Ashley Ortega, wish nang magka-“Xian Lim” sa tunay na buhay

Tutok daw si Ashley Ortega sa trabaho lalo’t ramdam n’ya na matindi ang pressure sa kanya ngayon sa Hearts on Ice.  Ito kasi ang unang beses na bibida s’ya sa isang teleserye na groundbreaking pa. Ito rin ang first team up nila ni Xian. Maliban pa doon, alam na ng publiko na multi-awarded s’ya sa larangan ng figure skating kaya ibang level ng husay ang inaasahang makikita sa kanya.

PHOTOS: Anna Pingol

Tutok daw si Ashley Ortega sa trabaho lalo’t ramdam n’ya na matindi ang pressure sa kanya ngayon sa Hearts on Ice. Ito kasi ang unang beses na bibida s’ya sa isang teleserye na groundbreaking pa. Ito rin ang first team up nila ni Xian. Maliban pa doon, alam na ng publiko na multi-awarded s’ya sa larangan ng figure skating kaya ibang level ng husay ang inaasahang makikita sa kanya.

Relate na relate ang aktres na si Ashley Ortega sa kanyang role na si Ponggay sa upcoming teleserye n’ya na Hearts on Ice kung saan katambal n’ya si Xian Lim. 

Gaya kasi ni Ponggay, figure skater din in real life ang aktres. Kaya naman sobrang tuwa daw n’ya na gampanan ang nasabing karakter dahil dream role n’ya ito.

Nakuha ko ’yong dream role ko. It was very unexpected. With the help of the whole production it happened,” pahayag ng Kapuso actress sa media conference nila para sa primetime TV series last March 3. 

Hindi daw n’ya inakalang matutupad ang pangarap n’yang umarte at mag-skating sa harap ng kamera. 

“At first akala ko at the back of my head parang medyo imposible mangyari kasi parang, ‘Sino pa ba ang marunong mag-skate? How will the production adjust?’ At first, nu’ng nalaman ko, naiyak din ako,” pag-amin pa n’ya.

“But eventually, it happened and I’m really, really grateful. And now that I’m doing the two things that I love, acting and skating.”

Malapit sa puso ni Ashley ang skating dahil ito na ginagawa n’ya noon bago pa s’ya naging artista. Maraming beses na rin s’yang lumahok sa mga competitions here and abroad. 

“I started skating at the age of three until 12 years old. I was a competitive figure skater that time. I would compete aboard representing our country,” pagbabahagi ng Kapuso actress. 

“So nakapag-compete na rin ako sa Asia. My first country na pinag-compete-an ko was Thailand tapos nag-China ako, tapos Japan, and Malaysia. And the rest po is dito na sa Philippines…locally,” pagbibida n’ya.

Hindi na nga daw n’ya mabilang kung ilang medalya na ang naiuwi n’ya sa Pilipinas mula sa mga sinalihan n’yang patimpalak sa ibang bansa.

Hindi ko na po mabilang, e. Hahaha! Hindi naman po sa nagyayabang pero usually, when we compete abroad kasi, ang sinasalihan namin mga sampung event. Kasi there are different kinds of genres... May artistic, may technical…so maraming klase,” saad n’ya. 

“Everytime we would compete abroad, usually, mga six kinds of performances ang ginagawa namin. Marami na ’yon. So, siguro mga nasa 80 [medals], ganu’n.”

Dahil parehong competitive sila ng character n’yang si Ponggay ay natanong ng press people si Ashley kung ano naman kaya ang pagkakaiba nilang dalawa.

Ang hirap sabihin kung anong difference ni Ponggay at saka ni Ashley kasi parang ako lang din si Ponggay. Very bright, very positive. Tapos ’yong parents din, ’yong mom, si Nanay Libay, strict. Si mommy rin before nu’ng nag-i-skate ako strict din s’ya sa akin,” nakangiting lahad n’ya.

Pero kung may parte kung saan mas nakakalamang si Ponggay sa kanya, ito daw ay dahil wala s’yang “Xian Lim” sa buhay n’ya ngayon. Single kasi at present si Ashley dahil last year lang ay nag-break na sila ng batang mayor ng Lucena City na si Marc Alcala.

Siguro [ang pagkakaiba] ’yong magkaroon ng Xian Lim sa story. Wala akong ganu’n sa totoong buhay, e. ’Yon siguro ang pagkakaiba namin,” natatawang pagbabahagi n’ya.

Sa ngayon ay naka-focus daw s’ya sa trabaho lalo’t ramdam n’ya na matindi ang pressure sa kanya ngayon.

Ito kasi ang unang beses na bibida s’ya sa isang teleserye na groundbreaking pa. Ito rin ang first team up nila ni Xian. 

Maliban pa doon, alam na ng publiko na multi-awarded s’ya sa larangan ng figure skating kaya ibang level ng husay ang inaasahang makikita sa kanya.

Nandu’n din ’yong pressure sa akin kasi ang taas ng expectations ng mga tao. At sinasabi ko rin kay Direk [Dominic Zapata] na kinakabahan ako na airing na,” pagpapakatotoo n’ya. 

Pero he would always tell me na, ‘I got your back. You did a good job.’ So, dasal lang. Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako at hindi pa rin nagsi-sink in lahat sa akin. So I’m just really overwhelmed.”

Bukod pa doon, hindi pa rin daw sila tapos sa taping. 

Ngayon, focus pa rin kami sa taping kasi ongoing pa rin ’yong set. Marami pa po kaming hindi nagagawa. It’s a long way to go,” saad ng aktres.

Hindi pa talaga nagsi-sink in. But I’m really, really grateful that I get to do figure skating and acting at the same time,” pagtatapos ni Ashley.

Aside from her leading man Xian Lim, makakasama rin ni Ashley sa serye sina Amy Austria, Rita Avila, Cheska Iñigo, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Roxie Smith, Kim Perez, Ina Feleo, at marami pang iba.

Magsisimula ang Hearts on Ice this coming March 13 pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja sa GMA Network.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Trending-sa-acting Legal Wives star Ashley Ortega, handa raw gawin ang lahat for stardom

Ashley Ortega on her new leading man Xian Lim: “Super sweet and super humble… Wala ’yong feeling star.”

Ashley Ortega, ipinagpalit ang showbiz sa pagiging competitive figure skater

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.