April Boy Regino, paboritong hula ng mga judges ng Masked Singer Pilipinas

Photos: screengrab from Masked Singer Pilipinas YouTube Channel

Photos: screengrab from Masked Singer Pilipinas YouTube Channel

Si Joey Generoso ng Side A ang pinaka-huling masked singer ang na-unmask sa kinahihiligang “hulaan” show ng mga Pinoy ngayon na Masked Singer Pilipinas.

Wala ni isa sa mga judges na sina Aga Muhlach, Kim Molina, Cristine Reyes at Matteo Guidicelli ang nakahula na si “Forervermore” singer pala ang nasa likod ng Agila maskara (at costume).

Nakakaloka lang na among the hula ay nabanggit ni Cristine Reyes si Luis Manzano na bagama’t magaling na host ay slightly pinagkaitan ng singing talent kaya malabong mapasama sa mga masked performers na pawang mga concert artists.

May humula ng Mitoy Yonting at Gabby Concepcion (na in fairness ay nakaka-kanta naman).

Dalawang lady performers na rin ang laglag sa competition, sina Bee-Nie Bee-Nie—na si soul siren Nina pala na identified sa kantang “Someday” —at si Marie Posa na si Bituin Escalante pala, the voice behind “Kung Ako Nalang Sana.”

Nakakatawa lang na noong sina Aspin (Renz Verano) at Syokoy (Meds Marfil) ang nakasalang at hinuhulaan ay kapwa may nagbato ng pangalan ni April Boy Regino.

Noong naka-maskara pa si Renz Verano (singer ng “Remember Me” ay si April Boy ang hula ni Cristine Reyes dito base daw sa galaw nito. Pero si Kim Molina ang naka-hula ng tama dahil kilala umano niya ang kilos nito—kahit pa iniba ang boses—dahil naging tatay niya ito sa Rak of Aegis noon.

Si Matteo Guidicelli ang sumunod na nagbanggit ng pangalan ni April Boy, this time ay noong si Meds Marfil ng True Faith naman ang naka-salang as Syokoy. Natawa tuloy ang host na Billy Crawford dahil bumalik na naman daw kay April Boy ang hula.

Hadji Alejandro at Rannie Raymundo naman ang hula ni Kim kay Meds; habang si Jerald Napoles naman ang hinirit ni Cristine na pinalagan  ni Kim.

So far, nakadalawang tama hula na si Kim—una kay Renz at pangalawa kay Bituin Escalante. 

Sino kaya kina 2-2-B, Adarna, Diwata, Pusaway, Tikboy, Sea-reyna, at Valentino ang susunod na ma-a-unmask? 

May magbabanggit na naman kaya kay April Boy? Isa nga kaya si April boy sa mga male contestants?

Makihula every Saturdays at 6:30 sa TV5.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Para kay John Lloyd Cruz, worth it ang indefinite leave niya sa showbiz; “Wala na yatang mas liligaya pa kung meron kang maliit na anak na two years old...My little savior.”

Taylor Swift now holds the record for most American Music Awards career wins by a single artist

Apat ng top-caliber directors, magkakabugan sa pananakot sa “Kagat ng Dilim

Winwyn Marquez tops Marine reservist training; JM De Guzman is officially a sergeant of Philippine Air Force Reserve

Matteo Guidicelli on having a baby with wife Sarah Geronimo: “I-pray n’yo nang mabuti. Sana next week.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.