Isa sa mga dream tambalan sa local film industry na hindi pa naisasakatuparan hanggang ngayon ay ang Vilma Santos-Judy Ann Santos tandem.
Very vocal si Juday, palayaw ni Judy Ann, na isa ito sa mga pangarap niya bilang nakasama na niya sa pelikula ang tatlong iconic stars ng bansa—Superstar Nora Aunor sa Babae (1997) si Diamond Star Maricel Soriano sa I Will Survive (2004) at Nasaan ang Puso; (1997) at si Megastar Sharon Cuneta sa Magkapatid (2002). Si Star for All Seasons na si Ate Vi sana ang kukumpleto sa dream list niya.
Lingid kay Juday, dream din pala ito ni Ate Vi. Kaya lang ay wala raw magandang script pa na dumadating sa ngayon.
“Pero imagine mo kung meron kaming magandang script? I’m looking forward also,” nakangiting saad ni Ate Vi. “Napanood ko yong sa kanila ni Sharon, e, ’yong Magkapatid? Looking forward ako sa script. Kaya lang sana nandyan na lang kasi maraming script hindi naman…nothing [worth it].”
Paminsan-minsan na nga lang daw siya gagawa ng pelikula, sana daw ay ’yong talagang gustong-gusto na niya.
“At saka ano ’yong with ano…with good partners. ’Yong not necessary love team…
Kamukha ng Anak, kami ni Claud diba? Something new to offer. Parang gano’n. ’Yong kami ni Angel [Locsin] sa Everything… ’yong gano’n,” dagdag pa ni Ate Vi pertaining to Everything About You, ang pinaka-huling film project niya na two years ago pa.
Basta siya raw ay naghihintay lang ng magandang script sa ngayon. Tutal naman ay nasa estado na siya where she can really choose her projects at kayang tumanggi pag talagang hindi niya gusto. Ang mahalaga raw ay mapanatili niya ang kanyang prestige kumbaga kung pag-arte ang pag-uusapan.
“Bakit naman sila Tita Glo [Gloria Romero], tingnan mo yong Sunrise…[Rainbow] Sunset. Gustong-gusto ko ’yon. Maganda, first it’s about LGBT—it’s the thing now. Second it’s the stars are… although nando’n sila Aiko [Melendez], but the stars are ‘yong mga seniors…still you appreciate their acting. ’Yong gano’n ba? Di baleng tumanda ka pero diba… tumatanda ka pero nandyan ’yong prestige mo. ’Yon pala ’yong ibig kong sabihin, you’re growing old pero your prestige is still there.”
Dagdag niya: “At saka magpakatotoo din tayo na hindi naman all the roles babagay na sa edad mo din diba?”
Basta daw siya ay looking forward na makagawa ulit ng pelikulang gusto niya.
“Let’s hope for the best,” say niya.
Pero bago raw niya isipin ang pagbabalik-pelikula sa ngayon, mas pokus muna daw siya sa kampanya.
“Ipagdasal ninyo muna na manalo ako, hahaha!”
Ate Vi is seeking re-election as representative of the lone district of Lipa, Batangas.
YOU MAY ALSO LIKE: