Ava Mendez, bound to go places

Did you know na naka-one-day stint pala si Ava Mendez sa Wowowin ni Willie Revillame?  Kaya lang, kinabukasan ay pipirma na rin siya sa Viva and Willie did not like the arrangement.  “So, sinabi ko ’yon kay Kuya Wil [Revillame]. Sabi ko, ‘Gusto kong mag-Viva. E, nagpatulong po ako kay Kuya Tyronne [Escalante]. Ngayon, meron po kaming call and then to sign a contract. So, magpapa-alam po ako.’  “Sabi niya, ‘Sige, no problem pero ayoko kasi ng merong ano like co-manage,’ ganyan. Kasi gusto n’ya, siya mismo magpapasikat...’yon ang sinabi n’ya sa akin. Sabi ko, ‘Sorry po, siguro soon, baka mamaya maka-work ko din po kayo.’”

Photos: @avamendezofficial

Did you know na naka-one-day stint pala si Ava Mendez sa Wowowin ni Willie Revillame? Kaya lang, kinabukasan ay pipirma na rin siya sa Viva and Willie did not like the arrangement. “So, sinabi ko ’yon kay Kuya Wil [Revillame]. Sabi ko, ‘Gusto kong mag-Viva. E, nagpatulong po ako kay Kuya Tyronne [Escalante]. Ngayon, meron po kaming call and then to sign a contract. So, magpapa-alam po ako.’ “Sabi niya, ‘Sige, no problem pero ayoko kasi ng merong ano like co-manage,’ ganyan. Kasi gusto n’ya, siya mismo magpapasikat...’yon ang sinabi n’ya sa akin. Sabi ko, ‘Sorry po, siguro soon, baka mamaya maka-work ko din po kayo.’”

Like any typical kids growing up in the province, nangarap din ni Ava Mendez na maging child star o kaya naman ay teen star.

“Nakakanood kasi ako noon ng mga Going Bulilit...” pa-throwback k’wento ni Ava. “Sabi ko sa dad ko—s’yempre bibo ako nu’ng bata ako, hindi ako mahiyain talaga—‘Dad, gusto kong mag-artista. Luwas tayo sa Manila. Gusto kong pumunta sa ABS-CBN, magwo-workshop ako...’ Ganyan-ganyan.

“Kung nandoon ako, dapat ka-batch ko ang grupo nila Kathryn Bernardo. Kaso, s’yempre alam mo na sa probinsya, ‘Anak, mag aral ka muna...magtapos ka muna ng pag-aaral.’”

But unlike any typical kids na lumilipas ang wanna-be star dream, si Ava ay hindi. Although tinupad pa rin niya ang gusto ng mga magulang na makatapos siya ng pag-aaral. Pero never nawala sa goal niya ang subuking mag-artista.

Sa Manila na raw siya nag-college and initially enrolled as a Hotel and Restaurant Management student.  

“Okey, sige, nakatapos ako ng elementary, high school... tapos after na, nu’ng college, nag-aral muna ako sa university ng HRM. So, na-bored ako, tinigil ko. Tinigil ko kasi sabi ko gusto ko ng Culinary bakit ako napunta ng HRM?

Kasi ang tinuturo sa HRM...kasi accredited na kasi s’ya ng Tourism diba? So, kailangan mo din matutunan ’yong Tourism. Sabi ko, hindi ko gusto ’to, gusto ko talaga ’yong Culinary kasi mahilig ako magluto... namana ko sa mom ko.

By the third year, she dropped her HRM course and shifted to a vocational culinary course.

“So, ’yong HRM ko, hanggang third year college lang ’yon. So, doon pa ako na-bored after ng three years. Haha! So, tinuloy ko na lang s’ya sa vocational and then naka- graduate ako ng two years. And after no’n nag-focus ako ulit doon sa ano...naghanap ako ulit ng mga raket-raket, ’yong mga modelling. Ganu’n pa ’yon dati...sabi ko, ‘Kasi baka doon ako ma-discover...blah blah blah.’ Haha!

“Tapos, wala. Hindi pa rin. So, may mga pinasukan akong mga trabaho like parang nag-host ako sa mga casino...so, hindi din ako nakatagal kasi s’yempre ’yong usok...” 

As she was spreading her wings and finding her place in the world, nananatili pa rin at the back of her mind ang goal na maka-entry level sa showbiz.

