Angeline Quinto, ipinakilala na sa publiko si Nonrev Daquina, ang ama ng kanyang anak; Nonrev, umaming tatay na tatlong anak na babae bago nakilala si Angeline

Positibo si Angeline Quinto na sa tamang panahon, makikilala rin niya ang mga naunang anak ni Nonrev kasama ni Baby Sylvio nila.“Kapag kaya nang ipaliwanag ni Nonrev sa mga bata, kasi siyempre, ‘di ba, may mga moment na hindi pa nila naiintindihan kasi, mga bata pa sila,” saad ni Angeline. “Kapag okay na ang lahat, kapag pwede na, I’m sure, makikilala ko rin naman ang mga anak ni Nonrev. Wala pong problema sa akin ‘yon. Mas gusto ko pa silang makilala bilang mga anak ni Nonrev at kapatid ni Sylvio.” Dugtong pa ni Angeline, “Kasi ang ganda-ganda ng gano’n. Ang ayos-ayos ng lahat at tanggap ng bawat isa. So, I’m sure, magiging maayos naman ‘yan.”

PHOTOS: @loveangelinequinto / Love Angeline Quinto YouTube Channel

Positibo si Angeline Quinto na sa tamang panahon, makikilala rin niya ang mga naunang anak ni Nonrev kasama ni Baby Sylvio nila.“Kapag kaya nang ipaliwanag ni Nonrev sa mga bata, kasi siyempre, ‘di ba, may mga moment na hindi pa nila naiintindihan kasi, mga bata pa sila,” saad ni Angeline. “Kapag okay na ang lahat, kapag pwede na, I’m sure, makikilala ko rin naman ang mga anak ni Nonrev. Wala pong problema sa akin ‘yon. Mas gusto ko pa silang makilala bilang mga anak ni Nonrev at kapatid ni Sylvio.” Dugtong pa ni Angeline, “Kasi ang ganda-ganda ng gano’n. Ang ayos-ayos ng lahat at tanggap ng bawat isa. So, I’m sure, magiging maayos naman ‘yan.”

Sa unang pagkakataon, ipinakilala na talaga ng singer na si Angeline Quinto ang ama ng kanyang baby, ang non-showbiz boyfriend/partner niya na si Nonrev Daquina.

Halatang mahiyain si Nonrev at aminado naman si Angeline na pinilit lang daw niya ito talagang humarap sa camera sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog.

Kasabay nga ng face reveal rin ng kanilang baby na si Aziel Sylvio Quinto Daquina or Baby Slyvio, ay ang pagpapakilala niya sa publiko sa kanyang karelasyon.

Marami raw kasing mga katanungan ang mga netizens na nababasa rin ni Angeline. Mga tanong tungkol sa totoong pagkatao nga ng ama ng kanyang anak.

Ayon kay Angeline, “Maraming mga tanong na gusto kong marinig n’yo rin ang sagot ni Nonrev. Kasi, halos lahat din ng mga questions na itatanong natin sa kanya, e, halos nabasa ko rin sa mga comments.

“S’yempre, para mabigyan din natin ng kasagutan ang mga tanong na ‘yan, gusto ko na sa kanya rin manggaling at gusto kong ma-witness n’yo rin lahat ‘yan.

“Kasi, may mga tanong talaga na nakakatawang mga questions. Minsan, pinag-uusapan namin, paano kaya kung sagutin mo ng lahat ‘yun para matahimik na sila.”

At natatawang pag-amin ni Angeline, “Sa totoo lang, si Nonrev, ayaw po niya ng mga ganito. Sa totoo lang, pinilit ko lang talaga siyang gawin ‘to alang-alang sa vlog ko.”

Sa Tipsy Pig restaurant daw unang nagkakilala sina Angeline at Nonrev. Ito ay pagkatapos na unang makita ni Angeline si Nonrev sa isang video chat ng mga common friends nila.

Tinanong nga ni Angeline sa kanyang partner ang mga tanong ng netizens na masasabing alam na niya ang sagot.

Isa na rito ang isyu raw na batang-ama umano ito.

“Oo,” ang walang pagde-deny na sagot naman ni Nonrev.

At saka niya dinetalye ang bahagi ng kanyang nakaraan bago pa niya makilala si Angeline.

Ayon dito: “Noong 15 ako sa first partner ko, bale nagkaroon kami ng dalawang anak na babae. Tapos, hindi nag-work ang relationship namin.  

“Nagkaroon ulit ako ng partner na pangalawa. Nagkaroon ulit kami ng isang anak na babae. And then, hindi rin nag-work ‘yung sa amin.

“Tapos, si Angge na ’yung nakilala ko. Bale si Sylvio, pang-apat ko siyang anak.”

Nagpahayag si Angeline na excited siyang makita at makilala ang tatlong anak na babae ni Nonrev.

“S’yempre, very soon naman ‘yun,” saad ni Nonrev kung kailan.  “Pero siyempre, gusto ko na kapag nakilala mo sila, makikilala rin ni Sylvio ang mga ate niya.”

 At positibo nga si Angeline sa senaryong makikita ng anak nila ang mga ate nito.

Sabi pa ni Angeline, “Parang ang saya no’n, ‘di ba? Kung hindi man mangyari ngayon, I’m sure mangyayari rin in the future. Pero siyempre, gusto ko na kapag nakilala ni Sylvio ang mga ate niya, ‘yung malaki na rin si Sylvio.

“’Di ba, parang ang ganda lang ng gano’n.”

May mga nagtatanong din daw kay Angeline kung nakahanda ba ito na makilala rin ang tatlong anak na babae ni Nonrev.

