Mas komportable gumawa ng bed scene ang VMX stars na sina Angelica Hart at Candy Veloso kapag kapwa babae ang kanilang ka-partner sa eksena.
Ayan ang sinabi ng dalawang aktres sa press conference ng upcoming VMX film na Pin/Ya, which is a GL (girls love) project, last Thursday, November 28.
“Mas komportable ako ilabas lahat at gawin lahat ng kaya kong gawin, hanggang sa limit ko,” say ni Angelica. “Kapag sa guy kasi, may mga reservations, ako may limitations ako kapag ang partner ko is lalake pero ’pag babae, as in wala. Minsan, sinasabi ko sa partner ko na ‘Gawin mo lahat, huwag kang mahihiya. Kahit anong gawin mo sa akin gawin mo. Kung sa tingin mo ’yon ’yong pagiging maganda, gawin mo.’”
Umagree naman si Candy while stating the difference ng paggawa ng love scene kasama ang lalake compared sa kapwa babae.
“Sa lalake kasi, feeling ko anytime mata-take advantage ako kasi naranasan ko na ’yon. Naranasan ko na ’yon before na kahit may plaster na, kinagat niya pa rin ’yong ano ko, ganun. Ganun pagta-take advantage,” sabi niya.
Sa sobrang okay kay Candy gumawa ng love scene with a girl, naisipan niya ring huwag na sila magplaster sa eksena. Subalit, kailangan daw ito bilang standard operating procedure onset.
“Noon nasanay na ako sa GL, kasi mostly mga projects ko sa GL, parang wala na kong restrictions. Dumating na nga ako sa point na sinasabi kong ‘Wag na tayo magplaster, okay na.’ Pero wala, eh. SOP so kailangan sundin. Ganoon ako ka-all out ’pag babae. Tulad sa nipple, ganun. Wala akong problema pero pag sa lalake, hindi talaga ako ready na gawin nila [ng all-out],” sabi niya.
Bibida sina Angelica at Candy sa Pin/Ya, na magpe-premiere sa VMX streaming platform this coming December 6. Ang pelikula ay nasa ilalim ng direksyon ni Omar Deroca.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber