ng malisya.

Tapos may mga gustong magpa-picture sa aming dalawa ni Jak. Bawat table pinupuntahan namin at magkatabi kami ni Jak,” aniya. 

“So, makikita n’yo, may kumakalat na picture na magkatabi kaming dalawa pero ang mga kasama namin naka-crop. Ayon, ginawan na ng issue.”

Hindi naman n’ya itinanggi na tumodo rin talaga ng inom ang aktor sa nasabing event.

“After nu’n, bumalik na kami sa upuan namin, nag-inuman na naman ulit kami. After that, si Jak, sinasabihan na nila, like, ‘Alalay lang. Alalay lang, [pare],’ ganyan,” tsika pa ni Ava.

Na-curious naman dito si Madam LQ at tinanong ang aktres kung paano ba si Jak kapag nalasing.

Nagiging touchy na s’ya. ’Yon ’yong nangyari… Hindi lang naman sa akin,” pagre-reveal ni Ava.

Nauunawaan naman daw n’ya ito. Iyon nga lang, hindi raw naiwasan ng mga nakakita na lagyan iyon ng kulay.

’Yong mga nakakita kasi binibigyan na nila ng [malisya] ’yan, ’di ba, na,‘Touchy ito. Baka mamaya….’ ’Di ba, ganyan? Pero pag talagang kilala mo ’yong tao parang normal lang. Makulit lang kasi nakainom, ’di ba? ’Yon, naiintindihan ko ’yon,” lahad ni Ava.

“And then, nu’ng tumatagal na, napapasarap na, halos maubos namin ’yong isang box nu’ng [whiskey brand] na iniinom namin, doon na s’ya parang naging aggressive,” pagtatapat pa n’ya.

Du’n nga, kumakausap na s’ya ng mga usherettes na mga babae. Tapos umalis na ’yong mga babae doon, tapos next sa amin kasi kami na lang ’yong natitira [sa event],” she continued.

Dahil sa kalasingan nilang lahat, hindi na raw sila pinayagan ng birthday celebrant na umuwi. 

Dapat pauwi na rin kami nu’n kaso hindi na ako nakauwi dahil lahat kami lasing. Ayaw kami paalisin nu’ng may birthday kaya kinuhanan kami ng room doon para mag-stay, magpahinga. After nu’n, uwi na, ’di ba? Para safe lang kaming lahat,” saad ng aktres.

Doon na raw naganap ang isa pang insidente na nabigayan na naman umano ng malisya. 

“So, papunta kami ng elevator, papunta kami sa room namin, may mga ibang fans din nakakita na may ginagawa si Jak sa akin, which is ’yong parang hug lang ng kaibigan from behind kasi lasing talaga s’ya, bangag talaga s’ya,” salaysay ni Ava.

Para sa kanya, normal lang naman umano ’yon sa mga magkakaibigan pero aminado s’yang hindi sila gaanong close ng aktor.

“Although si Jak, hindi ko s’ya close-close talaga. Kakilala ko lang s’ya, kabati, pero all good, wala. Like, parang, okey lang,” she admitted.

May nakakita ng fan na binigyan ng malisya na niyayakap ako ni Jak tapos si Jak nahihilo na. So, pagkakita ng fan, gumanu’n si Jak na parang inaamoy ako, hinahalikan, which is wala namang ganu’ng scenario na nangyari,” depensa ni Ava.

Lasing ’yong tao, e. Baka mamaya naghahanap ng [alalay] baka matumba. Ako ’yong nakitang malapit. So ’yon ’yong nangyari.”

Humingi rin naman daw s’ya ng tulong sa mga kapatid n’ya that time,

Tapos papunta na kami sa taas, tuloy-tuloy pa rin ang inuman. Nagkuwentuhan pa rin. Ayon, doon na s’ya naging touchy-touchy so sinabi ko sa mga kapatid ko at sa driver ko na alalayan na lang si Jak,” aniya.

Ayaw raw kasi n’yang may lumalapit sa kanya na ibang tao kapag nakainom s’ya.

