Archie Alemania, naniniwalang magkaka-ayos sila ni Gab Valenciano despite his “game over” tweet

Nilinaw ni Archie Alemania na ang ginagawa n’yang panggagaya kay Gab Valenciano ay upang mag-entertainment lang at hindi mang-insulto ng iba.  “Kung ano man ang ginawa ko, bale sa akin bilang komedyante lang naman, hindi para mang-inis o mang-asar,” aniya. “Ako ang gusto kong pagtawanan ng tao. Ayoko ’yong iba ang pagtawanan ng tao dahil sa akin. Ang gusto ko ako ’yong pagtatawanan sa ginawa ko, hindi sa ginawa ko pagtatawanan ang ibang tao. ’Yon ang sa akin.”

PHOTOS: @archiealemania & @gabvalenciano on Instagram

Nilinaw ni Archie Alemania na ang ginagawa n’yang panggagaya kay Gab Valenciano ay upang mag-entertainment lang at hindi mang-insulto ng iba.  “Kung ano man ang ginawa ko, bale sa akin bilang komedyante lang naman, hindi para mang-inis o mang-asar,” aniya. “Ako ang gusto kong pagtawanan ng tao. Ayoko ’yong iba ang pagtawanan ng tao dahil sa akin. Ang gusto ko ako ’yong pagtatawanan sa ginawa ko, hindi sa ginawa ko pagtatawanan ang ibang tao. ’Yon ang sa akin.”

Ayaw nang palakihin ng komedyanteng si Archie Alemania ang naging tweet patungkol sa kanya ng celebrity dancer na si Gab Valenciano.

Nagsimula ito sa isang UniTeam campaign rally na kung saan isa si Archie sa mga naging performers. Doon ay ginaya n’ya, in a manner na halatang nagpapatawa, ang sayaw at pagkanta ni Gab na ginagawa nito sa mga campaign rallies naman nina Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Senator Kiko Pangilinan, who happens to be his uncle.

Nakarating kay Gab ang ginawang pagpapatawa ng Kapuso comedian. Ini-retweet nito ang video ng performance ni Archie at nilakipan pa ng photo nila ng kanyang amang si Gary Valenciano na kuha sa isang performance nila sa rally ng Leni-Kiko tandem. Ang caption niya doon ay: “Game over, Archie”

Komento pa ng ilang netizens, tila mina-mock daw kasi ng komedyante ang dance moves ni Gab. 

Kaya naman sa virtual media conference para sa relaunch ng longest-running gag show na Bubble Gang, kung saan isa siya sa mga regular cast members, ay natanong ng entertainment press si Archie kung okay ba sila ni Gab ngayong tapos na ang eleksyon. 

Sagot n’ya, wala naman daw s’yang kinikimkim na sama ng loob sa anak ni Gary Valenciano na matagal na daw n’yang kaibigan. 

“Unang-una, wala naman kaming samaan ng loob. Dati pa magkaibigan naman kami n’yan. 

Wala naman akong masamang tinapay kahit kanino man,” pahayag ng Bubble Gang comedian.

Nilinaw din n’ya na ang ginagawa n’yang panggagaya at pagpapatawa ay upang mag-entertainment lang at hindi mang-insulto ng iba. 

“Kung ano man ang ginawa ko, bale sa akin bilang komedyante lang naman, hindi para mang-inis o mang-asar,” aniya.

“Ako ang gusto kong pagtawanan ng tao. Ayoko ’yong iba ang pagtawanan ng tao dahil sa akin. Ang gusto ko ako ’yong pagtatawanan sa ginawa ko, hindi sa ginawa ko pagtatawanan ang ibang tao. ’Yon ang sa akin,” paliwanag pa n’ya.

Pag-uulit pa n’ya, kaibigan pa rin umano ang turing n’ya kay Gab at wala s’yang sama ng loob dito o sa pamilya nito. 

“Wala naman akong masamang tinapay kina Gab, kina Tita Angeli [Pangilinan]… I still consider Gab as my friend,” ani Archie. 

“Sa mga pagpapatawa ko hindi para pagtawanan ang ibang tao. It’s for people to laugh at me, not the other way around,” pagdidiin pa n’ya.

Hindi pa daw sila nakakapag-usap sa ngayon pero umaasa daw s’ya na mangyayari din ’yon soon lalo pa’t maliit lang naman umano ang showbiz industry. 

“Hindi pa, hindi pa. Siguro pahinga muna sa eleksyon…kakatapos lang. Siguro magko-cross kami ng path ni Gab. Hindi kami nagte-text-an, nagtatawagan pero we’re gonna cross path,” saad n’ya.

“Ang liit-liit lang ng mundo ng showbiz, magkakausap at magkakausap kami. Maka-klaro din ’yan. Wala ’yan…maliit na bagay,” pagtatapos n’ya. 

Samantala, isa si Archie sa masusuwerteng naiwan sa cast ng Bubble Gang ngayong na-reformat ang show. 

Abangan daw mga bago nilang cast members at segments sa Bubble Gang simula ngayong May 27 sa GMA Network.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.