Aubrey Miles, walang pinagsisihan sa pagtatago noon sa publiko ng tungkol sa anak niya sa pagka-dalaga

PHOTOS: Eat Bulaga! on YouTube &  @milesaubrey on Instagram

PHOTOS: Eat Bulaga! on YouTube & @milesaubrey on Instagram

Binalikan ng aktres na si Aubrey Miles ang panahon kung kailan itinanggi n’ya ang pagkakaroon ng anak.

Naging celebrity guest kasi ang aktres sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga! last Saturday, January 23, kung saan isa s’ya sa naging choices sa tanong na “Sino-sino sa kanila ang nagtago o nag-deny ng anak.”

Si Aubrey nga ang unang pinili ng player na si Bernie Batin, isang TikTok influencer, dahil nasubaybayan daw kasi n’ya ang naging buhay ng aktres.

Matatandaan nga na noong 2009 ay inamin ni Aubrey na may anak s’ya sa pagkadalaga at itinago n’ya ‘yon sa loob ng ilang taon.

At sa episode nga ng Eat Bulaga! nu’ng Sabado, napa-throwback ang hot momma with matching explanation kung bakit n’ya ito ginawa. 

Ako naman, ‘yung k’wento ko, kasi no’ng panahon ko, kami-kami lang… So nag-decide ang manager ko, ang production namin na ganu’n, kailangan naming i-deny [ang pagkakaroon ng anak],” panimulang pag-amin ng celebrity mom.

Maliban sa iniingatang privacy, sinabi ni Aubrey na ginawa n’ya ‘yon dahil kinailangan daw sa trabaho n’ya bilang isang artista.

Kasi ‘yung time na ‘yun kailangan fresh ka… S’yempre mga tao medyo… Ako rin naman, preferred ko rin na itago kasi parang privacy ko na rin ‘yon...choice ko na rin ‘yon. Para sa ikakaganda at kailangan ko rin magtrabaho nu’ng time na ‘yun,” lahad n’ya.

Hindi naman daw s’ya nagsisi sa kanyang naging pasya that time dahil nakatulong daw ‘yon para magkaroon s’ya ng projects at break sa showbiz.

Hindi ko naman na-regret ang mga nagawa ko nu’n pero para sa akin ‘yon talaga ‘yong tamang choice to go,” paliwanag pa n’ya. “Hindi masabing napakaganda pero nakaganda du’n sa career ko at nakapagtrabaho naman ako.

Nangyari daw kasi ito nu’ng nagsisimula pa lang s’ya sa entertainment industry.

Kaka-start ko lang nu’n. Tapos ‘yon nga, nabuntis ako. Pagkatapos ko mabuntis, saka lang ako talaga ‘yong nag-Aubrey Miles,” pagbabalik-tanaw n’ya.

Komento naman ni Paolo Ballesteros na isa sa mga host na nag-interview kay Aubrey, iba daw kasi ang tingin sa mga artistang babae na may anak na na karaniwang nabibigyan ng mga mommy roles sa TV o movies.

Ganu’n naman until now,” pagsang-ayon ni Aubrey. “Parang ganu’n pa rin ang nangyayari. Pero sa akin, nu’ng panahon na ‘yon, medyo okey naman na nangyari. Pero s’yempre, may mga tao talagang nagda-doubt. And siguro kailangan lang talaga nu’ng time na ‘yon.

K’wento pa n’ya, mas na-motivate naman daw s’ya magtrabaho nu’ng nagkaroon s’ya ng anak, unlike sa ibang mga artista na mas pinipili ang family life over career. Nagkataon din daw kasi na breadwinner din siya ng pamilya niya that time.

“So, sabi ko, ‘Why not?’ And then, parang mas naging madami ‘yong offer kasi naging mas sexy ako. Naks!” natatawang salaysay n’ya.

May target na panahon din naman daw noon si Aubrey kung kailan n’ya aamin sa publiko na meron nga s’yang anak sa pagkadalaga.

Bago ko naman ‘yon i-deny, sinabi ko na ganitong time ko lang p’wedeng [itago],” sey n‘ya. “Gusto kong aminin… Siguro mga six years ‘yon. Tapos seven years, sabi ko, ito na talaga. Tinaym ko din. Siguro gusto kong i-plano din. Ayoko lang forever. Pero matagal na ‘yon. Feeling ko ang tagal na nu’ng six years.

Nu’ng time na kailangan ko nang aminin, ito na ‘yong magkaka-isip na s’ya. So, sabi ko, gusto kong aminin na ‘yong may isip na s’ya kasi nu’ng dinenay ko s’ya ilang buwan pa lang s’ya, e. So, wala talaga s’yang alam. [Nu’ng inamin ko], mga five na s’ya or six years old.”