Ako, okey pa ako kahit lasing ako. Kasi ang gusto ko pag lasing ako ayoko ng may lalapit-lapit sa akin kasi naaalibadbaran ako. Ayoko talaga. Kailangang wala akong maramdamang may dumampi sa skin ko talaga,” ani Ava.

In-address n’ya rin ang mga umano’y nananakot sa kanya na maglalabas ng CCTV footage para madiin s’ya sa isyu lalo pa’t may nobya si Jak, si Barbie Forteza.

Doon na nag-start na may nagsasabi kuno na meron daw CCTV footage doon. Sabi ko, ‘Bakit magkakaroon ng CCTV footage doon, ire-release ’yon, e, private [place] ’yon, ’di ba? Number two, wala namang CCTV sa loob ng kuwarto. Okey ka lang? Ano ’yon, motel? Hindi motel ’yon, five-star hotel ’yon,” giit n’ya.

“’Yon, ginawan na s’ya ng kuwento. Ayon na ’yong nangyari. Wala talaga,” dagdag pa n’ya.

Kasama rin umano n’ya ang mga kapatid n’ya sa room kaya’t mapapatotohanan n’ya na nagsasabi s’ya ng totoo.

Lahat kami kinuhan ng kwarto. Sa kwarto, kasama ko ang mga kapatid ko, ang driver ko. Nagkasya kami doon sa dalawang bed. Para lang makapagpahinga kami. And the next day, okey na kami, makauwi na kami nang maayos,” sey pa ni Ava.

Sa isang kwarto, ’yong driver n’ya at s’ya [Jak],” dugtong pa n’ya.

Tulog na rin umano s’ya noong time na bumalik si Jak sa room nila dahil gusto pa raw nitong makipag-inuman sa kanila kahit lasing na. 

Si Jak ang umalis sa kwarto [namin] kasi pumunta na s’ya doon sa kuwarto n’ya. Ngayon, sinabi sa akin ng mga kapatid ko na bumalik si Jak kasi gusto daw makipag-inuman,” aniya.

Pero wala na, tapos na, kasi wala na ring iinumin. Ubos na ang alak, e,” pagpapatuloy n’ya.

Tulog na ako. Ang gising na lang ’yong mga kapatid ko at ’yong driver ko. Tapos inaawat na talaga s’ya [Jak].”

Nakiawat na rin daw doon ang driver mismo ng aktor.

Tapos ’yong driver na n’ya mismo ang umawat. ‘Sir, punta na tayo [sa room natin]. Kasi the next day, ang alam ko, meron s’yang shoot,” she said.

Pag-uulit n’ya, walang ibang nangyari noong gabing iyon. 

“’Yon na ’yong nangyari. Wala ng iba. Saka, bakit naman ako magsisinungaling? Nalaman n’yo na sa akin ’yan. Kung may kilala man kayo sa circle of friends ko, why not hindi kayo mag-ask?” hamon pa ni Ava.

Hindi rin naman daw s’ya ng tipo ng babaeng papatol sa lalaking may karelasyon.

Hindi. Hindi ko rin gusto, e. At hindi ko rin gusto si Jak. ’Yon lang ’yon. Hindi ko s’ya gusto, e,” diretsahang sabi n’ya.

Nag-iwan din s’ya ng mensahe sa mga mamba-bash sa kanya dahil sa isyung ito.

Sa industry ko, magulo talaga. And then, kung ano ’yong makita n’yong picture, magagawan ng story, which is naiintindihan ko ’yon,” saad ng aktres.

Pero behind that, hindi n’yo alam kung ano ’yong real story nu’n. Pero ito ngayon, sinasabi ko na talaga sa inyo,” pagtatapos ni Ava.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ava Mendez on breakup with Skusta Clee: “Parang mas okay sa amin ang friendship kesa relationship.”

Ava Mendez, bound to go places

Ava Mendez, pinagsamantalahan ang kahinaan noon ng kanyang college professor nang bumagsak sa isang major subject: “Para akong na-rape.”

Ava Mendez, naiirita at nasusungitan noon kay Jay Manalo; nai-intimidate naman kay Direk Yam Laranas

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.