Aubrey Caraan, love song writer na rin kahit di pa nai-in love

Among the mga "sanas" (wish list) ng singer-actres na si Aubrye Caraan ang makapag-solo concert, maka-duet si Sarah Geronimo, muling bumida sa isang film or TV project, at maka-try ng ibang film genre like action or horror.

Photos: Viva Records

Among the mga "sanas" (wish list) ng singer-actres na si Aubrye Caraan ang makapag-solo concert, maka-duet si Sarah Geronimo, muling bumida sa isang film or TV project, at maka-try ng ibang film genre like action or horror.

Pume-first love ang tema ng bagong single ng singer-actress na si Aubrey Caraan na "Sana." Tungkol ito sa mga damdaming di masabi-sabi na siya mismo ang nagsulat ng lyrics sa tulong ni Sean Cedro.

Sampol ng relatable lyrics:

"Sayang naman kung 'di natin pagbibigyan
Kung pareho naman ang nararamdaman
Ayaw kong manatili na lang tayo sa
Sana, sana, sana

"Kung una bang aamin
Meron bang patutunguhan ang damdamin
Sana, matapos na ang sana
Wala namang ibang hahadlang kung

Sasabihin, ba't 'di aminin..."

Ang kaso, never pa raw na-in love ang bagets. Kaya nagtataka kami kung paano niya nasulat at na-deliver ang kanta with conviction.

Mga experiences daw ng kaibigan ang pinagbatayan niya ng ibang emosyon ng kanta with matching inalala ang feelings noong may mga crush-crush siya noong high school.

Mukang masunuring bata kasi itong si Aubrey at mukang very family-oriented kaya parang wala pa sa isip ang love-love na yan, except sa pagsulat ng kanta.

Tinanong kasi namin siya ng kanyang Top 3 "sana" sa buhay at halos puro tungkol sa pamilya ang nabanggit niya.

"Ang Top 3 sana ko po... sana maging successful ako dito sa showbiz career ko kasi matagal-tagal na rin po ako dito. ito po kasi talaga 'yong pangarap ko. Sana talaga maging successful," panimulang lahad ni Aubrey. 

"Pangalawang sana ko is sana mabigay ko sa family ko 'yong kailangan at gusto nila like ako 'yong makapag-provide talaga ng ganu'n.

"Ang third sana ko is sana maging happy, safe, and healthy 'yong mga mahal ko sa buhay. Ganu'n lang po."

When asked kung wala ba sa list n'ya ang makapag-travel sa mga dream destinations, family pa rin ang lumabas sa bibig niya.

"Ay, opo, kasi never pa ako nakakapag-out-of-the- country. Isa rin po 'yon sa sana ko...sana makapag- travel ako like with my family or friends or kahit ako mag-isa. 

"And sana makapag-try ako ng adventures po na mga like sports or things... mga ganu'n po na ma-try ko."

When pressed for more sanas by other members of the press na may kinalaman naman sa kanyang singing and acting career, patuloy namang naglahad ang mahiyaing si Aubrey.

"Sa singing po, 'yong sana ko, sana makapag-perform ako sa malaking audience, on a big stage... makapag-concert ganu'n," nangingiming saad niya.

"Sana rin po maka-duet ko o maka-performance on stage ko si Miss Sarah Geronimo. Like grabe pag nangyari 'yon," kinikilig naman na dagdag n'ya.

"On acting naman po, sana magkaroon pa po ako ng maraming acting opportunities po... projects na ako po 'yong bibida, ganu'n po. And maka-try po ako ng ibat-ibang genre po pag dating sa films kasi na-try ko na po like mga romcoms po, e. So, sana makapag-action ako or like horror, ganyan." 

Samantala, nag-segue kami ng tanong kay Aubrey kung hindi ba siya nagselos na ang dating ini-loveteam sa kanya na si Marco Gallo (through Ang Manananggal na Nahahati ang Puso) ay ibinigay kay Heaven Peralejo sa youth rom-com series na The Rain In Espana, na incidentally ay kasali rin siya sa cast.

Wala bang kapiranggot na kurot sa puso n'ya?

"Hindi naman po kasi after po ng Mananangal, nagkaroon din po kami ni Marco ng different na path na po, e. Parang hindi na po kami talaga as a love team like solo artists na po kami na pinag-partner lang...

"Nu'ng nalaman ko naman po, sinabi naman po sa akin ni Boss Vic na parang 'O, si Marco iba na 'yong ka-partner' ganyan. Sabi ko, 'Okay lang, Boss.' At least I'm part of this series din. And for Marco naman po, I'm really happy for him po talaga and nakita ko rin naman po sa workshop and sa look test palang na super bagay sila ni Heaven dito. So, dapat ninyong abangan. I'm really happy for Marco and Heaven po na sila 'yong loveteam po." 

Samantala, promise ni Aubrey na hindi na niya ise-set aside ang recording. Pasulpot-sulpot kasi siya kung mag-release ng single. But now that naranasan na n'yang magsulat ng kanta, malamang daw ay masundan agad ang kanyang "Sana."

"Sana" is now available on all digital music stores.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.