Ariella Arida, naniniwalang makapag-uuwi ng korona si Herlene Budol sa pagsabak sa Binibining Pilipinas

Payo ni Miss Universe Philippines 2013 Ara Arida sa kaibigang si Herlene “Hipon Girl” Budol na ngayon ay isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas: “’Wag ka mai-intimidate. ’Wag ka ring papadala…don’t let people label you as such kasi ayon ’yong magpapa-down ng confidence mo, e. Kasi nangyari din naman sa akin ’yon. Naniwala ako sa sinasabi sa akin ng mga tao. Towards the end, sarili mo ’yong paniwalaan mo. “And mag-practice ka nang mag-practice nang mag-practice dahil doon ka huhugot ng lakas ng loob at confidence.”

PHOTOS: @araarida & @herlene_budol on Instagram

Payo ni Miss Universe Philippines 2013 Ara Arida sa kaibigang si Herlene “Hipon Girl” Budol na ngayon ay isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas: “’Wag ka mai-intimidate. ’Wag ka ring papadala…don’t let people label you as such kasi ayon ’yong magpapa-down ng confidence mo, e. Kasi nangyari din naman sa akin ’yon. Naniwala ako sa sinasabi sa akin ng mga tao. Towards the end, sarili mo ’yong paniwalaan mo. “And mag-practice ka nang mag-practice nang mag-practice dahil doon ka huhugot ng lakas ng loob at confidence.”

Proud ate daw ngayon ang beauty queen-turned-actress na si Ariella Arida sa dati n’yang co-host sa Wowowin na si Herlene “Hipon Girl” Budol dahil isa na itong official candidate ng Binibining Pilipinas ngayong taon. 

Nang maka-tsikahan nga n’ya ang entertainment press recently sa media conference ng movie nila nina Tony Labrusca at Ivan Padilla na Breath Again, sinabi n’ya na inakala n’yang nagbibiro lang ito nang magtanong ito sa kanya tungkol sa beauty pageant noong kapwa pa sila nasa Wowowin.

“Actually, si Herlene is very close to my heart bilang nakasama ko [s’ya] sa Wowowin. I’m really, really, really proud of her,” panimulang pahayag ni Ariella. 

“Actually, parang very random lang nagsabi s’ya sa akin…basta nagkita kami sa studio. Sabi n’ya, ‘Ate, sasali ako ng Binibini. P’wede ba ako?’ Sabi ko, ‘Oo naman, ’no? Basta magtanong ka sa akin kapag may question ka,’” papapatuloy n’ya.

Hindi daw n’ya inakalang desidido pala itong sumali at nagulat na lang s’ya na isa na nga ito sa mga kandidata ng patimpalak this year. 

“Since si Herlene mahilig mag-joke, ’di ba? Sabi n’ya nga, ‘Ate, magba-vlog ako.’ Ganyan, ganyan… ‘Ate, mag-gaganito ako...’ So, totoo pala. Nakita ko na lang s’ya [na candidate na]. Hindi naman s’ya nag-text. Nakita ko na lang… ‘Ay, iba.’ In fairness, sobrang nag-bloom s’ya. At masasabi natin ang ganda nang [in-improve] ni mommy, ’di ba?’” pa-beking dagdag tsika niya.

Thus, hindi siya naniniwalang Hipon Girl si Herlene.

Susko, ngayon pa ba?” proud na say niya sa kaibigan. “Kita mo naman...but in way, nakatulong sa kanya ’yon na tinawag siyang gano’n.”

Naniniwala si Ara na kering-keri na ni Herlene ang mag-project. However,  nabangit daw nito sa kanya noon na problemado daw ang dalaga sa question and answer portion kung sakali.

Sabi n’ya nga, ‘Kaso ang problema ko Q & A.’ Sabi ko, ‘Alam mo okey lang ’yan. Be yourself. Basta may tanong ka nandito lang naman ako,’” pagpi-presinta pa ng Miss Universe Philippines 2013.

Kaya naman kung may maipapayo daw s’ya sa False Positive co-star, iyon daw ay huwag magpadala sa mga negatibong sinasabi ng ibang tao. 

“’Wag ka mai-intimidate. ’Wag ka ring papadala…don’t let people label you as such kasi ayon ’yong magpapa-down ng confidence mo, e. Kasi nangyari din naman sa akin ’yon. Naniwala ako sa sinasabi sa akin ng mga tao. Towards the end, sarili mo ’yong paniwalaan mo,” aniya. 

Dagdag pa n’ya: “And mag-practice ka nang mag-practice nang mag-practice dahil doon ka huhugot ng lakas ng loob at confidence.”

Sa tingin kaya n’ya ay may pag-asa si Herlene na manalo ng korona?

Oo,” mabilis na sagot ni Ariella. “Sabi ko nga, ‘Girl, kung ako sa’yo…gusto kong mag-Grand International ka. Tutal naman, ang peg doon talagang ikaw na ikaw. Feeling ko ilalaban mo ’tong Pilipinas. At saka maloloka sa’yo si Angkol [Nawat Itsaragrisil]. Itodo na natin.”

(Si Nawat Itsaragrisil ang Thai founder at president ng Thailand-based Miss Grand International Organization.)

“Actually, gusto ko ng [Miss] Grand pero kung gusto n’ya ng [Miss] International, why not? Push din naman tayo. But any title will do kasi, girl, title ’yan. Tapos Binibini pa ’yan. Korona pa rin ’yan,” pagtatapos ni Ariella.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Herlene “Hipon Girl” Budol officially registers for the Binibining Pilipinas; hopes she passes the screening

Herlene “Hipon Girl” Budol, nagte-training na para maging beauty queen; hindi raw magpapa-retoke ng kahit ano

Maine Mendoza meets Hipon Girl Herlene Budol; says "sobrang kwela siya talaga, nakakaaliw!"

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.