Ashley Ortega, ipinagpalit ang showbiz sa pagiging competitive figure skater

Kasabay daw niyang nag-train sa figure skating noon sa SM Mall of Asia ice rink si Michael Martinez. Aniya, kung hindi raw siya tumigil ay malamang na kasama siya ni Michael sa pag-compete sa mga figure skating competitions sa iba’t ibang bansa. “Michael is a longtime friend of mine. Magaling talaga siya at sobrang kina-career niya ang figure skating. He really deserves all the recognition.”

Photos: @ashleyortega

Kasabay daw niyang nag-train sa figure skating noon sa SM Mall of Asia ice rink si Michael Martinez. Aniya, kung hindi raw siya tumigil ay malamang na kasama siya ni Michael sa pag-compete sa mga figure skating competitions sa iba’t ibang bansa. “Michael is a longtime friend of mine. Magaling talaga siya at sobrang kina-career niya ang figure skating. He really deserves all the recognition.”

Kinilig ang Kapuso actress na si Ashley Ortega nang sabihin sa kanya na siya ang susunod na leading lady ni Xian Lim sa upcoming GMA teleserye na Frozen Love.

Huling napanood si Ashley sa teleserye na Widows’ Web.

Tamang-tama lang daw kay Ashley ang role na binigay sa kanya bilang isang figure skater dahil ito ang naging sport niya noong bata pa lang siya. 

"When I found out na magkakaroon ako ng project, halos maiyak-iyak ako noon because aside from getting a huge break from GMA, it's about figure skating which is like a dream role of mine ever since I started showbiz. 

“And I remember before people would always ask me what's your dream role, sinasabi ko figure skating. I never expected in a million years na matutuloy siya," sey ni Ashley na muling bumalik sa figure skating training.

Pinost pa ng 23-year old Kapuso actress ang video clip sa kanyang Instagram ng kanyang training at doon ay makikitang graceful pa rin si Ashley sa ice rink.

“Just another day at the rink,” caption pa niya.

Si Xian naman ay isang ice hockey player ang role sa teleserye. Naging sport din ng aktor ang ice hockey noong nasa Amerika pa siya. 

"It's a whole new playing field. I don't want to let people down. It is kind of like riding a bike in a way, para ring pagsakay ng motor na you really need to spend hours. Walang shortcut. I just want to be the hardest working person in the room," sey ni Xian na huling napanood sa teleserye na False Positive.

Naging close daw agad sina Xian at Ashley noong sabay na silang mag-training sa ice rink. 

"Super sweet and super humble. Even though he's like a star na, Xian Lim na, hindi ko naramdaman sa kaniya 'yung intimidation, he's very friendly. Ako nga 'yung nahihiyang mag-train sa harapan niya," sey ni Ashley na recently lang na-meet in person si Xian sa GMA Thanksgiving Gala.

Bukod kina Xian at Ashley, kasama rin sa telesere ang professional figure skater na si Skye Chua na may hawig sa girlfriend ni Xian na si Kim Chiu!

Samantala, nagsimulang mag-figure skate si Ashley at the age of four. Hobby lang daw ito nung una hanggang sa naging sport na ito ng aktres.

Nakapag-compete si Ashley sa iba't ibang figure skating competitions abroad—like Thailand, Malaysia, China, and Japan—since 2005 dahil naging member siya ng Philippine team.

Mga idolo ni Ashley sa larangan ng figure skating ay sina Sasha Cohen, Yuna Kim, and Michelle Kwan.

Tumigil sa pag-figure skate si Ashley when she turned 11 dahil gusto na niyang pasukin ang showbiz.

Pero noong 2018 ay bumalik sa pag-compete si Ashley sa Skate Philippines Summer Championships at nag-uwi siya ng gold medals sa tatlong categories: Interpretative, Artistic, and Spotlight. May nauwi pa siyang special award na Most Artistic.

Isa raw noon sa dream ni Ashley ang mag-compete sa Winter Olympics tulad nang nagawa na ng kanyang kaibigan, ang multi-awarded Filipino figure skater na si Michael Martinez.

(Michael ang first skater from Southeast Asia and from a tropical na nag-qualify for the Winter Olympics. He has represented the Philippines there twice, una noong 2014 at ikalawa noong 2018.)

Sabay raw nag-train noon sa SM Mall of Asia ice rink sina Ashley at Michael. Kung ’di lang daw sana tumigil ang aktres, malamang ay kasama siya ni Michael sa pag-compete sa figure skating competition sa iba’t ibang bansa.

“Michael is a longtime friend of mine. Magaling talaga siya at sobrang kina-career niya ang figure skating. He really deserves all the recognition.

“Hanggang double axel lang po ang kaya ko. Si Michael, triple axel na ang ginagawa!” sey ni Ashley.

Ayon sa Wikipedia: An axel or axel jump—also called the Axel Paulsen jump after its creator, Norwegian figure skater Axel Paulsen—“is an edge jump in the sport of figure skating. It is figure skating's oldest and most difficult jump. It is the only competition jump that begins with a forward takeoff, which makes it the easiest jump to identify. 

“A double or triple Axel is required in both the short programs and free skating programs for junior and senior single skaters in all International Skating Union (ISU) competitions.”

Furthermore, “a skater must complete 3.5 rotations before landing to successfully complete a triple axel.”

Ang mga female figure skaters who successfully did a triple axel ay sina Midori Ito, Tonya Harding, Mao Asada, Mirai Nagasu, Kamila Valieva and Wakaba Higuchi.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ashley Ortega on her new leading man Xian Lim: “Super sweet and super humble… Wala ’yong feeling star.”

A gender-switch story like no other: Xian Lim and Glaiza De Castro showcase comedy, romance, and reversal of roles in False Positive

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.