Angelica Panganiban, aminadong dating laklakera. “Ang thinking ko noon, ipinanganak ako para uminom!”

(Right photo) The iWant series, with concept and direction by Andoy Ranay (leftmost), stars (L-R) Mylene Dizon, Agot Isidro, Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, Angelica Panganiban, and Joanna Ampil.

PHOTOS: Melo Balingit

(Right photo) The iWant series, with concept and direction by Andoy Ranay (leftmost), stars (L-R) Mylene Dizon, Agot Isidro, Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, Angelica Panganiban, and Joanna Ampil.

Turning 33 years old palang si Angelica Panganiban sa darating na November pero nagsisimula na raw niyang maramdaman ang mga biological changes ng isang nagkaka-edad.

Tita-in-training ang role ni Angge (palayaw ni Angelica) sa iWant original comedy series na Call Me Tita. Siya ang pinaka-bata sa limang magkaka-ibigan—(played by Mylene Dizon, Agot isidro, Joanna Ampil, at Cherry Pie Picache)—na nasa mid-life status nang tinatawag. At sa digicon ng iWant series kahapon sa ABS-CBN, isa ang coming to terms with age sa napag-usapang topic. 

At inamin nga ni Angge na ramdam na rin niya ang pagiging semi old at isa sa basehan niya ay pagiging madali na niyang malasing kumpara noong bata-bata pa siya.

“Nararamdaman ko siya… halimbawa iinom ka, dati diba pag uminom ka, ‘Yes!’ Ganyan. Inom ka talaga. ‘Yes!’  

Forever kang iinom. ’Yon ’yong thinking ko…pinanganak ako para uminom! ’Yon ang thinking ko no’n…Hindi ko kaya pala…”

Siya na raw ang nag-impose ng limit sa sarili lalo pa’t hirap na raw siyang maka-recover from hang-over kinabukasan. Kung dati raw ay halos araw-araw, sinimulan daw niyang gawing every other day hanggang sa naging weekends nalang, hanggang sa naging occasional nalang.

Ngayon, parang may realization na hirap maka-recover…aminado ako, hilig ko uminom, mag-unwind…real talk lang…Pero pag nagkaka-edad ka pala, hindi na madaling maka-recover…Ini-sked nalang.”

Call Me Tita will have a simultaneous premiere on iWant and ABS-CBN on August 18. The succeeding TV versions will be seen every Sundays at 9pm thereafter.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.