Aminado ang magaling at award-winning actor na si Baron Geisler na kahit naka-recover na siya as an alcoholic and a substance addict ay naroon pa rin ang stigma, na madalas pa rin siyang nadya-judge na kesyo ningas-kugon lamang ang kanyang pagbabago o puwedeng mag-relapse pa rin siya sa kanyang dating gawi o masamang bisyo.
“We’re fighting the stigma, e. Bilang recovering alcoholic and addict, di ba?" aniya nang maka-tsikahan namin sa launch nya bilang endorser ng Lemonyo, a drink brand that offers different variants of lemonade.
"Hinding-hindi na po mawawala iyong stigma. Never na siguro mawawala iyan. Siguro, up until na mga four years na makita nila na tuloy-tuloy na sa TV o dapat wala na silang naririnig na bad press o negative," dagdag niya.
Kaya naman, sobra ang naging pasasalamat niya sa may-ari ng Lemonyo na si Pastor Rolando Garcia, Jr. sa tiwalang ibinigay nito sa kanya nang kunin siya bilang first brand ambassador ng kanilang produkto sa kabila ng kanyang naging reputasyon noon bilang “bad boy.”
Anya, kaagapay n'ya si Mr. Garcia at ang Lemonyo to fight the stigma.
“That’s what we are trying to do, to fight the stigma. that’s our goal here. To fight the stigma and give people the benefit of the doubt and second chance in life not necessarily to prove... because it’s ugly if you do what people wants you to do or be seen and you try to please them. When you please that’s already affecting your mental health and we’re not here to do that because we’re just here to serve,” paliwanag ni Baron.
Ayon naman sa CEO ng Lemonyo, tulad nang sinabi ni Baron, layunin nilang magbigay ng tsansa sa mga taong kapanalig nila sa kanilang misyon.
“The message of Lemonyo is huwag tayong maghusga. Lagi tayong magbigay ng chance sa tao to prove themselves kasi lahat ng tao ay naniniwalang may kabutihang itinatago sa loob,” paliwanag ni Mr. Garcia, Jr.
Sa naturang product launch, naibahagi rin ni Baron na he’s embracing a healthy lifestyle ngayon kaya nga nag-viral noon nang ipasilip niya sa social media ang panunumbalik ng kanyang youthful looks at seksing pangangatawan.
Although aminadong may cheat days pa rin siya, may sinusunod na raw siyang diet plan ngayon.
Pagbubunyag pa niya, kahit sober na siya sa alcohol, ayaw daw niyang magpakaipokrito na totally ay hindi na siya titikim ng alak sa social drinking sessions lalo pa’t ang lemonade drinks na ini-endorso niya ay puwede namang ihalo sa gin sa pagchi-chillax.
Nasa control na raw ito ng isang responsible drinker. Drink in moderation, ika nga.
Pero sa kaso niya, matagal na raw siyang hindi tumitikim ng alak.
“Medyo matagal-tagal na. But I don’t know. But our goal down is here is not about kung kailan huling uminom ng alak o ano, if you just base on what I’m doing right now. It’s much better na...if you guys, could see the changes in the things I do.
"I believe na sini-CI [credit investigation] muna ako ng mga bossing natin bago ako kinuha,” esplika niya. “I want also to add...itong pagkakataon na ibinigay sa akin ng Lemonyo this January nitong taong ito is such a blessing. I have been wanting to build a home for my family in Cebu. Ito ay ilalaan ko talaga para makapagpatayo ng maliit lang na bahay para lang na aking pamilya at maraming salamat sa Lemonyo at dahil doon, nag-usap nga kami ni Pastor. Ilalagay ko po ang Lemonyo fund o anumang kikitain ko, specifically po sa itatayo namin ni Jamie (his wife) para sa aming pamilya. Dream come true po ito. Answered prayer ni God,” pahabol niya.
Hirit pa niya, babu na rin daw siya sa paghuhubad sa Vivamax movies lalo pa’t may mga anak na siyang lumalaki.
“Nasa kontrata po na bawal na po akong maghubad. So I would honor my contract. But I have a movie with Cristine Reyes. We might be shooting in February at ang director namin ay si Marla Ancheta na kami pong dalawa ang lead. May love scene, pero hindi po ito Vivamax, Viva Prime po ito. May love scene pero ano lang siya, tender. Pagkatapos noon tapos na. So, medyo may pagka-wholesome pa rin and walang skin,” pagtatapos niya.
Sa nabanggit na press conference, dumalo rin ang Chief Marketing Officer ng Lemonyo na si Karen Gayle Oblea para saksihan ang contract signing ng aktor bilang product endorser.
Ang Lemonyo na pinakabagong player sa pagbibigay ng healthy lemonade drink with different added flavors ay may humigit kumulang na 63 franchise outlets/ branches na magmula nang magbukas ito dalawang buwan palang ang nakararaan.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika's Pick: Baron Geisler, ecstatic over praises from Aga Muhlach; prays they could work together
Baron Geisler, itinuturing na “breakthrough” at “second wind” niya ang Doll House
Baron Geisler, pangarap gumanap bilang si Juan Luna
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber