Arron Villaflor, mayaman na raw sana kung hindi dumedma sa mga indecent proposals noon

Aware daw si Arron Villaflor na he’s not getting any younger kaya sinasamantala umano n’ya ang pagtatrabaho bilang paghahanda na rin sakaling magpasya na s’yang bumuo ng sarili n’yang pamilya in the near future. “I decided to work on as many projects as I can. Hindi na rin ako bumabata. I’m already so in two years I’ll be 35, in seven years I’ll be 40,” saad n’ya.

PHOTO: @arronvillaflor05 on Instagram

Aware daw si Arron Villaflor na he’s not getting any younger kaya sinasamantala umano n’ya ang pagtatrabaho bilang paghahanda na rin sakaling magpasya na s’yang bumuo ng sarili n’yang pamilya in the near future. “I decided to work on as many projects as I can. Hindi na rin ako bumabata. I’m already so in two years I’ll be 35, in seven years I’ll be 40,” saad n’ya.

Hindi raw binibigyang-pansin ng aktor na si Arron Villaflor ang mga natatanggap n’yang indecent proposals.

Sinabi n’ya ’yan sa virtual interview n’ya with the veteran showbiz writer and insider na si Cristy Fermin at ka-tandem nitong si Romel Chika sa radio and online show nilang Cristy Ferminute ngayong araw, August 24.

Kabilang kasi si Arron sa upcoming four-part anthology ng Vivamax na Secret Campus kung saan gaganap s’ya bilang isang professor na nakakatanggap ng indecent proposal mula sa estudyanteng obsessed sa kanya. 

Dahil dito ay natanong ni Manay Cristy si Arron kung nakaka-receive din ba s’ya ng indecent proposals in real life at kung ano ang nagiging sagot n’ya sa mga ito.

Marami na po, ’Nay. Marami na po. Marami na po,” natatawang pag-amin ni Arron. 

Hindi nga raw n’ya alam ang gagawin nu’ng unang beses s’yang nakatanggap ng ganitong uri ng alok.

Ako, I’m not against with some other people or whatever. That’s their life. Ako, ’yong first time kong ma-experience ’yon, ‘Nay, hindi ko alam ang gagawin ko,” natatawang pag-amin n’ya.

Parang sabi ko sa sarili ko na, ‘Paano ko kakausapin ’yong tao na hindi ko s’ya mao-offend, without saying no or without rejecting this person? How am I gonna talk to this person na he or she will not get offended? Parang ganu’n,” pagpapatuloy n’ya.

Sa huli, mas pinili na lang daw n’yang pakitunguhan nang maayos ang mga taong nagpaparamdam na may pagnanasa sa kanya.

Wala, ’Nay. Naging nice na lang ako sa kanila. Hahaha! Naging nice na lang ako. Hahaha!” sabi pa ni Arron.

Wala naman daw s’yang in-accept sa mga offer dahil kung oo raw ay mayaman na sana s’ya ngayon at nakapagbalato pa umano s’ya kina Manay Cristy at Romel.

Alam mo, ’Nay, kung may lakas-loob lang ako, siguro mayaman na tayong tatlo ngayon,” pabirong sabi n’ya na ikinatawa nilang tatlo.

Samantala, napag-usapan din sa show ang estado ng puso n’ya sa ngayon. 

Nasabi kasi nitong si Arron sa kanyang past interview n’ya na ipapahinga raw muna n’ya ang kanyang puso.

Kaya naman ang tanong ni Manay Cristy sa kanya: “Nagpapahinga pa ba o gumagana na?

Nakapahinga pa rin po, ’Nay,” he answered, meaning, single pa rin s’ya at this moment.

Mas matimbang daw kasi sa kanya ngayon ang magtrabaho kesa bigyang atensyon ang kanyang love life.

Mas pinili ko ngayon ang oras ko sa trabaho compare du’n sa relasyon na meron ako. I think, ’Nay, it’s about time na we have to set aside those things na we think na we can still handle pero kailangan ng pahinga,” pagtatapat ni Arron.

Ayon pa sa kanya, paghahanda na rin daw n’ya ito para sa future family n’ya once na mag-decide s’yang mag-settle down na.

“I decided to work on as many projects as I can. Hindi na rin ako bumabata. I’m already so in two years I’ll be 35, in seven years I’ll be 40,” pagpapakatotoo ng Viva actor.

“So for me, I have to step up a bit. Siguro, preparation [na rin ito] to have a family someday,” pagtatapos n’ya.

Bibida si Arron sa Secret Campus kung saan makakasama n’ya sina Azi Acosta, Angela Morena, Ataska, Angelica Hart, Armina Alegre, Clifford Pusing, Aerol Carmelo, at Victor Relosa

Mapapanood ang four-part anthology na Secret Campus simula August 27 on Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Arron Villaflor, game na mabansagang “Hari ng Vivamax”: “Why not? Oo, bakit naman hindi?”

Arron Villaflor, napaliwanagan na ang girlfriend bago sumalang sa mga Vivamax projects niya

Pika's Pick: Arron Villaflor goes the extra mile in helping a stranger who needed blood donation. Bravo!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.