Arron Villaflor, game na mabansagang “Hari ng Vivamax”: “Why not? Oo, bakit naman hindi?”

Kahit nasa gitna raw ng kissing scenes si Arron Villaflor, mas nangingibabaw daw sa kanya ang gampanan ang kanyang karakter kesa isipin kung paano n’ya hahalikan ang kanyang kaeksena. “You just stay with your character or stay with the thought scene. Eventually, things will follow through,” lahad n’ya.

PHOTO: @arronvillaflor05 on Instagram

Kahit nasa gitna raw ng kissing scenes si Arron Villaflor, mas nangingibabaw daw sa kanya ang gampanan ang kanyang karakter kesa isipin kung paano n’ya hahalikan ang kanyang kaeksena. “You just stay with your character or stay with the thought scene. Eventually, things will follow through,” lahad n’ya.

Tatanggapin daw ng sexy-drama actor na si Arron Villaflor kung sakaling mabansagan s’ya bilang “Hari ng Vivamax.”

Iyan ang naging sagot n’ya sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph recently.

Mula kasi nu’ng maging Viva artists s’ya noong 2022 ay sunod-sunod na ang mga proyektong ginawa n’ya para sa Vivamax

Kabilang na riyan ang mga sexy digital series na Huwag Mong Agawin Ang Akin (2022), Secrets of a Nympho (2022), at Sssshhh! (2023).

Ngayong taon naman, napabilang din s’ya sa sexy thriller movie na Nightbird, at naging leading man sa mga pelikulang La Querida, Star Dancer, at ang newly released film na Hilom.

Dahil dito ay natanong namin ang former ABS-CBN talent kung game ba s’yang matawag “hari” ng online video streaming site ng Viva.

“Why not? Oo, bakit naman hindi? Hahaha!” natatawang sagot ni Arron.

Wala daw itong kaso sa kanya lalo na’t alam umano n’ya na ibinibigay n’ya ang kanyang makakaya sa mga projects na ipinagkakatiwala sa kanya. 

Alam mo naman ako, I always do my work like a hundred twenty percent. I always give my extra-extra effort para mapaganda ’yong mga project na gusto nating mapakita sa mga tao,” lahad ng aktor.

Natawa rin s’ya nang maitanong namin kung pareho ba ang paraan n’ya ng paghalik sa kanyang mga kissing scenes at sa personal na buhay. 

“Well, I don’t know. Siguro, some of those kissing scenes I would say na I also do it naturally… Siguro…siguro ’yong iba,” nakangiting sagot n’ya.

Hindi naman daw kasi s’ya masyadong iniisip ito dahil mas naka-focus umano s’ya sa ginagampanan n’yang karakter kahit nasa gitna s’ya ng kissing scene. 

Nakaka-suprise din, e, kasi when you’re in the scene, when you’re in the moment parang minsan hindi mo na iniisip kung anong halik ang gagawin mo,” paliwanag n’ya.

“You just stay with your character or stay with the thought scene. Eventually, things will follow through,” he added.

Ginagawa lang daw n’ya kung ano ang ibinigay na instruction sa kanila ng direktor at, s’yempre, ang kapakanan ng kanyang ka-eksena.

S’yempre, ayaw mo naman maging cause of delay,” punto pa n’ya.

Samantala, masaya raw ngayon si Arron sa mga naibibigay na roles at projects ng Viva sa kanya. 

Naging proud nga daw s’ya sa kanyang sarili matapos nilang gawin ang pelikula nilang Hilom kung saan katambal n’ya sexy-drama actress na si Christine Bermas.

“I guess, on what I’m receiving lately, sobrang masayang masaya ako. And then second, right after doing this Hilom movie under Direk GB [Sampedro], I’m very proud of myself and I would say na this is something different to offer naman sa lahat ng mga viewers natin,” saad n’ya.

Gaganap kasi sa pelikula si Arron bilang ang go-getter na si Sam na dadaan sa pain and depression nang iwanan s’ya ng kanyang girlfriend of ten years na gusto na sana n’yang pakasalan. 

At para makalimutan n’ya ang masakit na nakaraan, dadalhin s’ya ng kanyang mga kaibigan sa isang beach resort kung saan makikilala n’ya ang free-spirited and carefree woman na si Sammy, ang karakter ni Christine. 

Masasagot sa pelikula kung si Sammy na ba ang makakatulong kay Sam para makalimutan nito ang pait mula sa isang painful breakup o kung isa rin lang s’yang babae na dadaan lang sa buhay nito.

Kung mapapansin n’yo, rom-com [ito] but deep inside of the story it’s very dramatic… Very unpredictable ’yong story kung papanoorin n’yo,” paglalarawan pa n’ya.

Available na for streaming ang new movie nina Arron at Christine na Hilom sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

PANOORIN ang kabuuang interview ng pikapika.ph with Arron Villaflor dito: 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Arron Villaflor, napaliwanagan na ang girlfriend bago sumalang sa mga Vivamax projects niya

Pika's Pick: Arron Villaflor goes the extra mile in helping a stranger who needed blood donation. Bravo!

On-the-Set LOOK: Hilom, not a typical boy-meets-girl movie

Christine Bermas, “nagpapa-init” sa harap ng salamin nang nude bago sumabak sa kanyang sexy scenes

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.