Angelu de Leon, sure nang tatakbong konsehal ni Mayor Vico Sotto ng Pasig

#AngelwithU ang pa-hastag ni Angelu de Leon at ang slogan naman niya ay TGIS—“Tapat. Gawa. Ina. Serbisyo.”

Photos: Angelu de Leon Facebook

#AngelwithU ang pa-hastag ni Angelu de Leon at ang slogan naman niya ay TGIS—“Tapat. Gawa. Ina. Serbisyo.”

Ilang pangalan na rin ng mga artista ang naglilitawan as among those who wanted to run for government positions sa darating na May 2022 elections.

Karamihan sa mga ito ay dati nang tumakbo sa iba’t-ibang posisyon. May mga natalo, may mga pansamantalang tumigil at ngayon ay nagbabalik.  

Pero marami ring artista na tila gustong sumubok sa unang pagkakataon. At isa nga rito ang Di Na Muli actress na si Angelu de Leon.

Nakikita na namin sa Facebook page na Angelu de leon District 2 Pasig City na sa gitna ng pandemic at sa kabila ng matataas pa rin na bilang ng COVID-19 positive, sunod-sunod pa rin ang mga ginagawang pagbibigay-tulong ni Angelu sa mga kababayan niya sa District 2 ng Pasig City.

Sa palitan namin ng private messages, tinanong namin si Angelu kung sigurado na nga bang papasukin na niya ang mundong ito.

At positibo na ang sagot niya na tatakbo nga siya bilang isang Konsehal sa District 2 ng Pasig City sa ilalim ng Partido ni Mayor Vico Sotto.

Base sa mga larawan niya sa kanyang Facebook page, walang duda na kulay blue ang dala nitong political color at ang hashtag niya ay  #AngelwithU. Kapansin-pansin din ang pag-gamit niya sa pamagat ng youth-oriented show niya sa GMA-7 noong dekada 90’s na T.G.I.S., kung saan siya mas nakilala noong araw.

This time nga lang, ang ibig sabihin na ng T.G.I.S. for Angelu ay tila magiging panuntunan niya as a public servant kung sakali, which is: “Tapat. Gawa. Ina. Serbisyo.”

Ang tinanong lang muna namin kay Angelu ay kung bakit siya nagdesisyon na pasukin ang mundo ng pulitika.

“I decided to run because of Mayor Vico’s good governance,” lahad ni Angelu sa amin. “Gusto kong sumagwan sa umaagos niyang pag-asa para sa Pasig.”

Ang maganda rin sa actress, bago niya pinasok at dinesisyunang tumakbo bilang Konsehal ng Pasig, nakilala na siya bilang isang taong isinasabuhay ang pagiging Kristiyano. Matagal na dasalan at panghihingi umano ng wisdom sa Itaas ang inabot bago siya nag-desisyon.

“Super seek talaga [ng guidance] and praying na ito talaga ang will niya for me,” lahad niya.

Si Angelu ay 42 years old na ngayon, pero 12 years old pa lang ay nagsimula na siyang mag-artista sa ‘Ang TV’ ng ABS-CBN. 

Isa siya sa mga celebrities na masasabing may pinaka-open book na buhay sa mga tagasubaybay niya.

She is married to her businessman husband Wowie Rivera for 11 years now.  They have a son between them, si Rafa. Ang mas nakatatanda niyang daughters, sina Nicole and Louise, ay mga anak niya sa mga nauna niyang karelasyon.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.