“May friend ako na common friend ng manager ko dati. So, ’yong friend na ’yon nakakilala ko sa dating kaibigan ko din. So, parang nasa gastropub kami tapos pinakilala n’ya sa akin. Ta’s sabi ko, gusto kong mag-artista kasi na-bored na ako sa mga ginagawa kong mga raket-raket ko, diba?

“So, sige meron akong kakilala. Ito naman naghahawak ito ng talent sa ABS. So, nakilala ko si Kuya Tyronne Escalante. Si Tyronne Escalante, s’ya ’yong manager ni Kelvin Miranda at saka ni Jane de Leon... nagkakilala kami, 2018 o 2019. So, hindi pa ako masyado ina-ano ni Kuya Tyrone noon kasi parang may pinagkakaabalahan pa ako noon before.”

Tyronne worked up his connections and found two opportunities for her. 

One was to be a co-host in Willie Revillame’s Wowowin. But that did not really materialize.

“Pinasok n’ya ako sa Wowowin. That time na ’yon, hindi ako nagustuhan ng Wowowin dahil nagkaroon kami ng conflict...”

Ni Willie? We asked.

“Kasi that time, nu’ng first na labas ko sa Wowowin, kinabukasan I have to sign contract sa Viva. So, sinabi ko ’yon kay Kuya Wil [Revillame]. Sabi ko, ‘Gusto kong mag-Viva. E, nagpatulong po ako kay Kuya Tyronne. Ngayon, meron po kaming call and then to sign a contract. So, magpapa-alam po ako.’”

Willie had to let her go because she says he wasn’t comfy with the concept of sharing his own Wowowin talent pool with outsiders. 

“Sabi niya, ‘Sige, no problem pero ayoko kasi ng merong ano like co-manage,’ ganyan. Kasi gusto n’ya, siya mismo magpapasikat...’yon ang sinabi n’ya sa akin. Sabi ko, ‘Sorry po, siguro soon, baka mamaya maka-work ko din po kayo.’

Sabi niya, ‘Sige, basta ano lang, go ka lang diyan.’”

The next day, she signed her Viva contract.

’Yon ’yong time na pandemic na ’yon, June or July 2020, nag-sign na ako ng contract sa Viva and doon na lahat nag-start.”

 

THE NAME CHANGE

After being introduced in Darryl Yap’s sexy-comedy Pornstar 2, Ava—then still known as Sab Aggabao—never stopped doing what she dreamt of doing: acting in front of the camera.

But there’s a catch. 

Ava didn’t tell her family in the province what she was up to in Manila.

It so happened that her showbiz entry coincided with the resurgence of the sexy film genre. At dahil gusto niya talagang umarte, she decided to signed herself in. She’s an adult, after all.

Pero napagalitan siya.

“Hindi sila aware nu’ng nilaunch ako—apat kami sa Pornstar 2. So, medyo nagulat sila kasi s’yempre may hubad.

Hindi ako nagpa-alam, e. Nasundan nu’ng Crush Kong Curly... mas lalong nagalit nu’ng Eva! Hahaha! Oh, my God, nagalit nu’n kasi Eva kasi was an erotic movie, e.”

(Eva was the movie where she shared equal billing with Angeli Khang and where she portrayed as a successful woman who swing both ways.)

But she persisted.

She just decided to change her screen name to Ava Mendez to disassociate herself from her family.

Why is there such a need, you may ask? Galing pala kasi ng political clan itong si Ava. And her being a sexy star was being used to stir up controversy ng mga kalaban ng kamag-anak nila sa pulitika.

“Actually, ’yong family ko, ’yong relatives naming, we’re in political dynasty since 2001 up to now. But now, pahinga muna kami. And then before, my uncle is a former congressman. Bago pa s’ya naging congressman nag-mayor muna sy’a and then congressman... 

“And alam mo naman ang ugali sa probinsya. So, kunwari kung ano ’yong p’wedeng mabatikos, kung ano p’wedeng ibato, ibabato nila sa uncle ko. So, ako nalang ’yong nag-adjust kesa naman pauwiin ako, patigilin ako sa ginagawa ko which is love na love ko talaga. 

“Kaya inisip ko na, na sige magpapalit na ako ng name. During that time, kasalukuyan nang election.

So, hindi ako nakakauwi sa amin para tumulong sa uncle ko kasi ayoko ko ding gamitin na pang-ano kasi...alam mo sa ugali sa probinsya, ‘Ay, ’yong pamangkin ni ano naghuhubad, ’yong pamangkin ni ano ganito ang ginagawa... hindi nahihiya.’”

Thus, she is now Ava Mendez.

And she tells us how she came about with that name that’s so close that of Hollywood actress Eva Mendez.

