Angeli Khang, handang makitang naka-posas ang amang nag-abuso sa kanila ng kapatid niya

Ani Angeli Khang, sakaling makulong ang ama niya dito sa Pilipinas, ay gusto lang umano nilang matuto ito ng leksyon. "Hindi naman namin siya gustong makulong habang buhay, parang sana lang ma-realize niya na mali 'yong ginawa niya."

Ani Angeli Khang, sakaling makulong ang ama niya dito sa Pilipinas, ay gusto lang umano nilang matuto ito ng leksyon. "Hindi naman namin siya gustong makulong habang buhay, parang sana lang ma-realize niya na mali 'yong ginawa niya."

Sina Angeli Khang at Robb Guinto ang bibida sa kauna-unahang theatrical release ng Vivamax at ito ay ang girls love (GL) movie ni Direk Roman Perez, Jr. na Unang Tikim na mapapanood na sa July 17. Noong nilatag daw sa kanila ang proyekto, sinabi na raw sa kanila ng mga Viva bosses na ito nga ang magiging first theatrical offering ng Vivamax kaya naman magkahalong kilig at pressure daw ang naramdaman nilang dalawa.

During the Vivamax 11 Million subscribers milestone presscon ay nababanggit na ng mga Viva bosses nasusubok sila ng risqué theme for the big screen. At heto na pala yon.

Anyway, Angeli and Robb are playing as lesbian lovers (na femme) sa Unang Tikim at pilit silang paghihiwalayin ng tadhana. In short love story ito na may Vivamax elements.

Hindi na bago kina Angeli at Robb na makipag-love scene sa kapwa babae sa mga nagdaan nilang pelikula. Pero dahil GL ito kaya kinailangan nilang mas mag-research for their roles.

In real life, may mga kaibigan naman daw silang tomboy, lalo na si Angeli na may kuyang maraming tropang tibash. Kabaligtaran daw niya na panay bading naman ang kasama. Ang mga tropa daw ng kuya niya ang inobserbahan niya to study for this role.

“Nakakasama ko silang lumabas, mag-inuman and without telling them na may ginagawa akong ganitong movie, doon ko nakikita kung paano sila magsalita, paano pag nalalasing... naghahawakan sila ng dede, wala silang pakialam pakita dede nila. Haha!” masayang tsika ni Angeli.

Si Robb naman, bukod sa pag-i-interview ng mga kaibigan niyang lesbians ay nanood daw mga lesbian movies.

After the presscon proper, nahila namin si Angeli para mahingan ng life update at isa sa naitanong namin sa kanya ay tungkol sa kasong isinampa nila ng nanay niya sa kanyang abusive Korean dad na naka-base sa Saipan.

Ang kasong ito, filed in November 2015 pa, ay ang kasong pang-aabuso o Republic Act 9262: The Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Physically abused si Angeli at ang kanyang kuya and in later years saka lang nag-manifest sa kanya ang mga epekto noon. Nagse-self harm umano siya at ang mga peklat noon ang siyang pinatakpan niya ng tattoo ngayon.

RELATED: Angeli Khang, nakaranas ng physical abuse mula sa kanyang Koreanong ama; naging coping mechanism ang mag-self injury

Bukod pa roon, pinu-push away daw niya ang mga nagmamahal sa kanya. Kaya naman ipina-psychiatrist siya ng kanyang ina.

American citizen ang dad niya na may business interests in Asia, particularly sa linya ng construction. At dahil American citizen, involved ang American embassy sa isinampa nilang kaso.

Ani Angeli, tuloy pa rin ang kaso kaya any moment daw na tumapak ng Pilipinas ang kanyang ama ay poposasan ito ng mga otoridad.

Kaya mong makita siyang naka-posas?

“Yes,” direktang saad ni Angeli. “Sorry, I think that was harsh...pero ’yong naging buhay namin ng kuya ko sa kanya... I remember ‘yong kuya ko, hinambalos siya ng two by two (dos por dos). Kulay purple na siya. He has big
scars. Kung nandito siya, pakita ko sa inyo.”

Aniya, sakaling makulong ang ama niya dito, gusto lang umano nilang matuto ito ng leksyon.

“Hindi naman namin siya gustong makulong habang buhay, parang sana lang ma-realize niya na mali ’yong ginawa niya.”

RELATED: Tunay na buhay ni Angeli Khang, mas makulay at mas mapait pa kesa sa mga roles na ginagampanan niya

Despite ng mga dinanas nilang magkapatid, isang sincere apology lang daw ay kaya naman nilang patawarin ito.

“I just want to have a calm, serious heart-to heart talk with him. I just want to have the feeling na may tatay. I just want him to realize na mali ang ginagawa niya kasi parang wala lang sa kanya, e. I just want him to learn humanity.”

In all these, mahal pa rin daw niya ang kanyang ama at iniisip niya nalang na baka naging traumatic din ang childhood nito kaya ito nagkaganoon.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.