Aquino sisters on PNoy’s demise: “Mission accomplished ka, Noy. We love you and we’re blessed to have had the privilege to have you as our brother.”

“Mission accomplished ka Noy. Be happy now with Dad and Mom. We love you and we’re blessed to have had the privilege to have you as our brother.”—Aquino sisters

Photo: Screengrab from @krisaquino

“Mission accomplished ka Noy. Be happy now with Dad and Mom. We love you and we’re blessed to have had the privilege to have you as our brother.”—Aquino sisters

Makalipas ang halos walong oras simula nang pumanaw ang ika-15th Presidente ng bansang Pilipinas na si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III umaga ng Huwebes, June 24, 2021, magkakasama ang naulilang apat na kapatid na babae ang humarap sa media at nagbigay ng official statement sa pagpanaw ng nag-iisang kapatid nilang lalaki.

Ang pangalawa sa limang magkakapatid na si Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada ang nagsibling tagapagsalita ng pamilya sa media at siyang nagbasa ng kanilang official statement habang nakapalibot sa kanya sina, Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, Victoria Elisa “Viel” Aquino-Dee at ang bunsong si Kristina Bernadette “Kris” Aquino.

Sa labas ng Capitol Medical Center sa Quezon City humarap sa media ang magkakapatid. Ipinaliwanag ni Pinky na dahil sa COVID-19 protocol, kailangan pang hintayin umano na lumabas ang resulta ng swab test ng dating Pangulo bago mai-release ang mga labi nito. 

Pero ayon sa binasang statement, renal failure secondary to diabetes ang naging sanhi ng pagpanaw ng dating pangulo sa edad na 61.

Nagpasalamat din sila sa lahat ng mga kaibigan, mga doctors at nurses at mga kasama lalo ni PNoy sa Times Street, kunsaan ito nakatira na hindi raw ito iniwan sa panahon na may sakit ito at kahit pa may pandemic.

Masasabing unang post ni Kris tungkol sa pagpanaw ng kanyang Kuya Noy ang video’ng kuha sa paglalahad nila ng family statement. May kalakip itong maikling caption na: “We love you Noy” Kasunod ang dilaw na heart emoji.

Narito ang official statement ng Aquino family:

 “Kagaya ng serbisyo na binigay niya sa bayan, hindi maingay. Trabahong galing sa puso dahil alam niyang kayo ang boss niya. Kaya nga nakilala siya bilang si PNoy dahil ayaw niyang maramdaman na dapat siyang bigyan ng kakaibang pansin.

 “Hangarin niya na hindi mapahiya sa inyo. Dahil sa paghikayat na mahirap man, tama na sundin ang daang matuwid. Nagawa niya ang lahat ng ’yon.

 “Masakit po para sa amin na tahimik niyang tinanggap ang mga batikos. Natatak sa aming mga magkakapatid na noong sinabihan namin siyang magsalita at labanan ang mga maling haka-haka, simple lang ang sagot niya sa amin, ‘Kaya pa niyang matulog sa gabi.’

“Hinarap niya ang lahat ng imbestigasyon at akusasyon. Sandigan Bayan, November 2017. Senado noong December 2017 at Kongreso noong Pebrero 2018.

“Because when you enter public service, you serve with honesty and dignity and you know you have committed no crimes against the people, hindi ka matatakot magsabi ng totoo.

“Pribado po siyang tao.  

“Bago pa man ang pandemic, labas-pasok na po siya sa hospital.  Nais naming magpasalamat sa lahat ng mga doctors at medical team na nag-alaga sa kapatid namin.  Naramdaman namin bilang mga kapatid niya na they did everything to make him comfortable. They became compassionate friends who gave him true respect by valuing and protecting his privacy.

“Sa lahat ng mga totoong kaibigan niya na walang palya siyang dinadalaw, tine-text, pinapadalhan ng pagkain, sinasamahan at pinoprotektahan siya, salamat po.

“Sa mga Padre at Madre na malapit sa pamilya namin at walang-sawang ipinagdasal ang kanyang paggaling, salamat din po.

“Sa tropa niya, kay Ivy at siguro, ang numero uno sa listahan, si Yolly na 30 years siyang inalagaan, lahat ng kasama niya sa Times Street mula noong pandemic, bihirang nag-o-off dahil alam nilang delikado para sa kanya, salamat.

“Sa mga botante ng 2nd District ng Tarlac noong 1998, kayo ang unang bumoto sa kanya. Sa inyo siya nagsimula, three terms ang nabuo niya.

“Sa 14.3 million Filipinos noong 2007 and voted for him to become Senator and sa 15.2 million Filipinos na nagtiwala sa kanya noong 2010 at binigay ang pinakamalaking karangalan na pwedeng ibigay at ipagkaloob sa kahit na sinong Filipino, habang-buhay naming tatanawin na utang na loob ’yung naibigay n’yo sa aming kapatid. 

“Maraming-maraming salamat po.

“It is with profound grief that on behalf of our family, I am confirming that our brother, Benigno “Noynoy” S Aquino III died peacefully in his sleep. His death certificate pronounced his death at 6:30 A.M. due to renal disease, secondary to diabetes.

“No words can express how broken our hearts are and how long it will take for us to accept the reality that he is gone. 

“Mission accomplished ka Noy. Be happy now with Dad and Mom. We love you and we’re blessed to have had the privilege to have you as our brother. 

“We will miss you forever, Noy.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Former president Noynoy Aquino dies at 61

VP Leni Robredo, ex-president Joseph Estrada, at iba pang personalidad, ikinalungkot ang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.