“Actually ’yong Ava Mendez, napanaginipan ko lang ’yon. ’Yong Mendez from my friend, last name niya. Sabi ko, ‘Friend, can I borrow your last name?’ So, pinag-konek ko s’ya—Ava Mendez. Para may pagka-Latina ’yong peg,” natatawang tsika niya.

Hindi ko naisip na meron palang Eva Mendez. Saka inilapit ko sa Eva kasi di ba, may movie kami ni Angeli Khang na Eva...na by the way, nasa million club na [ng Vivamax, which means it has been streamed more than a million times on the platform].”

 

NEGOSYANTE OFF-CAM

Having learned of her background, napa-isip kami na unlike some of her contemporaries na mga breadwinners o kaya naman ay galing sa hirap, tila nakakaluwag-luwag, so to speak, itong si Ava.

But she quickly corrected our impression. Aniya, marami din naman siyang dinaanang struggles especially during her early years in Manila.

Siguro ginagawa ko itong pag-a-artista dahil gusto ko, passion ko and dream ko. Pero before ako nag-artista may ginagawa na ako before and also sinusuportahan ko din ’yong mga kapatid ko at saka ’yong parents ko. 

“At the same time, ’yong bahay na tinitirahan namin now is ako... pundar ko ’yon sa sarili ko. Nakuha ko ’yon sa ginagawa ko dati...”

Which is?

“Have you heard about drop shipping? Iyon. Nagbebenta ako ng mga products na kinukuha ko sa Amazon, sa Shopify and then meron akong ginagamit na app, na website... ginagawa ko, ginawan ko s’ya ng sariling market and then binibenta ko s’ya nang mas mataas.”

In fact, humataw daw siya noong kasagsagan ng pandemic na sinabayan pa niya ng pagki-crypto currency.

“Pinasok ko lahat at inaaral ko s’ya at the same time kumikita na rin ako. Up to now tinutuloy ko pa rin pero hindi na ako gano’n ka-active kasi nag-concentrarte na ako dito sa mga movie projects.”

So far, hindi pa raw niya nagagamit ang pinag-aralan niyang culinary course. But maybe in her future businesses daw. Currently, ang interest niya off cam ay mag-invest daw sa mga stocks. 

Meron akong gustong like bilhin na mga shares... pero pinag-iisipan ko kasi pag naka-ipon ka na, parang nanghihinayang kang i-gastos. Me ganu’n akong sakit...ang masasabi ko nga lang na luho ko ’yong mag-multiple ’yong pera ko. Haha! Hindi ako ’yong materialistic. Kung meron man, alahas. ’Yon ang luho ko and then magpa-ganda. 

“Pero ’yong unlike ’yong mga ano... kasi parang gusto kong bumili ng mga shares in the future. ’Yon ang plano ko.”

 

FINDING HER RIGHTFUL PLACE IN SHOWBIZ

Aminado si Ava na malakas ang personality niya. And that’s the reason why she’s being casted in character roles which she plays so well.

In fact, sabi nga namin, may tendency siyang manlamon ng co-stars sa lakas ng screen presence niya.

“’Yon ang hindi ko alam... kasi hindi mo maitatago talaga, hindi ka makakapag-daya talaga kapag passion mo, kapag gustong-gusto mo at nag-e-enjoy ka sa trabaho...

“Kasi ever since na nag-start ako mag-sign sa Viva, nu’ng Pornstar 2, talagang na-embrace ko na ’yong pag-aarte. So, siguro minsan kasi nagsusobrahan ako pero although ’yong kinakalabasan doon sa movie, gumaganda.

“Then minsan naman kapag nasusobrahan, medyo pumapangit ’yong timpla kasi nasasapawan... so, sabi ko ano kaya ang p’wede kong gawin? For my reference, ang ginagawa ko nanonood ako ng mga movies. So, doon ako kumukuha ng ideas.”

Peg niya raw sina John Arcilla at Mon Confiado.

So, parang na-embrace ko ’yong pagiging villain dahil kapag nagpo-portray ako ng mga strong personality.”

At ina-attribute daw niya ang strength niya ngayon sa mga pinagdaanan niya noon.

“Sa dami siguro ng pinagdaanan ko sa buhay,” she says.

When asked to elaborate...

“Kasi nga naging independent ako dito [sa Manila],” she says. “Ang dami kong pinagdaanan. So, parang naka-encounter ako ng mga taong mapang-abuso, ’yong ginagamit ako... wala kasi akong alam, e, probinsyana ako.

