Angelica Panganiban at Kim Chiu, ibinida ang dancing skills ng birthday celebrant BFF nilang si Bela Padilla

PHOTOS: @chinitaprincess on Instagram

PHOTOS: @chinitaprincess on Instagram

Pinagkaisahan ng mga aktres na sina Angelica Panganiban at Kim Chiu ang BBF nilang si Bela Padilla by posting her dance videos on their respective Instagram accounts. 

Ito ang naging laman ng greetings nila for Bela who celebrated her 30th birthday yesterday, May 3. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Si Angelica ang unang nag-post ng series of photos nila ni Bela with Kim sa IG at kasama nga doon ang video kung saan makikitang sumasayaw ang birthday celebrant. 

“This is the day na dapat malaman ng mundo na isa kang dancer hindi ka lang mahusay na aktres, matalinong tao, hanep na kaibigan, mapagmahal na anak. All in one package ka,” pahayag ni Angelica sa kanyang IG post. “Never stop learning momsie bels. Mahal kita  HAPPY BIRTHDAY.”

Tila natawa naman si Bela sa ipinost ni Angelica base sa sinabi n’ya sa comment section na, “Momsyyyy hahahahha dancerists!!!!!”

SCREENSHOT: @iamangelicap on Instagram

Hindi naman nagpakabog si Kim at sinabi sa comment section na meron din daw s’yang dance video ng kaibigang aktres. 

“Ma wait meron pakong entry niyan!!!!! [‘Y]ung sabi niya ayaw niya!!!” pagbibida ng tinaguriang Chinita Princess.

SCREENSHOT: @iamangelicap on Instagram

At gaya ni Angelica, ipinost nga ni Kim ang dance video nila with Bela along with the photos nilang tatlo na kinunan sa kanilang mga naging travel at mga simpleng kulitan. 

“Before the day ends I want to greet my momsy @bela a HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!!” panimula ni Kim sa mahaba n’yang post. “[Y]ou deserve all the love in the world dahil sobrang genuine mo na tao! 

“I am super happy that I’ve met you in this lifetime and call you my friend! Pag magkasama tayo nakaka 1M plus tawa tayo daig pa natin nag work out or sit ups!!! literal yan walang palya!!!”

Looking forward din daw ang Cebuana actress sa kanilang future ganaps and happy s’ya ngayon sa love life ni Bela. 

“Cheers to more tawanan, kwentuhan, random lakad, messages and all!!!” pahayag n’ya. “I am always here supporting you in everything that you do! happy din ako nahanap mo na ang Harrystyles of your life!!!! yihaa!!!”

Paliwanag pa ni Kim sa ipinost n’yang dance video, ito daw ‘yong tumanggi daw sina Bela at Angelica na sumali sa sayaw pero bigay-todo pala nang mai-play na ang music. 

”Eto yung part na ayaw niyo 'DAW' ni angge [palayaw ni Angelica] sumayaw pero pag tumunog na yung music grabe makahataw!!! hahahhahahahah naka 10,000 laughters tayo nung gabing yan!!!! Sobrang saya!!” ani Kim.

“Miss you both so soooo much momsy @iamangelicap and momsy belsie looking forward nako sa next pagkikita natin! Can’t wait to laugh ng hardcore again!!! Enjoy your special day!!! Stay safe, healthy, and happy!!!! #taureantwin

“PS sinave ko talaga yang dance na yan para sa birthday mo!!! Kala nyo kayo lang may bala sakin ha?! Hahahhaha ayan best dancer! Momsy angge and momsy bels!!! with special participation of direk  @andoyr1973 #noel,” pagtatapos ni Kim.

Sagot naman ni Bela sa comment section, “Thank you momssssyyy nakakaiyak naman to!!!!”

SCREENSHOT: @chinitaprincess on Instagram

Nagsimulang maging close ang tatlong Kapamilya stars way back in 2017 nang “mag-gatecrash” daw sina Kim at Bela sa isang birthday party kung saan naman invited mismo si Angelica. Mula noon naging constant hang-out buddies na sila. 

Pinangalanan din nila ang kanilang grupo bilang “AngBeKi” na mula sa first syllables ng kanilang mga pangalanan. 

Last 2019 naman ay nagpalagay sila ng matching tattoos bilang tanda ng kanilang strengthened friendship. 

Happiest birthday to you, Bela!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Did Bela Padilla just confirm she is in a relationship in this Instagram post?

Bela Padilla writes a song about love that blossoms and withers during quarantine

Bela Padilla counts her 2020 wins instead of losses

Bela Padilla, nagsampa ng kasong unjust vexation laban sa stalker na nagpakilalang “classmate” at “boyfriend” para makapasok sa condo niya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.