Apoy sa Langit star Lianne Valentin, willing na ring magpaka-daring sa pelikula basta walang pasilip ng harapan

Sa 2018 Cinemalaya film na ML (Martial Law) ay nagawang magpakita ni Lianne Valentin ng legs at back sa isang torture scene, so if ever bibigyan ulit siya ng mapangahas na eksena ay kakayanin niya raw yon basta kailangan talaga sa istorya. “Pero ’yung tipong all-out [nudity], hindi ko po kaya,” napapailing na sambit ng dalaga.

Photos: Instagram

Sa 2018 Cinemalaya film na ML (Martial Law) ay nagawang magpakita ni Lianne Valentin ng legs at back sa isang torture scene, so if ever bibigyan ulit siya ng mapangahas na eksena ay kakayanin niya raw yon basta kailangan talaga sa istorya. “Pero ’yung tipong all-out [nudity], hindi ko po kaya,” napapailing na sambit ng dalaga.

Kapanabayan niya noon sa GMA children’s show na Tropang Potchi si Bianca Umali, nu’ng pareho pa silang mga paslit. She was 9 years old then.    

Now at 21, isa nang seductress at scheming mistress ang ginagampanan ng Kapuso star na si Lianne Valentin, in her breakout role as Stella sa hit GMA afternoon drama na Apoy Sa Langit.

Si Lianne bilang Stella ay querida ni Zoren Legaspi (bilang Cesar) at kontrabida sa asawa nitong si Maricel Laxa (Gemma) at anak na si Mikee Quintos (Ning).  

Aware si Lianne na maraming nanggigigil at naiinis kay Stella. Natutuwa rin siya na Stella na ang tawag sa kanya ng mga tao dahil ibig sabihin ay epektib siya sa kanyang role.    

“Ito po ’yung pinakamalaking project for me. Nabigyan ako ng opportunity ng network na bigyan ng ganitong project, so very, very happy talaga,” masayang bulalas ni Lianne nang makatsika namin siya sa isang small group face-to-face interview na ipinatawag ng manager niyang si Direk Manny Valera.    

Bago ang Apoy Sa Langit ay Pepito Manaloto ang huling ginawa ng dalaga, na wholesome at comedy kaya maraming na-shock nu’ng lumabas na siya sa steamy afternoon soap na dinidirehe ng multi-awarded actress-director na si Laurice Guillen.

“Nagulat sila nu’ng pinalabas ang teaser trailer na unang-unang ipinakita ’yung mga steamy scenes namin ni Kuya Zoren. Gulat na gulat talaga sila, hindi nila ine-expect,” napapangiting pakli ng dalagang 5’8” ang height.    

First mature role ito ni Lianne. First time din niyang makipag-love scene at kissing scene, so ang daming firsts for her.    

Kuya Zo ang tawag niya kay Zoren, na in fairness sa aktor ay fit at hot pa rin ang dating sa edad nitong 50-anyos.    

Kamusta namang ka-love scene si Zoren?  

“Ay naku, very professional po si Kuya Zoren sa mga eksena namin,” mabilis na sagot ni Lianne. “Ano talaga, tulungan. Saka nakikisama siya sa amin, ha? Nakiki-youngsters din siya. It’s his way of like working din para maging komportable ako, komportable si Mikee, si Ate Maricel, ganyan…

“And pag dating du’n sa mga steamy scenes namin or ’yung mga sensitive scenes namin ni Kuya Zo, pinag-uusapan namin talaga, eh.

“’Yung limitations, ’yung boundaries, hanggang saan ka puwedeng hawakan, ganyan. So, pinag-uusapan po namin ’yun. And sa mga eksena naming ganu’n, talagang tinatanong niya ako, ‘Are you okay? Do you feel safe?’ Ganyan.

“And sabi ko sa kanya, ‘Yes, Kuya! I feel safe. So, okay sa akin, hanggang dito mo ako hawakan.’ Ganyan. ’Yun ’yung masaya ako. Kasi, tinutulungan niya rin ako sa mga eksena para mapaganda lalo ’yung mga eksenang ganu’n.”

Ano ba ’yung pinaka-steamy na love scene nila so far ni Zoren na ano… 

“Na ano? Nag-apoy ang langit? Ha! Ha! Ha! Oh my gosh!” natatawang hirit ng masiglang katsika na si Lianne.

“Hindi, siguro ’yung pinakamahirap na ginawa namin na scene na ganu’n is ’yung first time niya uling bumigay after a year. Nu’ng nagpakilala ako as anak niya. Tapos, sine-seduce-seduce ko siya.

