Annabelle Rama, umaming naubos ang ipon noon para “gayumahin” si Eddie Gutierrez

Nagdetalye si Tita Annabelle kung ano-ano ang mga ni-require at kung magkano ang charge sa kanya para sa pagpapahula at gayuma. “Biruin mo, alas kuwatro ng umaga he has to be there in our house. Bumili daw ako ng manok, bumili daw ako ng mga gulay para ialay. Ang aga-aga, hindi p’wede ma-late kasi masisira ang ating hula. Sa awa ng D’yos, nasira. Kasi nga hindi totoo. Ang mahal pa maningil, 20,000 [pesos], ’Day!” salaysay n’ya na muling ikinatawa nilang lahat.

PHOTOS: ABS-CBN Entertainment & @annabelleramaig on Instagram

Nagdetalye si Tita Annabelle kung ano-ano ang mga ni-require at kung magkano ang charge sa kanya para sa pagpapahula at gayuma. “Biruin mo, alas kuwatro ng umaga he has to be there in our house. Bumili daw ako ng manok, bumili daw ako ng mga gulay para ialay. Ang aga-aga, hindi p’wede ma-late kasi masisira ang ating hula. Sa awa ng D’yos, nasira. Kasi nga hindi totoo. Ang mahal pa maningil, 20,000 [pesos], ’Day!” salaysay n’ya na muling ikinatawa nilang lahat.

May nakakatawang kuwento ang dating aktres at talent manager na si Annabelle Rama na may kinalaman sa asawang si Eddie Gutierrez. 

Aniya, nauubos daw ang ipon n’ya noon dahil nagagastos n’ya iyon para gayumahin ang greatest love niyang si Edong. 

Naganap ang throwback tsika niya sa July 1 episode ng noontime program na It’s Showtime. Naungkat kasi sa segment na Showtime Sexy Babe ang tungkol sa gayuma at pagpapahula. 

Dito napa-reak ang matriarch ng mga Gutierrez at nagbabala na huwag maniwala sa mga ito. 

’Wag kayong maniwala sa gayuma. Fake ’yan,” diretsahang pahayag n’ya sa show kung saan nagsisilbi s’ya bilang isa sa mga hurado. 

Noon daw kasi, nauubos ang savings n’ya para lang gayumahin si Eddie pero wala naman daw epekto sa aktor. 

D’yan naubos ang ipon ko. Lahat na, buong probinsya inikot ko na. Kung ano-anong klaseng gayuma, pag ginagamit ko sa asawa ko… Hindi ko pa s’ya asawa noon, e,” pag-amin ng Cebuana actress na ikinatawa ng mga hosts ng show. 

Patay na patay ako sa kanya hindi ko talaga mahuli. Kada punta [niya] sa bahay ko ginagamit ko ’yong gayuma. Walang nangyari, wala.”

Naikasal naman daw sila ng aktor after so many years nang wala s’yang ginagamit na gayuma. Kaya naman hindi na s’ya naniniwala dito. 

“After ten years saka s’ya na-in love sa akin na walang gayuma na ginagamit. Kaya wag kayong maniniwala d’yan. Maraming mga manlolokong manghuhula…sobra,” lahad pa n’ya.

Nadamay pa sa usapan ang panganay n’yang si Ruffa Gutierrez na nagmana daw sa kanya sa pagkahilig sa pagpapahula. 

Si Ruffa adik sa manghuhula. Maya’t maya ang manghuhula nandyan sa bahay n’ya,” pambibisto pa ni Annabelle sa show. 

Sabi ko, ‘Ruffa, walang mangyayari sa manghuhula na ’yan. Ku-kuwartahan ka lang. Ang mahal-mahal pa maningil ’yan. Magdasal ka na lang kasi if you pray every day, every night, lahat ng suwerte ibibigay sa iyo ng Panginoon,’” pagre-recall n’ya sa ibinigay n’yang payo sa anak. 

Kaya sa lahat ng nakikinig ngayon, ’wag kayo maniwala sa mga manghuhula saka gayuma. ’Wag kayo magagalit mga manghuhula kasi nadala na din ako,” dagdag pa n’ya.

Nagdetalye pa n’ya sa kung ano-ano ang mga ni-require at kung magkano ang charge sa kanya. 

Biruin mo, alas kuwatro ng umaga he has to be there in our house. Bumili daw ako ng manok, bumili daw ako ng mga gulay para ialay. Ang aga-aga, hindi p’wede ma-late kasi masisira ang ating hula. Sa awa ng D’yos, nasira. Kasi nga hindi totoo. Ang mahal pa maningil, 20,000 [pesos], ’Day!” salaysay n’ya na muling ikinatawa nilang lahat. 

Tanong naman ng co-host ng show na si Vhong Navarro, ano daw ang dapat gawin para mapaibig ang isang lalaki na hindi gumagamit ng gayuma. 

“Prayers lang talaga at ipakita mo na mahal mo s’ya sa pagsisilbi, pagluluto. Kasi ang lalaki, pag magaling ka magluto lalo kang mamahalin,” sagot n’ya. 

Hirit pa sa kanya ni Jhong Hilario: “Alam po ni Tito Eddie na ginayuma mo s’ya?

Sagot ni Tita Annabelle: “Inamin ko sa kanya. After ten years, 15 years, nag-offer sa akin ng marriage. ‘Ay, salamat.’ Hindi dahil sa gayuma kundi dahil sa pagdadasal ko at pagsisilbi ko sa kanya, pagmamahal.

Ano pong sinabi ni Tito Eddie nu’ng sinabi n’yong ginayuma n’yo s’ya?” muling tanong ni Vhong. 

“‘Anong pinakain mo sa akin?’ Sabi ko, ‘Wag ka na magtanong. Wala namang nangyari, e.’ Hahahaha!” natatawa pa ring pagtatapos ni Annabelle.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Annabelle Rama blasts Gretchen Barretto for lambasting Ruffa Gutierrez's positive comment about Julia Barretto

Say ni Annabelle Rama kay Gretchen Barretto: “Kung hindi siya tumahimik mas mahaba pa sasabihin ko.”

HIGHLIGHTS: Annabelle Rama's 67th Birthday Bash

Pika's Pick: Ruffa Gutierrez says she’s missing mom Annabelle and dad Eddie Gutierrez “during these uncertain times.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.