“Ako naman, anytime po akong talaga. Gustong-gusto ko. Sinasabi ko ‘yan sa kanya minsan kapag nag-uusap kami.

“‘Sana Babes, dumating ‘yung time na kapag kaya ng ipaliwanag ni Nonrev sa mga bata, kasi siyempre, ‘di ba, may mga moment na hindi pa nila naiintindihan kasi, mga bata pa sila.

“Kapag okay na ang lahat, kapag pwede na, I’m sure, makikilala ko rin naman ang mga anak ni Nonrev. Wala pong problema sa akin ‘yon. Mas gusto ko pa silang makilala bilang mga anak ni Nonrev at kapatid ni Sylvio.”

Dugtong pa ni Angeline, “Kasi ang ganda-ganda ng gano’n. Ang ayos-ayos ng lahat at tanggap ng bawat isa.  So, I’m sure, magiging maayos naman ‘yan.”

Natatawa naman daw si Angeline sa tanong ng ilang netizens na ibinato rin niya kay Nonrev. Na kaya raw siya dyinowa ay para perahan lang.

Natawa rin si Nonrev sa tanong.

“Ako talaga ang pineperahan ni Angge, joke lang,” biro ni Nonrev.

At si Angeline na ang nagtuloy at sinabi na, “Sa totoo lang, hindi niyo lang alam, hindi ako pineperahan ni Nonrev, ako pa ang namemera sa kanya. Totoo ‘to, kasi wala akong GCash. Wala ho akong GCash sa cellphone ko.

“Every time na magkukulang ang pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap. Tapos, magugulat ako, nakalista lahat,” natawang sabi niya.

“Babayaran ko naman talaga lahat ‘yon kasi, hinihiram ko sa kanya. Yung GCash niya, ubos na rin.  Eh, lalo na itong buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang daming moment na madaling-araw, wala akong cash, GCash niya ubos na. Kaya from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad.

“So, para lang malinaw sa inyo ha, hindi ako pineperahan nito, ako pa ang namemera sa kanya. Bigayan naman kaming dalawa. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko naman, ibinibigay ko naman.

“Wala naman pong mga moment na namemera siya, wala naman. At kung sakaling gawin niya sa akin ‘yon, bahala na siya,” natawang sabi ni Angeline.

Hind naman naging malinaw kung ano nga ang trabaho ni Nonrev. Pero nabanggit ni Angeline na bilib daw siya rito kahit tanghaling tapat, magde-deliver ito ng pabango.

Diretso ring tinanong ni Angeline si Nonrev kung playboy ba ito o malanding lalaki?

Inamin naman ni Nonrev na “dati” raw.  Pero hindi naman daw ito nagtu-two-timing o may pinagsabay.

“Feeling ko lang,” ang nakangiting sagot nito nang tanungin kung bakit niya nasabing playboy siya.

Tinanong din ni Angeline kung ano ang plano ng partner niya sa kanilang binubuong pamilya.

Seryoso naman itong sinagot ni Nonrev na, “Ako kasi, hindi ko naranasan ‘yung buong pamilya. Bata pa lang ako, naghiwalay na ang parents ko.

“So, sana, tayong dalawa, hopefully maging buo tayo hanggang huli. Hanggang lumaki si Sylvio. Makilala mga kapatid niya.”

Dugtong pa niya, “Totoo… ilang beses na rin akong nag-try na bumuo ng pamilya, pero hindi nag-work.”

Sa parte naman ni Angeline, sinabi niya na, “Since si Nonrev matagal niyang hindi naranasan na buong family. Kasi, parang bata pa lang siya, palaging umaalis si Mommy niya, tapos naghiwalay, ‘di ba?

“Ako kasi, ever since, alam niyo naman na hindi ko naranasan ang magkaroon ng buong pamilya. Kaya nga happy ako no’ng time na ginagawa namin ang family picture, ang sarap pala ng pakiramdam na gano’n.

“Kasi, simula pagkabata ko, never ko naranasan ang magkaroon ng buong family. Mula sa school namin, kapag may mahahalagang celebration, lagi kami ni Mama Bob ang may picture. Pero siyempre, sobrang thankful naman ako kasi may Mama Bob. Si Mama Bob ang nagbigay ng lahat sa akin. Naging buo rin ako because of Mama Bob.”

At sabi pa niya, “Ngayong nandito na ako sa journey ng buhay ko na magkakaroon na ako ng sariling pamilya ko, gusto ko na mapagtulungan namin ni Nonrev lahat.

“Alam ko naman na hindi magiging madali ang lahat. Pero kung pareho kaming magtutulungan, pareho naman naming tatrabahuhin lahat ‘yan, alam kong makakaya namin ‘yan.

“Siyempre, para kay Sylvio at para rin sa mga anak ni Nonrev. Im sure naman na magiging maayos lahat ‘to kapag magkasama kami palagi.”

Sa ngayon, masayang-masaya raw si Angeline ngayong nandiyan si Nonrev at ang anak nila dahil nagkaroon daw siya ng bagong purpose sa buhay matapos pumanaw ang Mama Bob niya.

Sa huli, nangako naman si Nonrev na aalagaan niya ang mag-ina.

“Huwag kayong mag-alala kasi, aalagaan ko kayo hanggang sa pagtanda ko.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angeline Quinto gives birth to Baby Sylvio

Angeline Quinto, inamin kay Boy Abunda na may mga anak na sa iba ang tatay ng kanyang isisilang

Angeline Quinto, limang buwan nang ipinagbubuntis ang kanyang baby boy

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.