Komento naman ng isa pang host na si Jose Manalo, kahit naman daw itinanggi ni Aubrey ang bata—dala ng needs ng trabaho— sa showbiz ay inalagaan naman niya ito nang husto at lumaki sa kanyang poder.

Sa akin, nu’ng time na ‘yon, siguro sa TV ko s’ya nade-deny,” pagpapatuloy ni Aubrey. “Pero nagta-travel kami together. Pero kasama ng mga pamangkin ko. Kasama nu’ng mom ko. Tapos sa school [meetings ng parents], nag-a-attend ako. Siguro ang maganda din sa school medyo private din sila.

Isa rin daw sa nakatulong kay Aubrey ay ang kawalan ng social media nu’ng mga panahong ‘yon.

Paliwanag naman ng family counselor and grief therapist na si Leni Sanchez, na present din sa Eat Bulaga! studio that time, hindi naman daw naging masama ang ginawa ni Aubrey nang i-deny n’ya sa  publiko ang kanyang anak.

“I think, sabi ni Aubrey, with all the intentions, the love will always be the language of the heart. So, kung anuman ‘yong truth na nandu’n, hindi naman nabawas ‘yon, only that may sinabi s’ya that time, ‘Kailangan kong gawin ‘yon.’ Not the [only] choice but the choice that she made because that time kailangan n’yang kumita. ‘Yon ang opportunity n’ya to flourish her career,” paliwanag ni counselor Sanchez.

“So, tama naman si Jose,” dagdag pa ng counselor. “Hindi mo naman pina-ampon. Hindi mo naman ipina-alaga sa iba. I think, hindi mo s’ya itinago, per se... Itinago mo s’ya sa world na mapo-protektahan mo s’ya. Hindi ‘yon [showbiz] ang world ng bata. Ang bata, hindi naman s’ya ang artista, e. ‘Yong nanay. Hindi naman s’ya itinago kasi open s’ya sa school, sa mga kamag-anak. I think, the intention is good, to protect and make a living for the child.”

Kung sakali man daw na dumating ang panahon na magtanong ang bata, mas mainam daw na ipaliwanag dito kung ano ang totoong nangyari.  

Kung magtatanong man ang bata, ano ba ang kailangang i-explain? May makita s’ya na write up later on kasi sa social media [o] may nahalungkat sa archive na, ‘Si Aubrey, itinago ‘yong anak n’ya.’ Well, you can always tell your kids what happened. Ang mahalaga, wala naman atang naramdaman ang bata na idinenay s’ya. At p’wede mong i-deny sa bata na, ‘Hindi kita tinago.’

Agree naman sa sinabi ni counselor Sanchez ang aktres dahil ‘yon daw mismo ang nangyari sa kanilang pamilya.

Totoo ‘yon kasi nu’ng six years old [s’ya], hindi naman n’ya naintindihan, e,” dagdag paliwanag ni Aubrey. “Tapos ngayon, alam n’ya. Nu’ng nagkuk’wentuhan kami [sinabi n’ya na], ‘I know that.’ Sumakto lang sa age n’ya na naintindihan n’ya kahit hindi ko i-explain at hindi n’ya tinanong.

Ang batang pinag-uusapan sa k’wento ay ang panganay n’ya na si John Maurie Sandel Obligacion na ngayon ay 19 years old na pala.

“Never kami nagtanong,” say ni Aubrey sa relasyon nilang mag-ina. “Never kami nag-explain. Wala kaming ganu’n.

Maliban pa doon, kilala din daw ni John ang kanyang biological father at may communication ito dito..

Okey naman s’ya [si John Maurie]. [Nu’ng] pinakilala ko s’ya kay Troy, baby-ing baby pa din. Alam naman nu’ng son ko. Nandu’n naman ‘yong dad n’ya.

Si Troy ay ang asawa ni Aubrey na dati ring actor at TV host at kilala sa pangalang Troy Montero. 

Hindi dad ang tawag [n’ya] kay Troy. Ang tawag kay Troy is ‘yong real name n’ya, Cody. Then may daddy s’ya. ‘Yong daddy ng anak ko, nagko-communicate.

Si Troy, happy naman and he’s a very good step dad. Parang ganu’n pa rin. Kung paano n’ya i-treat ‘yong dalawang anak namin [na sina Hunter Cody at Rocket Miller], ganu’n din ang panganay ko. Hindi magka-iba dahil hindi n’ya anak,” pagtatapos ni Aubrey.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.