Angelica Panganiban and Gregg Homan exchange "I dos" anew in Siargao

Dumagsa sa Siargao ang mga celebrities, relatives, and friends ni Angelica Panganiban para saksihan ang second wedding nila ng husband niyang si Gregg Homan.

Photos: Instagram

Dumagsa sa Siargao ang mga celebrities, relatives, and friends ni Angelica Panganiban para saksihan ang second wedding nila ng husband niyang si Gregg Homan.

Just a few months mula nang magpakasal sila sa Amerika, muling nagpalitan ng "I dos" ang aktres na si Angelica Panganiban at businessman husband niyang si Gregg Homan

Naganap ang star-studded second wedding ng dalawa ngayong araw, April 20, sa Siargao.

Makikita nga sa mga naglabasang photos and videos online na glowing bride si Angelica sa kanyang white spaghetti-strapped wedding gown.

Samantala, lumipad pa-Siargao ang mga relatives at malalapit na kaibigan ni Angelica kabilang na ang mga BFFs niyang sina Anne Curtis, Maxene Magalona, Bela Padilla, Kim Chiu, and Glaiza de Castro para saksihan ang kanyang kasal.

Present din sa celebration sina John Pratts, mag-asawang Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos, Cherry Pie Picache, ABS-CBN head Carlo Katigbak, and more.

 

 

Kung matatandaan, kinumpirma ni Angelica ang relasyon nila ni Gregg noong Bagong Taon ng 2021 nang mag-post ang aktres ng sweet photo nila sa Instagram. 

Noong September 2022 naman nang isilang ni Angelica ang baby girl nilang si Amila Sabine o Baby Bean. 

Una naman silang nagpalitan ng "I dos” in an intimate wedding ceremony noong December 31 sa Los Angeles, California.

Congratulations and best wishes, Angelica and Gregg!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Angelica Panganiban is now Mrs. Homan!

Pika's Pick: BFFs Angelica Panganiban, Bela Padilla, and Kim Chiu bond in LA

After ng first birthday celebration ni Baby Sabine, Angelica Panganiban at Gregg Homan, destination wedding naman nila ang aasikasuhin

Pika's Pick: Angelica Panganiban and Gregg Homan’s daughter Amila turns one; mom thanks her for giving her the best chapter of her life

Pika's Pick: Angelica Panganiban proudly shows her daughter’s face for first time; motherhood also reveals her inner poet

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.