Arthur Nery, inaming kinikilig 'pag nagva-viral ang kanta; wala sa isip ang fame as a musician

Inamin ni Arthur Nery, who is set to have his second major solo concert at the Smart Araneta Coliseum this October 25, na nakakaramdam siya ng kilig kapag nalalaman niyang nagva-viral ang kanyang mga kanta.

PHOTO: Seth Rabang

Inamin ni Arthur Nery, who is set to have his second major solo concert at the Smart Araneta Coliseum this October 25, na nakakaramdam siya ng kilig kapag nalalaman niyang nagva-viral ang kanyang mga kanta.

Ilan sa mga most-streamed songs ni Arthur Nery sa music streaming platforms ay ang "Pagsamo," "Isa Lang," at "Binhi" at inaamin ng singer-songwriter na kinikilig daw siya noong nalaman niyang nag-viral ang mga ito. 

Pero para sa kanya, hindi na niya inaangkin ang mga kanta niya 'pag narelease ang mga ito dahil nagiging pagmamay-ari na daw ito ng kanyang mga supporters at listeners. 

"Kinikilig po talaga ako 'pag nagva-viral pero gaya nga ng sinasabi ng ibang artists, once na-release mo na 'yong kanta mo, hindi na 'yan sa'yo, it's for the people," say ni Arthur sa press conference ng kanyang upcoming concert na ginanap sa Botejyu Estancia sa Pasig nitong Biyernes, September 27. 

"Natutuwa po ako pero it's about them na, [whether] they relate to it or not," dagdag niya. 

Nang tanungin naman si Arthur kung may mamamataan siyang next viral song sa kanyang bagong album na "II: The Second," which was released last September 28, biro niya na sana lahat para daw kiligin daw siya araw-araw. 

"To be honest, paborito ko po lahat ng nilagay ko [sa bagong album]. Kaya po kami nagfilter down, pinili lang po namin 'yong mga gusto ko ilabas na feeling ko gusto ko talaga," sabi niya. 

Nang tanungin naman siya kung paano niya hinahandle ang kasikatan as a musical artist, inamin ni Arthur na hindi niya masyadong alam at hindi naman niya ito masyadong iniisip sa kanyang daily life. 

"Siguro po 'yong popularity, nafe-feel ko naman po siya pero hindi ko naman siya pinapasok sa sarili ko na 'I'm this, I'm that' kasi hindi rin naman po ako lumalabas, mailap din po ako, more on music lang talaga ako. Paggising ko, kain, mag-do-DOTA ako, tapos gawa ulit ng kanta," sabi niya. 

"'Yon lang po 'yong life cycle ko. Kumbaga, outside of that, importante 'yong outside ng music pero hindi po 'yon 'yong focus ko, more of internal po 'yong focus ko,' dagdag niya. 

Arthur will stage his second solo concert at the Smart Araneta Coliseum this coming October 25. Get your tickets now at https://ticketnet.com.ph/event-detail/ARTHUR-NERY.

YOU MAY ALSO LIKE:

These Arthur Nery songs will put you in a roller coaster ride of emotions

Arthur Nery’s “Binhi” crosses 100 million mark

Entertainment press, nabigong mapiga ang music heartthrob na si Arthur Nery tungkol sa kanyang love life dahil “nasiraan ng mic”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.