Ate Vi mourns the loss of good friend and staunch Vilmanian, Marie Barbacui

PHOTOS: Karen Martinez

PHOTOS: Karen Martinez

Last March 4, 2019, pumanaw na ang mabait at paboritong bitplayer ng mga veteran stars na si Marie Barbaqui o Maria Robles Gonzales.

Kung isa kang showbiz insider, paniguradong kilala mo si Marie—Ate or Tita Marie sa karamihan. Siya ’yong matandang babae na medyo chubby na kilala sa pagiging masayahin, makwento, at maasikaso. At bagama’t close siya sa napakaraming artista, mas identified siya kay Star for All Seasons Vilma Santos. Alam ng lahat sa showbiz na si Ate Vi ang dahilan kung bakit napasok ni Marie ang showbiz. She was a die-hard Vilmanian. Matagal na panahong kasa-kasama siya ni Ate Vi sa mga lakaran. She became part of her entourage.

At dahil likas na magiliw, nakuha rin nito ang loob ng maraming beteranong artista gaya ng mag-asawang Ronnie Poe at Susan Roces at ni Liberty Ilagan; at mga director gaya nina Ishmael Bernal at Marilou Diaz-Abaya.

Naging self-appointed tagapag-alaga din siya noong araw ni Comedy King Dolphy at itinuring ding hindi iba ng mga Ejercito partikular na ng mag-asawang Jinggoy at Precy.

At dahil na rin sa angkin niyang “charm,” naging bahagi rin si Marie ng more than 30 movies at kadalasan ay “as herself” ang role niya. Ilan sa mga pelikulang ito ay ang Sinungaling Mong Puso (1992), Mahirap Maging Pogi (1992), Kapag Langit ang Humatol (1990), Macho Dancer (1988), Inday Bote (1995), Baby Tsina (1984), at Broken Marriage (1983).

Marie was a repository of so many wonderful showbiz stories na na-witness niya sa loob ng more than 50 years ng pag-iikot sa apat na sulok nito.

Pero dahil identified nga siya bilang Vilmanian, agad na naging tanungan noong kumalat ang balita ng kanyang pagpanaw ay kung “alam na ba ni Ate Vi?”

Hindi na binuksan ang kabaong ni Marie kaya’t larawan nalang ni Marie ang iniyakan ni Ate Vi.

 

Ayon sa nalakap ng pikapika, noong ikalawang gabi ng lamay, March 6, nagbigay-pugay si Ate Vi para sa mahal niyang kaibigan. Dumating ito sa St. Peter Memorial Chapels in Quezon Avenue, Quezon City kasama ang mga kapatid na sina Sonny Boy at Emilyn na kapwa naging malapit din kay Marie.

 

Kabilang din sa mga dumalaw ang mag-asawang Bong at Lani Revilla, ang ilang anak ni Mang Dolphy, ang ilang members of the Ejercito family. Reportedly ay hiniling ni Precy, asawa ni Jinggoy Estrada na naging napakalapit kay Marie, na sa San Juan na ilibing si Marie imbes sa naunang planong sa Tandang Sora ito ilagak. Naihatid na sa huling hantungan si Marie noong March 7.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.