“Tapos, nu’ng time na bumigay na siya, ’yun ’yung scene. ’Yun ’yon. Kasi, syinut namin ’yun nang s’yempre dapat, maraming choices pag dating sa editing. Medyo matagal namin siyang syinut. 

“And nandu’n ’yung parang… from amuy-amoy, from touch-touch ng skin to kiss to for example na parang assumed na… alam mo na ’yun. Ganyan.

“’Yun ’yung mahirap, kasi medyo matagal. Saka ’yun pa ’yung very first na sensitive scene na kinunan namin ni Kuya Zoren. So, nandu’n talaga ’yung dapat todo-bigay ka talaga. Kasi, sabi ko, itong eksenang ’to, hindi ’to madali. So, kailangan ng cooperation naming dalawa. Pero nagawa naman namin!”

Todo-bigay ang sabi niya, ha? So, nag-init ba silang dalawa sa eksenang ’yon? O baka naman nanlamig?

Tumatawang sagot ni Lianne, “Ako, nanlamig ako! Kasi, kinabahan ako, eh! Ha! Ha! Ha!”

Hindi siya nag-apoy?

Hindi! Ako, nanlamig ako. Kasi, sabi ko, kinakabahan ako dahil ito nga ’yung very, very… first time ko, di ba?

“First love scene ko rin. First mature role, first love scene, first kissing scene, first time makatrabaho si Kuya Zoren. Lahat, first. So, nanginig ako!”

Okey kay Lianne na malinya sa mga daring character roles, pero ayaw niya raw ma-typecast bilang kontrabida. Ang gusto niya ay may tatak at mabibigyan niya ng kakaibang flavor ang bawat role na gagampanan niya.     

Handa ba siyang i-level up ang kanyang pagka-daring pagdating sa pelikula? Aware si Lianne na may limitasyon lang ang puwedeng ipakita sa TV, pero sa big screen ay mas may kalayaan lalo na sa panahon ngayon ng streaming platforms.

“Kung bibigyan pa po ako ng project na sexy and mature again and daring, tatanggapin ko po. Siguro may mga ano lang. Hanggang saan ang kayang ipakita?”

Hanggang saan nga ba ang keri niyang ipakita?

“I can show some skin. I can show some back. I can show some legs. Pero ’yung medyo dito na po sa harapan, medyo…”

Walang pakita ng boobs, ganern?

“Wala! Ha! Ha! Ha! Hindi pa kaya! ’Yun nga, sabi ko, parang I can go a little too far, pero not very, very far. ’Yun ’yung sabi ko

Ano pa natin, dagdagan pa natin nang konti. Kung nakikita n’yo ’yung love scenes namin ni Kuya Zo, kaya pang i-ano ’yon…”    

Sa 2018 Cinemalaya film na ML (Martial Law) ay nagawang magpakita ni Lianne ng legs at back sa isang torture scene, so if ever bibigyan ulit siya ng mapangahas na eksena ay kakayanin niya raw yon basta kailangan talaga sa istorya.    

“Pero ’yung tipong all-out [nudity], hindi ko po kaya,” napapailing na sambit ng dalaga.    

Tatanggapin daw niya ang mga mapaghamong projects dahil nabigyan siya ng confidence ng Apoy Sa Langit pagdating sa sarili niya. Dati raw kasi ay nahihiya-hiya pa siya, pero dahil sa nasabing serye ay lumakas ang loob niya at mas nagkaroon siya ng self-esteem.    

That’s why she wants to give the credit to Direk Laurice, na personal na pumili sa kanya for the role dahil ito raw talaga ’yung acting break na matagal na niyang hinihintay.    

Matangkad, sexy, maganda at malakas ang dating lalo na sa personal ng DMV and Sparkle artist na si Lianne. Kamusta naman ang lovelife niya? May boyfriend ba siya?    

“Nako, focused ako masyado sa career ko ngayon. Kasi, sabi ko nga, hindi ko hahayaan na mag-slip lang ’tong break na ’to or itong opportunity na ’to sa hands ko.    

“I’m happy with my life right now, where I am right now, pero pagdating sa mga ganyan, medyo ano muna tayo… pero happy ako!” naka-smile pang sey ni Lianne, na wala raw showbiz crushes pero gustong makatrabaho sina Dennis Trillo, Mikael Daez, Miguel Tanfelix at Kelvin Miranda among the Kapuso actors.

Samantala, extended pa raw sila sa Apoy Sa Langit for a few more weeks, sabi ni Lianne. Napapanood ito tuwing 2:30 PM pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.