“So, s’yempre ako nag-e-experiment ako. Ang dami kong nakikilalang mga tao, ang dami kong nakikilalang prominent people na na-konek sa dati kong ginagawa... so, natutoto ako sa kanila. So, ’yon ’yong binaon ko ngayon dito [sa pag-aartista].  

“So, pag may nababasa ako na mga material about sa mga strong personality, nagpa-flashback sa akin lahat ’yong mga nangyayari. ’Yon ang hindi nila alam kaya nakakapag-internalize akong mabuti.”

When asked to elaborate further about the abuses she’s referring to, she adds: 

“Hindi kasi dati may mga naging friends ako noon... s’yempre wala akong alam, e, nakipag-friends ako sa mga may alam ng ganito-ganyan...so, parang ano hinaharap nila ako sa mga tao, ganyan-ganyan, pinapakila-kilala...tapos ako naman parang tanga naman ako... hindi ko alam...so, ganyan-ganyan. 

“Ta’s bigla-bigla mamaya iuuwi ako. Sabi ko, ‘Bakit mo ago iuuwi?’ Diba? Tapos nagagalit ’yong mga friends ko. ‘Bakit hindi mo pinagbigyan ’yong kaibigan natin na ganito?’ Sabi ko, ‘Pa’no ko pagbibigayan? Anong gagawin ko?’ Guma-ganu’n na ako. Hindi ko kasi alam. So, parang in exchange, doon nila ako babayaran. Sabi ko, parang hindi ko gusto...

“’Yon na talaga na hindi ko kaya i-ano... talagang sini-set aside ako. Sabi ko, ‘Hindi. Hindi ako ganyan.’”

And that, she says, remains her mantra to this day even if she’s doing sexy roles. 

“Hindi porke’t nagpapa-sexy kami ganu’n na iisipin na parang pa-ganu’n kami. No, hindi.”

In short, don’t mess with her.

Ava’s here for the high that acting gives her. And she’s here for the long haul. In fact, even if she hasn’t rested since she started, she says she has barely reached her goal as far as acting is concerned. Marami pa raw siyang gustong subukan. Even all-out drama na siya ang mellow character kung mabibigyan ng chance.

May konti...pero although gusto ko mag-experiment kasi gusto ko maging ano, maging versatile para kahit anong ibato sa akin na role, natural pa din lahat. Natural.”

But at least, natupad na ni Ava ang childhood dream na maging artista. At hindi niya akalain na magkakasunod-sunod ang projects niya. Dahil sa ka-busy-han, marami na raw siyang hindi nagagawang iba.

But that’s fine with her. Parangap niya ’to. Kung may sacrifice man, she’s ready for them.

“Siguro ang nabago lang ’yong mga dati kong ginagawa before. So, medyo hindi na ako ganu’n ka-active and then sa mga sports na sinasalihan ko...like Spartan race...dati nagko-compete ako. Look at my hands. I have kalyu-kalyo...”

(Ang Spartan race ay ‘yong parang may mga obstacle course along the way at hindi basta takbuhan lang. It’s comparable to a military training.)

Patuloy niya:

“Dati may time na kasama ’yong mga kaibigan ko, mga pinsan ko pumapasyal kami sa iba-ibang lugar. Hindi ko na s’ya masyadong nagagawa ngayon kasi pinipili ko na lang magpahinga sa bahay.

“Tapos mag-gi-gym ako, punta ako ng grocery or minsan pupunta ako ng mall may bibilhin lang ako. Ta’s mag-stay ako sa bahay since dire-diretso ’yong projects ko sa Viva. Two weeks lang pahinga ko

“So, s’yempre ’yong one week, ilalaan ko ’yon doon sa mga ginagawa namin na mga promo-promo... ta’s ’yong one week, rest na ’yon kasabay na ’yong pagbabasa ng script for the next project.

So, parang ganu’n lang ’yong rest ko. Tapos gym na, lahat, grocery...

“Parang ’yon lang ’yong na-miss ko. Wala na akong masyadong time są mga pinsan ko at sa ibang family ko kasi sobrang madaming dumating na mga projects. Pero sobrang thankful naman ako.” 

And because she loves what she’s doing, hindi raw niya ramdam ang pagod.

“Kung pagod man, ’yong pagod na masaya, hindi ’yong pagod na exhausted.”

Looks like there’s no stopping this woman. And we see her going places. 

She’s not just armed with beauty, but more so with innate acting talent. Samahan mo pa ng focus and determination. 

Kumbaga sa giyera, Liyamado siya. 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.