Anjay Anson, na-bully dahil sa kanyang looks noon, nape-pressure naman kapag tinatawag na heartthrob ngayon

Para kay Anjay Anson, mas malakas pa rin daw na maka-pogi points sa isang lalaki ang pagiging totoo at hindi mapagpanggap. “Para sa akin, as long as I’ll be true to everyone, parang ’yon naman po ’yong mas nakaka-pogi, ’di ba?” he said.

PHOTOS: @_anjayanson on Instagram

Para kay Anjay Anson, mas malakas pa rin daw na maka-pogi points sa isang lalaki ang pagiging totoo at hindi mapagpanggap. “Para sa akin, as long as I’ll be true to everyone, parang ’yon naman po ’yong mas nakaka-pogi, ’di ba?” he said.

Naranasan daw ma-bully ng Kapuso actor-TV host na si Anjay Anson dahil sa kanyang hitsura noong nag-aaral pa s’ya.

Naikuwento n’ya ito sa entertainment press last September 25 sa virtual media conference ng kanilang upcoming TV show na Sparkle U.

May tema kasi ng anti-bullying sa school ang unang kuwento ng kinabibilangan n’yang drama anthology series kaya natanong silang mga cast members kung naranasan ba nila na ma-bully noon.

Dito nagkuwento si Anjay at sinabing pinagkakatuwaan umano ng schoolmates n’ya noon ang pagiging Filipino-Indian n’ya.

“Since Indian po kasi ako, pag papasok ako sa school lagi akong may maririnig,” natatawang pagre-recall ng newbie actor.

Madalas daw s’yang tinutukso na Bumbay na nagpapautang ng 5-6 o iyong mga Indian mataas kung magpatong ng interes sa kanilang money lending business.

Nasasaktan daw noon si Anjay kapag inaasar s’ya ng mga kaklase n’ya pero sa katagalan naman daw ay nakasanayan na n’ya ito.

Nu’ng una, medyo naapektuhan pa po ako. Pero nu’ng tumagal naman po parang naging immune ka na,” lahad n’ya.

Saad pa ng Unang Hirit co-host, naging mga kaibigan daw n’ya eventually ’yong mga madalas na nanunukso sa kanya noon at hanggang ngayon daw ay close pa rin sila.  

Saka ’yong mga nang-aasar din sa akin po nu’n, sila rin ’yong mga kasama ko ngayon, mga kaibigan ko rin po sila ngayon. Hahaha! Doon po nabuo ’yong friendship namin,” natatawang sabi n’ya.

Nabiro tuloy s’ya media conference na baka nagbabakasakali lang na makakautang ang mga iyon sa kanya.

’Yon nga po, e. Wala silang nakuha sa akin. Hahaha!” sakay naman ni Anjay.

Kung noon ay na-bully s’ya sa kanyang looks, nape-pressure naman daw ngayon ang binatang aktor kapag tinatawag s’yang heartthrob.

Ipinakilala kasi s’ya sa virtual media conference bilang “heartthrob” at nahingi ang saloobin n’ya tungkol doon.

Medyo pressured po [ako] sa name na [kinakabit] nila sa akin na heartthrob,” pag-amin n’ya.

Pero dahil nag-aartista na s’ya, nagiging motivation daw n’ya iyon para i-maintain at pagandahin pa ang kanyang physique.

May mga mini-maintain lang din po ako na every week gusto ko lagi pumunta sa gym. Nagbubuhat na po ako,” pagbabahagi ni Anjay.

“In a way, isa rin s’ya sa mga pandagdag confidence ko po sa sarili. And one thing din na ginagawa ko is I just be true to everyone,” he added.

Mas malakas daw kasi na maka-pogi points sa isang lalaki ang pagiging totoo at hindi mapagpanggap

Para sa akin, as long as I’ll be true to everyone, parang ’yon naman po ’yong mas nakaka-pogi, ’di ba?” pagtatapos n’ya.

Mapapanood si Anjay sa Sparkle U, kasama sina Shayne Sava, Abdul Raman, Roxie Smith, Michael Sager, Zephanie, and more, simula October 1 sa GMA Network.


 

YOU MAY ALSO LIKE:

Anjay Anson, umaming “crush na crush” si Arra San Agustin pero aminadong “torpe” siya para ligawan ito

SPARKADA boys Anjay Anson, Jeff Moses, at Larkin Castor, inspired kay Alden Richards

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.