Hindi lahat nang nangarap maging artista o singer ay nakatakda para dito. Pero sa case ni Anne Curtis, walang dudang destined talaga niyang makamit ang pangarap na maging artista at later on ay platinum recording artist at crowd-drawing concert artist pa.
Ang Instagram video post ni Anne na ito—na may more that 1M views na at press time—ay proof na bata palang siyan at lumalaki sa Yarrawonga in Victoria, Australia, ay talagang bibang-biba na siya at pangarap na niyang mag-perform noon pa man.
Ginamit ni Anne ang old video na ito, na fortunately ay masinop niyang nai-preserve, in promoting her August 18 concert on Instagram. Makikita sa video ang kiddie version ni Anne performing on-cam na feel na feel, ika nga. Sa caption ay sinabi niya:
“BATA PA LANG, BET NA BET NA KUMANTA! Grew up wanting to be Sandy from GREASE. Hands up if you can relate! I’m sure you all were like this at one point in your lives. Who would’ve thought this little girl would be having her own concert one day?? Be sure to catch my concert #ANNEkulit Promise! Last na to! On AUGUST 18!!! It’s going to be loads of fun! I promise you this. Tska last na to! Gaaaaaame na!!! You can still get your tickets at ticketnet and @shopee_ph
“P.S I wonder if my future little girl will be just as KULIT and crazy!”
Ang Grease ay ang 1978 hit American rom-com musical na pinagbidahan nina John Travolta at Olivia Newton-John, ang gimanap na Sandy na siyang ginagaya ni Anne sa video.
At dahil click ang video post sa mga followers ni Anne, sinundan pa ito niya ito ng isa pang video post kung saan makikita pa rin ang batang Anne habang kumakanta ng iba pang excerpts sa pelikulang Grease.
Ang Anne Kulit, Promise Last Na ’To concert ni Anne is her third major concert at ito ay gaganapin sa Araneta Coliseum this Saturday, August 18.