Ashley Ortega, kumabog ang dibdib sa mga intimate scenes with Khalil Ramos sa kanilang Cinemalaya movie

"When I read the script, medyo kinabahan ako dahil may mga intimate scenes. First time ko lang ito ginawa ever sa aking showbiz career. Pero of course, I wanna grow as an actress and with this role, pinush ko talaga ang limits ko bilang actress, " lahad ni Ashely Ortega tungkol sa kanyang Cinemalaya movie, As If It's True.

Photos: Instagram

"When I read the script, medyo kinabahan ako dahil may mga intimate scenes. First time ko lang ito ginawa ever sa aking showbiz career. Pero of course, I wanna grow as an actress and with this role, pinush ko talaga ang limits ko bilang actress, " lahad ni Ashely Ortega tungkol sa kanyang Cinemalaya movie, As If It's True.

Unang beses na sumabak sa isang Cinemalaya movie entry ni Ashley Ortega at ito ay para sa pelikulang As If It's True. Kaya naman sobrang excited siya sa kanyang experience dahil bilang artista, kasama raw ito sa kanyang bucket list.

"Sobrang excited and at the same time, nape-pressure din ako kasi iba ang expectations ng tao pag dating sa Cinemalaya," saad ng Kapuso actress. "Talagang macha-challenge ka bilang actress. Buti na lang si Khalil [Ramos] ang partner ko who's a very professional actor. So, he made me more comfortable on the set."

Aware din daw siya na mga baguhang artista at direktor na nagsimula sa Cinemalaya bago kinilalang magaling at award-winning artists later on.

“Bukod sa prestige, marami rin kasi sa mga artists natin at director na unang nakilala sa Cinemalaya. Siyempre, gusto ko rin naman ang maranasan ang ganoong klase ng experience,” bulalas niya.

First time din daw niyang magkaroon ng intimate scenes sa tanang karera niya sa showbiz.

"When I read the script, medyo kinabahan ako dahil may mga intimate scenes. First time ko lang ito ginawa ever sa aking showbiz career. Pero of course, I wanna grow as an actress and with this role, pinush ko talaga ang limits ko bilang actress, " paliwanag niya.

Kaya naman nagpapasalamat siya sa pag-alalay sa kanya ng co-star na si Khalil Ramos.

"Sa first shooting day pa lang namin, may intimate scenes na kaming ginawa pero wala akong na-feel na ilang sa kanya. Offcam, we get to work on our relationship. Usap kami at least on the set and on cam at naging comfortable kami sa eksena namin," patuloy niya.

Ayon naman sa leading man niyang si Khalil, kahit may intimate scenes sila ni Ashley,  wala raw namang rason para magselos ang kanyang dyowang si Gabbi Garcia.

"Kami ni Gabbi, we're very lucky that our relationship has a very strong foundation. We both understand the nature of our work. We’re very professional about it and we talk about it," aniya.

Even sa part niya, hindi rin naman daw siya nagselos sa "higupan" kissing scene nina Joshua Garcia at ng nobya niya sa seryeng Unbreak My Heart na sobrang pinag-usapan sa social media.

Pero aniya, wala raw namang ganoong level ng intimate kissing scene sa kanila ni Ashley sa first Cinemalaya movie nila together.

Moreover, he adds: "Iyong film, hindi niya intensyon iyong intimate scenes. Hindi iyon ang highlight ng pelikula. It's about two people figuring out what love in their generation actually is."

Bukod sa kanyang second Cinemalaya movie, naghahanda na rin si Khalil sa kanyang theater debut na Tick, Tick...Boom! ng 9 Works Theatrical.

Wish din niya na muling makasama ang girlfriend sa isang proyekto after the TV series na Love You, Stranger at musical romantic drama film na LSS.

Sa kaso naman ni Ashley, prayoridad daw niya ngayon ang kanyang career at hindi raw naman siya naghahanap ng love life.

Gayunpaman, kung may manliligaw daw naman sa kanya ay hindi siya magsasara ng pinto.

"Ayokong magsalita nang tapos," aniya. "Parang I'm on vacation mode after my serye [Hearts on Ice] , gusto ko munang mag-travel. Pero kung may papasok at may nagustuhan ako, why not? Pero hindi naman iyon ang pokus ko. I'm not looking for one. Hintayin ko na kusang dumating," pagtatapos niya.

Ang As If It's True ay isa sa sampung pelikulang kalahok sa full-length film category sa ika-19 na edisyon ng Cinemalaya na idaraos mula Agosto 4 hanggang 13 sa PICC at Ayala Mall Cinemas.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ashley Ortega, wish nang magka-“Xian Lim” sa tunay na buhay

Ashley Ortega, ipinagpalit ang showbiz sa pagiging competitive figure skater

Ashley Ortega on her new leading man Xian Lim: “Super sweet and super humble… Wala ’yong feeling star.”

Trending-sa-acting Legal Wives star Ashley Ortega, handa raw gawin ang lahat for stardom

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.